Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Balita ng Pakikibaka

 Read this article in English

Cell site sa danao, inatake ng BHB

Inatake ng mga Pulang mandirigma ang cell site ng Smart Telecommunications sa Barangay Looc, Danao City nitong Abril 21. Ayon sa isang liham mula kay Hans Agricola, upisyal sa impormasyon ng National Democratic Front , binomba ng apatkataong tim ng Jovito Plaza Brigade ang gwardyahan ng cellsite bilang parusa sa Smart sa di pagbayad ng rebolusyonaryong buwis.

Sta. Teresita Farm, sinalakay ng BHB

Matagumpay na sina lakay nitong Abril 20 ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan ang Sta. Teresita Farm sa Tagkawayan, Quezon. Sa naturang reyd, nasamsam ng laking-iskwad na grupo ng BHB ang tatlong matataas na kalibreng armas at dalawang ICOM na radyo.

CAFGU, pinarusahan

Pinarusahan ng BHB si Ezequiel Pimentel, 44, sa Maddela, Quirino noong Abril 16. Isa siyang pusakal na myembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit at may mga kaso ng pang-aabuso laban sa mamamayan.

Abusadong upisyal ng PNP-CPD, ginawaran ng rebolusyonaryong hustisya

Ginawaran ng Melito Glor Command (MGC) ng BHB-Timog Katagalugan ng parusang kamatayan si Chief Insp. Marcelo Velasco, upisyal ng Central Police District ng Quezon City noong Abril 11. Pinarusahan si Velasco sa Tandang Sora, lunsod ng Quezon, bandang alas-syete ng gabi.

Ayon sa isang pahayag ni Tirso "Ka Bart" Alcantara, tagapagsalita ng MGC, pinarusahan ng BHB si Velasco dahil sa mahabang listahan ng kanyang mga krimen at pangaabuso laban sa mamamayan. Tugon din aniya ito sa daing ng maraming pamilya sa Tandang Sora na biniktima ni Velasco.

Kabilang sa mga krimeng binanggit ang paggahasa at pambubugbog sa ilang kababaihan. Binabantaan din ni Velasco ng kamatayan ang mga tao sa kanyang paligid. Hinahamon niya ng laban ang kanyang mga kapitbahay o di kaya�y walang pakundangang namamaril. Mangangamkam din ng lupa si Velasco. Bukod rito, protektor si Velasco ng sindikatong nagbebenta ng bawal na gamot.

Sa kaugnay na balita, pinarusahan din ng BHB ang hepe ng pulis ng Surigao City na si Senior Supt. Alberto Olario nitong Abril 23 sa Jabonga, Agusan del Norte.

Tatlong sundalo, sugatan sa pagtambang ng BHB

Tatlong sundalo ang sugatan sa pagtambang na inilunsad ng BHB sa Cateel, Davao del Sur. Nagsasagawa ng combat patrol ang mga sundalo nang ambusin ng mga Pulang mandirigma sa baryo ng Aliwagwag noong Abril 1.

Manero, parurusahan ng BHB

Idineklara ng Magtanggol Roque Command ng BHB nitong unang linggo ng Abril na aarestuhin, lilitisin at parurusahan nito si Norberto Manero, pusakal na anti-komunistang kultista na pumatay kay Fr. Tulio Favali noong 1985.

Sa isang pahayag, sinabi ng naturang kumand ng BHB na hindi nito ipapasa si Manero sa mga pulis at militar sakaling ito�y madakip. Anila, aarestuhin nila si Manero at hahayaang ang masa ang magparusa sa kanya.

Lumabas ang pahayag matapos pinatakas si Manero mula sa pagkakakulong noong Marso 22.

Barangay kapitan, pinarusahan

Ginawaran ng BHB ng rebolusyonaryong hustisya si Rodrigo Jandayan, barangay kapitan ng Barangay Tanod, Anda, Bohol noong Marso 25.

Ayon kay Silvino Clamucha, tagapagsalita ng National Democratic Front sa Gitnang Kabisayaan, si Jandayan ay pinarusahan ng kamatayan dahil sa mga krimen niya laban sa rebolusyonaryong kilusan. Ani Kasamang Clamucha, nagsilbing espiya ng militar si Jandayan. May mga kaso rin siya ng pang-aabuso laban sa mga magsasaka at tagasuporta ng rebolusyonaryong kilusan.

Pusakal na asendero sa Leyte, pinarusahan

Sinunog ng mga Pulang mandirigma noong Marso 24 ang trak na pag-aari ni Manuel Torres, isang kilalang asendero sa Ormoc, Leyte. Ito�y matapos magmatigas si Torres na di magbayad ng rebolusyonaryong buwis.

Ang sinunog ng Reynaldo Jorial Command na trak ay nagkakahalaga ng P350,000. Isinagawa ito sa tubuhan ni Torres sa Sityo Sumangga, Barangay Campo Lopez. Hindi sinaktan ng mga gerilya ang drayber ng trak, bagkus ay pinababa lamang ito bago sindihan ang sasakyan.

Pagparusa sa kaibigan ni Imee Marcos, inako ng BHB

Sa isang pahayag nitong Abril, inako ng Bagong Hukbong Bayan ang pagtambang at pagpaparusa kay Celsar Bendigo at sa dalawa niyang goons sa Barangay Wagie, Leyte noong Oktuber 19, 2000. Si Bendigo ay isang negosyante at malapit na kaibigan ni Cong. Imee Marcos.

Ayon kay Ka Dadong Malaaya, tagapagsalita ng Mt. Andewin Command ng BHB-Northern Leyte, pinarusahan si Bendigo at kanyang mga kasamahan dahil sa kanilang mga krimen laban sa mga magsasaka. Kabilang dito ang pagpapalayas sa mahigit 40 pamilya mula sa isang 90-ektaryang lupa, ang pagpatay sa mga magsasaka at pamamaril sa mga komunidad-magsasaka.

Nasamsam ng BHB mula sa sasakyan ni Bendigo ang isang .45, isang shotgun, 1,000 bala ng armalayt at mga kagamitang pangmilitar.

Ipinagpaumanhin ng BHB ang hindi kagyat na pag-ako at pagpapaliwanag hinggil sa pagpaparusa na nagresulta sa pagbaling ng sisi sa inosenteng mamamayan. Ipinanawagan ni Ka Dadong sa mga pulis na itigil na ang paghabol sa mga pinaghihinalaang sibilyan. Hinikayat din niya ang mga biktima ng pangaabuso ng pamilyang Bendigo na magsampa ng mga kaso laban rito.

Panawagan ng GRP para sa "mutual ceasefire", tinanggihan ng NDFP

"Dapat munang harapin ng negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP ang mga ugat ng digmaang sibil bago magkaroon ng katapusan ang armadong labanan," ani Kasamang Jose Maria Sison, chief political consultant ng NDFP sa isang pahayag hinggil sa pagtanggi ng rebolusyonaryong kilusan sa "indefinite nationwide mutual ceasefi re" na iginigiit ng rehimeng Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Kasamang Joma, anumang indefinite nationwide mutual ceasefire bago magkaroon ng mga komprehensibong kasunduan sa mga panlipunan, pangekonomya at pampulitikang pagbabago ay katumbas ng pasipikasyon o pagpapasuko sa rebolusyonaryong kilusan.

"Napakalaki ng pagkakaiba sa pagitan ng pasipikasyon at ng pakikibaka para sa makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa pamamagitan ng pagharap sa mga ugat ng digmaang sibil sa pamamagitan ng negosasyong pangkapayapaan," sabi pa ni Ka Joma. Aniya, mapasasangayon lamang ng GRP ang NDFP sa indefinite nationwide mutual ceasefire kung kikilanlin ng GRP ang pampulitikang awtoridad at teritoryo ng demokratikong gubyernong bayan. Subalit, sa tingin niya aniya ay hindi papayag sa ganito ang GRP.

Bilang pagtatapos, ipinahayag ni Ka Joma na sasapat na sa ngayon ang mga mutual ceasefire na may partikular na layunin at saklaw, oras at lugar gaya ng ligtas at maayos na pagpapalaya ng mga bihag ng digma, pagtawid ng mga kaswalti sa lugar ng labanan, paglunsad ng mga manggagawang pangkalusugan ng bawat panig ng mga kampanyang pangkalinisan, pangkalusugan at anti-epidemya, at pagdiwang ng Pasko at bagong taon.

Mga kagawad ng NDF peace panel, bumisita sa Pilipinas

Mula sa The Hague, Netherlands, dumating noong Abril 8 sina Kasamang Luis Jalandoni, pinuno ng peace panel ng National Democratic Front of the Philippines, si Kasamang Antonio Zumel, senior adviser ng NDF panel, at mga kagawad ng NDF peace panel na sina Connie Ledesma at Ruth de Leon.

Narito sa bansa ang mga kagawad ng peace panel upang makipagkonsultahan sa mga kasama mula sa iba�t ibang panig ng bansa. Bahagi ito ng paghahanda para sa nakatakdang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas at NDFP sa Abril 27.

Kabilang sa itineraryo ng peace panel ang pagdalaw sa mga bilanggong pulitikal nitong Abril 19 at ang pagdalo sa kumperensyang pang kapayapaang idinaos nitong Abril 18. Ang naturang kumperensya ay may temang "Solidarity for a Just and Lasting Peace". Inisponsor ito ng Catholic Bishops Conference of the Philippines at ng National Council of Churches in the Philippines.

Bukod sa mga myembro ng peace panel ng NDFP, dumalo rin dito ang peace panel ng GRP at ang iba pang mga personahe at grupo mula sa loob at labas ng bansa.

Dito, ihinapag ng NDFP ang mga iginigiit nito sa rehimeng Macapagal-Arroyo, kabilang ang kagyat na pagpapalaya sa lahat ng bilanggong pulitikal at ang pagbuwag sa patakarang kontraktwalisasyon sa hanay ng paggawa. Ipinanawagan din ng NDFP ang pagpapataas ng sahod ng mga manggagawa.

"Kalbaryo ng Mamamayan", inilunsad sa Laguna

Inilunsad ng may 250 magsasaka, mangingisda, maralitang- lunsod, taong-simbahan at iba pang militanteng grupo sa Bay, Laguna, ang "Kalbaryo ng Mamamayan sa Panahon ni Gloria" caravan na nagsimula noong Abril 12. Tumungong Maynila mula Calamba ang caravan at bumalik sa Sta. Cruz, Laguna.

Sa caravan, hinamon ng iba�t ibang sektor mula sa Timog Katagalugan si Gloria Macapagal-Arroyo, gayundin si Jaime Cardinal Sin. Anila, dapat daw ay pumanig na ang mga ito sa mga magsasakang ipinaglalaban ang kanilang karapatan sa lupa, mga ilog at mga rekursong dagat, laban sa malalaking burgesya-kumprador at asenderong patuloy na yumayaman sa kapinsalaan ng mga naghihirap na pesante.

Ayon sa Katipunan ng mga Samahang Magbubukid ng Timog Katagalugan (Kasama-TK), ang mga pamilyang gaya ng mga Ayala, Zobel, Roxas, Yulo, Locsin, Cojuangco, Puyat at Sy ay nagpapasasa samantalang ang mga magsasaka ay nananatiling walang lupa, binabarat sa presyo ng kanilang mga produkto habang tuluytuloy ang implasyon, at iniipit ng mga kontra-magsasakang patakaran gaya ng ng globalisasyon, Fisheries Code, Mining Act at Agricultural Fisheries Modernization Act.

Militanteng caravan na anti-Estrada, inilunsad

Militanteng inilunsad ng malawak na nagkakaisang prente na kinabilangan ng Bayan Muna, Council for Philippine Affairs (Copa) at iba pang mga grupo�t organisasyon ang isang caravan nitong Abril 3. Nilayon ng caravan na iprotesta ang pagbalam sa pag-usig sa pinatalsik na si Joseph Estrada.

Mula Maynila hanggang Baguio, itinambol ng 400-kataong caravan ang kagyat na pag-usig kay Estrada. Sa araw ding iyon, dalawang petisyon ni Estrada ang ibinasura na ng Korte Suprema. Ang unang petisyon ay humihiling na muling isaalang-alang ang desisyon ng korte na nagpwesto kay Macapagal-Arroyo sa pagkapangulo. Hinihingi naman ng pangalawang petisyon na ilibre na si Estrada mula sa anumang kasong kriminal.

Mga kriminal na kandidato sa eleksyon, pinarusahan ng BHB

Sa magkaka hiwalay na insidente, umaabot na sa anim na alkalde at/o kandidato para sa pagka-alkalde na may mga krimen laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan ang pinarusahan ng BHB. Ipinahayag ng Alfredo Cesar Command (ACC) ng BHB-Ilocos Sur nitong Abril 20, 2001 na si Teodoro Hernaez, alkalde ng Sta. Lucia, kasama ang tatlo niyang mga badigard na pulis, ay pinarusahan ng isang isparo yunit ng BHB dahil sa kanyang pagiging kronikong anti-mamamayan at kontra-rebolusyonaryo. Kinumpiska ng BHB mula sa kanila ang isang ripleng M14, isang 9mm at isang .45.

Ayon sa koresponsal ng ACC sa AB, ang pagpaparusa kay Hernaez noong Abril 18 ng gabi ay pagkamit ng katarungan para sa mamamayan ng Sta. Lucia na matagal nang nagdurusa sa ilalim ng kanyang pamumuno. Anang ACC, si Hernaez ay isang despotikong panginoong maylupa at warlord. Aktibo siyang nakikipagsabwatan sa mga lokal na upisyal at sa AFP at PNP upang ipahamak, ilikida at/o pasukuin ang BHB at rebolusyonaryong mamamayan ng Sta. Lucia. Sinupil niya ang pag-oorganisa at pagkilos ng mga magsasakang nakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan.

Sinabi ng ACC na kamuhi-muhi ang pyudal na pagsasamantala ng pamilyang Hernaez sa mga kasama. "Hinuhuthot nila ang hanggang 75% ng ani ng mga kasama bilang upa. Kumokopo sila ng higanteng tubo mula sa usura at namimiga ng tributo sa mga kasama sa anyo ng gulay, prutas at di-bayad na paggawa," paliwanag ng ACC. Bukod rito�y binabarat pa umano at inaagawan ng pamilyang Hernaez ng lupa ang mga magsasaka.

Dagdag pa ng ACC, ginamit ni Hernaez ang kanyang pagiging alkalde upang payamanin ang kanyang sarili, pamilya, mga kaibigan at upang mag konsolida ng pampulitikang kapangyarihan. Pasimuno siya sa mga kriminal na aktibidad at malaking protektor ng prostitusyon, droga, jueteng at iba pa.

Pagtatapos ng ACC, maaaring matanda na si Hernaez subalit hindi na matitiis pa ng mamamayan ang isa pang araw sa kanyang kasuka-suka at sakim na buhay at pamumuno.

Sa kaugnay na balita, pinarusahan ng BHB si Oscar Turralba, kandidato sa pagkaalkalde sa La Paz, Agusan del Sur nitong Abril 21, 11:45 n.u. Pinarusahan si Turralba dahil sa kanyang mga kontra-mamamayan at kontra-rebolusyonaryong aktibidad.

Si Turralba ay pangalawa na sa mga kandidato sa pagkaalkalde na ginawaran ng BHB ng rebolusyonaryong hustisya sa Agusan. Nito namang Abril 17, bandang 11:30 ng gabi, pinarusahan ng BHB ang alkalde ng Bayugan, Agusan del Sur na si Lope Asis.

Sa isang pahayag sa himpapawid, inilahad ng Nicolas Monteverde Command ng BHB-Hilagang Mindanao na si Asis ay pinarusahan sapagkat ito ay isang pusakal na druglord at gun smuggler.

Sa Kabikulan, tatlong kandidato para sa lokal na pamahalaan ang ginawaran ng rebolusyonaryong hustisya. Nitong Abril 20, bandang 9:30 n. g., pinarusahan ng Romulo Jallores Command ng BHB si Dr. Florencio Mu�oz, kandidato sa pagka-alkalde ng Camalig, Albay sa ilalim ng Lakas-NUCD. Si Mu�oz ay muiling kumakandidato matapos siyang halinhan ng kanyang asawa sa 25-taong pagka-alkalde ng Camalig. Pinarusahan siya ng Hukbo dahil pinakamasugid niyang sinuportahan ang pagpapatayo ng kontra-mamamayang planta ng semento sa Palanog, Albay, sa kabila ng aktibong paglaban dito ng mamamayan.

Nitong Abril 19, isang kandidato sa pagka-bokal ng Camarines Norte ang ginawaran din ng parusang kamatayan dahil sa kanyang mga kontra-rebolusyonaryong aktibidad. Si Felix Frayna naman, pusakal na kontra-mamamayang kandidato sa pagka-alkalde ng Sta. Magdalena, Sorsogon, ay pinarusahan ng BHB nitong Abril 4.

Mga paglabag sa SOMO at SOPO

Bilang kundisyon para sa maayos na pagpapalaya sa bihag ng digma na si Maj. Noel Buan, idineklara ng GRP ang suspension of offensive military opera tions (SOMO) at suspension of offensive police operations (SOPO) para na rin sa ligtas na pagkalas ng custodial force ng BHB.

Subalit ayon sa pahayag ni Ka Bart noong Marso 26, lansakan pa ring nilabag ng AFP at PNP ang kanilang sariling mga SOMO at SOPO. Ani Ka Bart, �Hindi pa rin natuto ang militar at pulis sa bigong rescue operation sa Gen. Nakar, Quezon na pumatay sa bihag ng digma na si P/CInsp. Abelardo Martin.

Noong Marso 19 at 23, naglunsad ng mga operasyon at roving check points ang Special Action Force sa mga bayan ng Roxas at Victoria, Oriental Mindoro. Hanggang matapos ang Marso ay nagpapatuloy pa rin ang mga operasyong militar sa mga bayan ng Roxas, Mansalay at Bulalacao.

Sa Batulao, Batangas, naglunsad ng mga operasyong pangkombat at panik tik ang Philippine Marines noong Marso 19. Naglunsad rin ng pinagsanib na operasyon ang militar at PNP sa bayan ng Lobo noong Marso 6. Tuluy-tuloy pa rin ang operasyong militar sa Nasugbu.

Ayon pa sa pahayag, aktibo rin ang 76th IB sa bayan ng Macalelon at iba pang bahagi ng Timog Quezon mula Marso 17-19. Sa mga bayan naman ng Lopez, Sariaya, Mauban at Unisan ay hindi pa rin itinigil ng militar ang pag-ooperasyon.

Dahil sa lantarang paglabag ng AFP at PNP sa idineklara nilang SOMO at SOPO laluna noong Marso, iginiit ng PKP/BHB/NDFP na tiyakin ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang sumusunod:

a. Pananatili sa baraks ng lahat ng SAF ng PNP sa Bulalacao, Oriental Mindoro; San Mariano, Roxas; San Antonio at Cagulong, Mansalay;

b. Pagtanggal ng lahat ng tsekpoynt ng mga yunit ng RSAF mula Puerto Galera hanggang Bulalacao

k. Pagpapanatili sa Calapan o Maynila ng lahat ng elemento ng Military Intelligence Tactical Unit (MITU) ng AFP sa Mindoro Oriental.

 


Previous articleBack to top 

Abril 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo:
Paghandaan ang mas malalaki pang laban, kamtin ang mas malalaki pang tagumpay!

Sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo:
Patuloy na dumadausdos ang pambansang ekonomya

Sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo:
Tunggalian at aregluhan sa hanay ng naghaharing uri

Sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo:
Mainit ang pagtanggap ng mamamayan sa pag-aresto kay Estrada
Pahayag ni Gregorio "Ka Roger" Rosal
Pambansang Tagapagsalita,
Partido Komunista ng Pilipinas
Abril 26, 2001

Sa ilalim ng rehimeng Macapagal-Arroyo:
Nagpapatuloy ang pananalanta ng pasistang estado

Central Cordillera Agricultural Programme:
Pagsasamantala sa likod ng "tulong pangkaunlaran"

Maj. Noel Buan:
Bihag ng digma, pinalaya ng BHB

Mga Balita ng Pakikibaka
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.