Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Sunud-sunod na mga opensiba, inilunsad ngayong Pebrero

 Read this article in English

Sunud-sunod na dagok mula sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang tinamo ng mga reaksyunaryo at papet na tropang militar nitong Pebrero.

Mga tropa ng Philippine Army, CAFGU tinambangan sa Capiz. Napatay ang anim na tropa ng Special Operations Team (SOT) ng Task Force Panay at isang elemento ng CAFGU sa isang ambus noong Pebrero 24 ng mga Pulang mandirigma ng Jose Percival Estocada Command-Central Front sa Barangay Daan Sur, Tapaz. Isa pang sundalo ang nasugatan. Humiwalay ang nasabing pangkat sa 18 kataong platun ng 12th IB nang matambangan sila habang tumatawid sa Sapa ng Sibaguan.

Nalipol ang halos buong pwersa ng kaaway at nasamsam sa kanila ang apat na M16, isang M203, isang M14 at isang UHF na radyo. Sa kabilang panig, ayon sa Coronacion "Waling-Waling" Chiva Command-Panay, naging martir sa labanang ito si Ismael "Ka Bob" Geganto, lider ng pananambang.

10 mataas na kalibreng armas, nasamsam sa Agusan del Sur. Isang walang putok na reyd ang isinagawa ng mga Pulang mandirigma laban sa detatsment ng 36th IB noong Pebrero 16 sa Barangay Zamora, Talacogon. Nakasamsam sila ng pitong M14, dalawang M16, isang Garand, iba�t ibang kalibre ng bala at mga unipormeng patig.

Detatsment ng pulis, nireyd sa Sorsogon. Tatlong pulis ang napatay at isang M16 ang nasamsam ng BHB sa isang reyd sa Gubat noong gabi ng Pebrero 14. Naisagawa ng BHB ang mapangahas na reyd sa Kababayan Police Assistance Center na 300 metro lamang ang layo sa Gubat Municipal Police Station at sa himpilan ng 508th Mobile Police Group at 21st IB. Bago ito, magkakasabay na hinaras ng BHB noong gabi ng Pebrero 13 ang mga detatsment ng PNP sa Barangay Tandaay, Nabua at Barangay Parubcan, Presentacion, kapwa sa Camarines Sur.

10 sundalo, patay sa Zambales. Taliwas sa ulat ng Northern Luzon Command (Nolcom), hindi dalawa kundi 10 tropa ng 24th IB ang namatay sa sagupaan sa Barangay Cabauatan, Botolan noong Pebrero 1 (hindi Pebrero 7, gaya ng unang naiulat). Marami ring pwersang militar ang sugatan, ayon sa pagtutuwid ni Jose Agtalon, tagapagsalita ng Josefino Corpuz Command ng BHB-Gitnang Luzon. Pinabulaanan din niya ang ulat ng militar na 18 mandirigma ng BHB ang nasawi sa labanan. Ayon kay Agtalon, isang Pulang mandirigma ang naging martir sa labanan.

Bunga ng kanilang pagkatalo, binalingan ng mga pasistang militar ang mga pinaghihinalaang simpatisador ng rebolusyonaryong kilusan. Ayon kay Agtalon, minasaker ng mga sundalo ng 24th IB ang isang anim-kataong pamilyang Aeta sa Sityo Palis, Barangay Magisgis, Botolan. Naghasik din sila ng karahasan sa kanugnog na Sityo Nakolkol.

Pusakal na hepe ng pulis, pinarusahan sa Cavite

Matagumpay na pinarusahan ng mga espesyal na operatiba ng Melito Glor Command (BHB-Timog Katagalugan) noong umaga ng Pebrero 14 si Sr. Supt. Eriberto Paglinawan, pusakal na hepe ng pulisya sa Cabuyao, Laguna. Isinagawa ang pagpaparusa sa Barangay Lumil, Silang, Cavite. Nasamsam ng BHB ang kanyang M14 at .45 na pistola.

Ayon sa pahayag ni Tirso �Ka Bart� Alcantara, tagapagsalita ng Melito Glor Command, ang pinakahuling mga kaso ni Paglinawan ay ang dalawang beses na tuwirang pamumuno sa marahas na pagbuwag sa mga barikada at piketlayn ng mga nagwewelgang manggagawa sa Nestl�-Philippines sa Sala, Cabuyao, Laguna. Sa isang insidente na naganap noong Hunyo 3, umabot sa 17 manggagawa ang nasugatan, kabilang ang mga nabalian ng braso, pumutok ang ulo at nabalian ng balikat. Marami pang iba ang walang awang pinagpapalo, binugbog, binato at binomba ng tubig na may halong kemikal at tinirgas. Nagsagawa rin siya ng pagsosona, pananakot at paniniktik sa mga komunidad na mahigpit na sumusuporta sa welga.

Matagal nang aktibo si Paglinawan sa kampanyang paniniktik at �anti-insurhensya�. Bago maging hepe ng Cabuyao PNP noong 1988, si Paglinawan ay nakatalaga sa Regional Intelligence and Investigation Division sa Camp Vicente Lim sa Laguna.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Marso 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Agresyong US, BIGUIN

Mula sa Komite Sentral
AB, dalawang beses bawat buwan

Usapang pangkapayapaan, ibinasura na ng GRP
Gerilyang digma laban sa AFP, inilunsad ng MILF
Ilang tampok na tagumpay sa paglalahathala ng AB
Lumalaking sagka
Pandaigdigang pagtutol sa gera
100,000, nagrali sa Luneta
Galamay ng US
Matatagumpay na opensiba ng BHB:
Sunud-sunod na mga opensiba, inilunsad ngayong Pebrero
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.