Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

World Bank, palabigasan ng pinakamalalaking imperyalistang korporasyon

 Read this article in English

Sa nakaraang 12 taon, bilyun-bilyon ang ibinuhos ng World Bank (WB) para sa mga proyektong pang-enerhiya gaya ng pagtatayo ng malalaking dam, pagmimina ng mineral at langis, paglalatag ng mga pipeline ng langis at iba pa. Ang mga proyektong ito ay nagdulot ng malawakang dislokasyon sa buhay at kabuhayan ng mamamayan at puminsala sa kalikasan sa mga lugar kung saan inilunsad ang naturang mga proyekto.

Isinagawa ang mga ito nang walang anumang pagsaalang-alang sa kapakanan ng mamamayan at sa kabila ng kanilang mariing mga pagtutol.

Kasabay ng paghuthot sa likas na yaman ng mga atrasadong bansa, ang mga proyektong ito ay nagpapalala ng mga sosyo-ekonomiko at pampulitikang suliranin sa mga bansang pinaglulunsaran ng mga ito. Halimbawa, pinalalayas at inaagaw ang lupa ng mga taong naninirahan sa mga apektadong lugar at iba't iba pang anyo ng panunupil ang inihahasik laban sa mamamayang nasasagasaan at tumututol sa proyekto.

Masahol pa, ang tunay na nakikinabang lamang dito ay ang lima sa 10 pinakamalalaking korporasyon sa daigdig at 10 iba pang dambuhalang korporasyon. Karamihan pa sa kanila'y mga imperyalistang kumpanyang Amerikano na itinulak ng pinakamatataas na pinuno ng gubyerno sa US para paburan ng WB. Karamihan sa mga ito ay nalantad at nakasalang sa mga imbestigasyon sa US at iba pang lugar kaugnay ng mga pandaraya sa mga libro de kwenta, panggagantso, panunuhol, manipulasyon ng pamilihan, at/o mga paglabag sa mga karapatang-tao.

Mahigit $28 bilyon na ang ibinuhos ng World Bank sa gayong mga proyekto mula 1992 hanggang 2004. Pagkatapos ng paglusob at pagsakop ng US sa Iraq, karamihan ng mga proyketong itong ay para sa "rekonstruksyon" ng Iraq at paghuthot at paglalabas ng US ng langis mula sa Iraq. Kapalit ito ng $32 bilyon na iniambag nila sa kampanya ni Bush sa halalan sa US noong 2000.

Sa mga proyekto pa lamang na nakatuon sa langis, $10.7 bilyon ang pondong ibinuhos ng WB sa parehong panahon. Numero uno na sa mga nakinabang dito ang Halliburton, isang kumpanyang pinatatakbo ng mga kroni ng pamilya at gubyernong Bush. Isa ito sa pinakamalalaking nakinabang noong 1996-2000, nang presidente nito si Richard Cheney, ang kasalukuyang bise-presidente ng US. Ginamit ni Cheney ang kanyang malawak na impluwensya sa pulitika upang makakuha ng mga utang mula sa WB at iba pang bangko. Sa pagtataguyod nina Bush at Cheney, ang Halliburton din ngayon ang isa sa mga kumpanyang pangunahing nabibiyayaan ng matatabang kontrata para sa "rekonstruksyon" at proyekto sa panghuhuthot at paglalabas ng langis ng Iraq.

Tumanggap din ng pondo ang Shell, BP Amoco at Exxon Mobil, ang tatlong pinakamalalaking kumpanya ng langis sa buong mundo. Kabilang din sa listahan ng �benepisyaryo� ng WB ang mga kumpanyang batbat ng mga anomalya katulad ng Enron, El Paso Energy, General Electric at maging ang Harken Energy, kumpanya kung saan dating nagtrabaho at may mga sosyo si Pres. George W. Bush ng US.

Sa Pilipinas, kabilang sa mga proyektong pinopondohan ng WB ang Sual coal-fired power plant sa Pangasinan na itinatayo ngayon ng ABB Alstom, isang korporasyong Belgian at The Southern Company ng US. Ang WB din ang nagpopondo sa pagtatayo ng oil-fired power plant sa Bataan na pinangangasiwaan ng Covanta Energy ng US.

Karamihan sa mga proyekto sa langis na pinondohan ng WB ay hindi nakatuon sa produksyon ng langis para sa konsumo ng mga bansang kinapapalooban nito. Walumpu�t dalawang porsyento (82%) ng mga proyekto ay nakatuon sa imprastruktura para sa pagluluwas ng langis tungo sa Western Europe, US, Canada, Australia at Japan.

Taliwas na taliwas sa ipinangangalandakang programa ng WB para sa isang �mundong walang kahirapan� ang pagpopondo nito ng mga korporasyong multinasyunal, laluna ng mga korporasyon ng langis. Umaalma maging ang masusugid na tagapagtanggol ng institusyon. Inirekomenda ng Extractive Industries Review (EIR) sa isang pag-aaral na kinomisyon ng WB mismo na marapat na nitong itigil ang pagpopondo sa mga kumpanya ng langis. Ibinunyag ng EIR na karamihan sa mga proyektong ito ay batbat ng anomalya at kontrobersya. Hindi lingid sa kaalaman ng WB na nagaganap ang malawakang paglabag sa mga karapatang-tao at korapsyon ng mga kakutsabang lokal na naghaharing uri sa mga lugar kung saan itinatayo ang mga proyekto.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Mayo 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Malawakan ang karahasan at pandaraya sa nagdaang eleksyon

Reaksyunaryong Eleksyon:
Panununog sa Isabela, kinundena ng BHB

Reaksyunaryong Eleksyon:
AFP ang may kagagawan ng karahasan, pandaraya sa eleksyon �- NDF-Eastern Visayas

Reaksyunaryong Eleksyon:
Karahasan sa eleksyon, itinala ng NDF-Mindanao

Reaksyunaryong Eleksyon:
Militar, RPA nangampanya laban sa mga progresibong partido

Gubyerno at mamamayan ng Pilipinas, baon sa utang
Walang katapusang pangungutang
World Bank, palabigasan ng pinakamalalaking imperyalistang korporasyon
Mga Ulat Koresponsal:
Ka Boyet, mahusay na rebolusyonaryong kadre at kumander

Sa Ibayong Dagat:
Ang makasaysayang Labanan sa Dien Bien Phu

Sa Ibayong Dagat:
Cuba, naghahanda sa pagsalakay ng US

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.