Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Editoryal:
Rebolusyonaryong pakikibaka, pag-asa para sa tunay na repormang agraryo

 Read this article in English

Sa okasyon ng ika-14 na anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) noong Hunyo 10, ipinangalandakan ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang diumano�y mga tagumpay nito sa pagpapatupad ng repormang agraryo. Anito, ang naipamahaging lupaing agrikultural sa taong ito ay higit pa nang 4,261 ektarya sa target na 100,000 ektaryang mga pribadong lupain na itinakda ni Macapagal-Arroyo sa kanyang State of the Nation Address noong 2001. Ito rin daw ang pinakamalaking bilang ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) na naipamahagi sa loob ng isang taon sa buong kasaysayan ng CARP.

Ang totoo, ito ang pinakamababang bilang ng naipamahaging CLOA. Bago ito, ang pinakamababang bilang ay ang 111,665 ektaryang ipinamahagi umano ng rehimeng Aquino sa unang taon ng CARP.

Hindi rin lahat ng lupang sinasabi nilang naipamahagi ay pribado: mga 35,000 ektarya nito ay itinuturing na mga lupaing publiko. Masahol pa, batbat ng mga anomalya at pagkukunwari ang pamamahagi ng mga ito. Kabilang na rito ang mga sumusunod:

  • Stock Distribution Option (tulad ng ginawa sa 6,000 ektarya ng Hacienda Luisita);
  • Corporative Scheme (tulad ng ginawa ni Eduardo "Danding" Cojuangco sa mahigit 4,361 ektarya ng mga lupain niya sa Negros Occidental na kunwa�y ipinamahagi sa mga kasam� ngunit muli ring sinaklaw kaagad ng Eduardo Cojuangco and Sons Incorporated kapalit ang tig-kakaunting sapi sa korporasyon);
  • Cooperative Scheme (tulad ng ginagawa ni Cojuangco sa 150,000 ektarya sa Isabela, kung saan ang mga magsasaka ay ipinaloob sa VapDeCo, isang bogus na kooperatibang itinayo ni Faustino Dy Jr., warlord na gubernador ng prubinsya. Sapilitan ding itinali ang mga magsasaka sa eksklusibong kontrata ng pagtatanim ng kamoteng kahoy para sa San Miguel Corporation ni Danding Cojuangco); at
  • Voluntary Land Transfer/Direct Payment Scheme o VLT/DPS (na siya ngayong ibayong itinataguyod ng rehimeng Macapagal-Arroyo).

Ang unang tatlo ay pawang iba�t ibang anyo ng kunwa�y mga joint venture (magkasanib na pag-aari) sa pagitan ng panginoong maylupa at magbubukid. Ang mga ito�y iskema ng malalaking panginoong maylupa-kumprador upang ang mga lupaing diumano�y ipinamamahagi sa mga magsasaka ay maaangkin pa rin at patuloy na makokontrol ng mga panginoong maylupa-kumprador. Kapalit nito ang tig-kakaunting sapi sa mga korporasyon o bogus na kooperatiba na nasa absolutong kontrol din ng mga panginoong maylupa-kumprador.

Ang VLT/DPS na siya naman ngayong itinuturing ng rehimeng Macapagal-Arroyo na estratehiya nito sa pagpapatupad diumano ng CARP, ay nagagamit lamang na instrumento ng mga panginoong maylupa sa pagpapamana ng kanilang mga lupain sa pinipili nilang mga "benepisyaryo" na kadalasa�y mga anak at kamag-anak nila. Nagagamit din ito ng rehimen para sa pagpapalaki ng bilang ng diumano�y pinamahagihan ng lupa sa ilalim ng CARP. (Tingnan ang kaugnay na artikulo.)

Bukod pa ang mga ito sa napakarami pang dati nang nakagawian ng mga panginoong maylupa na mga paraan para balewalain, lusutan o baligtarin ang pagpapatupad ng CARP. Mula�t sapul, sadyang binigyang puwang ng CARP ang maraming paraan at palusot upang di saklawin ang naglalakihang lupain ng mga panginoong maylupa. Sa katunayan, panay mga butas at palamuti ang nilalaman ng CARP at panay mga katiwalian ang nangyari sa pagpapatupad nito.

Kabilang sa mga ito ang:

  • pagpapalit-gamit at/o pagpapalit-tanim sa mga lupaing dapat ay saklaw ng CARP pero ibinabaling na sa mga tanim na pang-eksport at di na saklaw ng CARP o kaya sa mga proyektong industriyal, komersyal, residensyal at panturismo.
  • paglilibre ng mga komersyal at korporadong sakahan sa saklaw ng CARP, kabilang ang mga prutasan, palaisdaan, sugpuan, manukan, babuyan at bakahan;
  • pagkakaroon ng mga kasunduang leasehold (kinontratang matagalang pagpapaupa) sa pagitan ng panginoong maylupa at magbubukid
  • sobrang pagpepresyo sa lupa

Walang pinag-iba ang CARP at ang iba�t ibang iskema ng bogus na reporma sa lupa sa nakaraan: mula pa sa hungkag na "hustisya sosyal" ni Quezon hanggang sa pampalamuting Land Reform Act (1955) ni Magsaysay, bogus na Agricultural Land Reform Code (1963) ni Diosdado Macapagal at Presidential Decree 27 (1972) ni Marcos. Pangunahing layunin ng lahat ng mga ito na linlangin ang mga magsasaka sa mga pakunwaring pamamahagi ng lupa, supilin ang kanilang mga paglaban at panatilihin silang nakagapos sa pyudal at malapyudal na paghahari. Lahat ng mga ito�y walang layuning wakasan ang monopolyo ng mga panginoong maylupa sa malawak na mga lupain at ipamahagi ang mga ito nang libre sa mga magsasaka. Kung may naipamahagi man, ito�y sa napakataas na presyo ng amortisasyon na lampas sa kakayahan ng mga maralita at panggitnang magsasaka.

Sa nakaraang tatlong dekada, lalong mabilis na sumidhi ang problema ng mga magbubukid sa kawalan o lubhang kakulangan ng lupang masasaka. Ang suliranin sa lupa ng mga magbubukid ay hindi naresolbahan ng mga bogus na reporma sa lupa ng mga nagdaan at kasalukuyang rehimen; bagkus ay higit pa itong lumala.

Sa ngayon, pito sa bawat sampung magsasaka ang walang sariling lupang sinasaka. Nananatiling mataas ang konsentrasyon ng mga lupaing agrikultural sa kamay ng malalaking panginoong maylupa, burges-kumprador at mga dayuhang agro-korporasyon.

Tinatayang halos 20% ng mga lupaing agrikultural sa bansa ay pag-aari ng 9,500 malalaking panginoong maylupa, na sa kalakha�y mga burges-kumprador din. Bukod pa rito ang ibayong malalawak na lupaing epektibong kinokontrol ng malalaking burges-kumprador. Mayroon man o walang tuwirang pagaaring mga sakahan, sa aktwal ay mga bagong-tipong panginoong maylupa sila.

Pinatutunayan ng lahat ng ito na hindi malulutas ang pangunahing suliranin ng mga magsasaka sa kawalan ng lupa kundi sa pamamagitan ng rebolusyong agraryong kaakibat ng armadong rebolusyon. Ang mga magsasakang nakikipaglaban para sa lupang mabubungkal at para wasakin ang makalumang sistemang pyudal at malapyudal sa kanayunan at sa kabuuan ng bansa � silang mga sumasapi at sumusuporta sa Bagong Hukbong Bayan at mahigpit na nagtataguyod ng digmang bayan � ang pangunahing maasahang pwersa para sa pagkakamit ng tunay na demokrasya ng mamamayan at ng pambansang kalayaan.

 


 Back to topNext article

Hulyo 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Rebolusyonaryong pakikibaka, pag-asa para sa tunay na repormang agraryo
VLT/DPS, punung-puno ng katiwalian
Mga Ulat Koresponsal:
Mahigit 11,000 magsasaka, nakinabang sa rebolusyong agraryo sa Hilagang Silangang Mindanao

Mga Ulat Koresponsal:
Matagumpay na kampanyang Kontra-usura, inilunsad sa Cagayan

Kalagayan ng mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita:
Matabang lupa para sa rebolusyon

Guingona, pinatalsik sa DFA dahil sa pagkontra sa Balikatan
Panghihimasok militar ng US
US, niyayanig ng mga iskandalong pampinansya
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.