![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Dumalo dito ang mahigit 1,000 kinatawan ng 310 organisasyon, partido at kilusan mula sa iba't ibang bansa na nagkakaisa sa pangangailangang tahakin ang landas ng militanteng paglaban sa imperyalismo at reaksyon. Sa huling araw ng pulong, nagdaos ng malaking rali at martsa tungo sa embahada ng US sa Mumbai ang ilampung libong myembro at tagasuporta ng mga organisasyon at kilusang nakapaloob sa MR 2004. Ang mga ito�y nagkakaisa na kailangang puspusang labanan ang imperyalistang globalisasyon at gerang agresyon. Ang MR 2004 ay ambag sa patuloy na pagsisikap na pagkaisahin ang hanay ng mga mamamayang inaapi ng imperyalismo at palakasin ang kanilang pagtutol at paglaban. Sa loob ng apat na araw, dumagundong sa Mumbai ang mga boses ng pagtutol sa pandarambong at pananalakay ng imperyalistang US, ng iba pang imperyalistang kapangyarihan at mga ahente ng mga ito laban sa mamamayan at maraming bansa sa daigdig. Kumprehensibong sinaklaw ng MR 2004 ang mayor na mga usaping may kaugnayan sa imperyalistang globalisasyon, gera at tunggalian ng mga uri at ang iba�t ibang paraan at daluyan ng pakikibaka tungo sa pagkakamit ang pambansa at panlipunang pagpapalaya. Matapos ang dalawang araw na inilaan sa mga talakayan, nagkaisa, nanumpa at lumagda sa Mumbai Declaration ang mga dumalo sa MR 2004. Idinaos ang MR 2004 kasabay ng pagdaos ng World Social Forum (WSF) na isinagawa doon din sa Mumbai upang ilantad ang dala-dalang repormismo at pakikipagkumpromiso sa mga imperyalista ng mga namumuno sa WSF. (Sa balitang inilabas sa nagdaang isyu ng AB, nagkulang na tukuyin ang tunay na katangiang ito ng WSF at ang pagdaos ng MR 2004 bilang pantapat dito.) Maraming pwersa sa WSF ang tunay na nagnanais na labanan ang imperyalismo. Subalit hindi nila matamo ang kanilang hangarin dahil palagiang nababalahura ang WSF sa walang katapusang mga diskusyon at debate. Ang kanilang inisyatiba ay nasisikil ng kawalan ng panloob na demokrasya rito. Dinodominahan ang WSF ng mga Trotskyista, mga repormistang sosyal-demokrata at mga burukrata ng mga NGO. Nakikipagtulungan ang mga ito sa mga operatiba ng CIA ng US at pinopondohan ng Ford Foundation upang tabunan ang mga pundamental na usapin sa imperyalistang pandarambong at pagsasamantala at hadlangan ang landas ng militanteng paglaban ng mga mamamayan. Itinaguyod at pinondohan ng mga imperyalista ang pagbubuo ng WSF bilang reaksyon sa mga naganap na militanteng anti-imperyalistang kilos-protesta laban sa World Trade Organization sa Seattle noong 1999 at pagbubuo ng militante at anti-imperyalistang International League of Peoples� Struggle (ILPS) noong taon ding iyon. Sa paglalantad sa tunay na katangian ng WSF, hinihikayat ng MR 2004 ang mga pwersang naghahanap ng tunay at makabuluhang paraan ng paglaban sa imperyalismo at reaksyon na makiisa sa mga militanteng pagkilos. Tinukoy ng MR 2004 ang imperyalismo bilang pinakaugat ng mga paghihirap at pang-aaping dinaranas ng mamamayan at mga atrasadong bansa sa daigdig. Naninindigan ang MR 2004 na ang imperyalismo ay nararapat lamang na lubusang ibagsak ng mamamayan ng daigdig. ![]()
|
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|