Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Balita

 Read this article in English

Istasyon ng PNP sa Catanduanes, nireyd

Matagumpay na nireyd ng mga Pulang mandirigma ng BHB ang munisipal na istasyon ng pulisya sa Bagamanok, Catanduanes noong Hulyo 12. Nasamsam sa breyktrung taktikal na opensiba ang dalawang M16, dalawang M14, isang shotgun, isang .45, isang .38 at isang 9 mm. Dalawang pulis ang napatay sa labanan.

Tropa ng 74th I B, i nambus sa Marinduque

Tinambangan ng BHB ang mga tropa ng 74th IB sa Barangay Dolores, Sta. Cruz, Marinduque noong Hulyo 15.

Isang sundalo at pitong myembro ng CAFGU ang nasugatan sa ambus.

Ang 74th IB ay may mahabang rekord ng paglabag sa karapatang-tao at mga alituntunin ng digma sa Timog Luzon.

Tim ng RHB, dinurog ng BHB

Dinurog ng BHB ang walo-kataong pangkat ng Rebolusyunaryong Hukbong Bayan (RHB) noong Hunyo 29 sa isang sorpresang pagsalakay sa Barangay Taliptip, Bulacan, Bulacan. Napatay ang dalawa kabilang ang lider ng pangkat, habang ang iba ay nasugatan at sumuko. Nakumpiska sa naturang opensiba ang limang matataas na kalibreng armas, dalawang bangka at iba pang kagamitang militar.

Ayon sa pahayag ng BHB-Kanlurang Bulacan-Pampanga, ang bandidong RHB ay kinamumuhian ng mamamayan dahil sa kanilang kriminal na gawain. Katuwang din sila ng pasistang militar sa paninira at pagtugis sa rebolusyonaryong kilusan.

Mga krimen ng RPA, inilantad ng NDF-Negros

Muling itinawag-pansin ng National Democratic Front (NDF)-Negros ang kriminal na mga aktibidad ng �Revolutionary Proletarian Army� at ang pakikipagsabwatan nito sa mga bulok na pulitiko, mga reaksyunaryong uri sa Negros at maging sa pasistang AFP.

Ayon kay Frank Fernandez, pinuno ng NDF sa isla, dapat kasuhan at litisin ang RPA, kasama ng mga kasabwat nitong pulitiko, sa sari-saring krimen na ginawa nito kaugnay ng naganap na eleksyon.

Kabilang dito ang pananakot sa mga botante upang siguraduhin ang panalo ng United Negros Alliance at National People�s Coalition, mga partido ni Eduardo �Danding� Cojuangco.

Ayon din kay Fernandez, aktibo nang siniserbisyuhan ng RPA ang malalaking kumprador at panginoong maylupa sa isla mula pa noong 1996. Aniya, panahon na rin upang aminin ni Arturo Tabara, lider ng RPA, at mga upisyal-militar sa Negros na bahagi na ng 303rd Brigade ng Philippine Army ang RPA. Katunayan, tinawag niyang base ng �CAFGU-RPA� ang isang safehouse ng RPA na nireyd ng BHB nitong Hulyo 22.

Naganap ang naturang reyd sa Sityo Maganay, Barangay Bi-ao, Binalbagan, Negros Occidental nang salakayin ng isang platun ng BHB bandang 12:15 n.h. ang safehouse. Nasamsam ng BHB ang isang M14, anim na M16, isang garan, isang karbin, isang M203, mga pistola, libu-libong bala, at isang cellphone. Nasorpresa ang 14 na myembro ng RPA kaya hindi na nakapanlaban.

Gubernador ng Bohol, patalsikin�NDF-Central Visayas

Ipinanawagan ng National Democratic Front (NDF) sa Central Visayas (CV) ang pag papatalsik kay Gob. Erico Aumentado ng Bohol.

Ayon kay Vide Alguna, political consultant ng NDF Visayas, kaaway ng mga Boholano si Aumentado. Aniya, prinsipal na tagapagpatupad si Aumentado ng mga neoliberal at pasistang patakaran sa Bohol. Todo-todong ibinukas ni Aumentado ang prubinsya sa mga dayuhang monopolyo kapitalista. Binatikos din ng NDF-CV si Aumentado dahil sa kanyang mga anti-mamamayang proyekto na magpapalayas sa puu-puong libong mamamayan. Pumipinsala ng buhay at ari-arian ang iba pang programang ipinapatupad niya sa prubinsya.

Dagdag dito , pinag-ibayo rin ni Aumentado ang matinding kampanyang militar. Pinabilis niya ang pagdaragdag ng pasistang tropang militar sa isla at agresibong pagrerekrut ng CAFGU. Umaabot na ito ngayon sa anim na batalyon o 2,400 katao. Sa tinding inabot ng mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao, napwersa kahit ang Sangguniang Panlalawigan at mga upisyal ng CHR ng prubinsya na imbestigahan ang mga ito.

Harasment sa mga lider masa, nagpapatuloy sa Davao

Kinundena ng mga militanteng grupo sa Davao ang pagsasampa ng kasong rebelyon at kriminal sa mga lider ng KARAPATAN-Davao, BAYAN-Southern Mindanao, Farmers Association of Davao City at 20 iba pa. Kabilang sila sa mga kinasuhang kumander at mandirigma ng BHB. Isinampa ito noong Hulyo 15 ni Col. Eduardo del Rosario, kumander ng 73rd IB. Walang batayan ang pagdemanda sa kanila at layunin lamang nitong patahimikin sila sa paglalantad at pagkundena sa tumitinding mga paglabag sa karapatang-tao.

Kabilang na rito ang masaker sa Pangyan, Tamugan, Marilog District, Davao City noong Abril 15. Anim ang namatay at pito ang sugatan, kabilang ang tatlong bata.

Ibinasura ng CHR noong Hulyo ang kaso laban sa 73rd IB at pinalabas na aksidente lamang ang naturang pangyayari. Sinisi pa ang mga biktima sa pagdalo sa kasalan ng isang myembro ng BHB. Pinalabas ding Pulang mandirigma ang tatlong batang nasugatan.

Sa kaugnay na balita, kinasuhan ng mga progresibong organisasyon si Chief Supt. Eduardo Matillano, direktor ng Philippine National Police Region XI dahil sa kanyang marahas na dispersal sa isang rali noong Hulyo 1 sa Tagum City.

Tuluy-tuloy na pagtutol sa PPA. Tuluy-tuloy na tinututulan ng mamamayan sa iba�t ibang dako ng bansa ang purchased power adjustment o PPA. Sa Mabalacat, Pampanga, nagpahayag ang may 20,000 konsyumer ng pagkadismaya sa PPA gayundin sa sunud-sunod na blackout na naranasan nila mula umpisa ng Hulyo. Sa Camarines Norte, lubos na sinag-ayunan noong Hulyo 6 ng Camarines Norte Electric Cooperative ang isang resolusyong nananawagan para sa abolisyon ng PPA. Sa Iloilo, umabot sa 100 pamprubinsya�t pambayang mga upisyal ang pumirma sa isang manipesto laban sa PPA at Electric Power Industry Reform Act noong Hulyo 10. Nakiisa sila sa People Opposed to Warrantless Electricity Rates at BAYAN.

Pagpapatalsik ng mga bakla sa Bahrain nilabanan. Kinundena ng mga bakla na kabilang sa Progressive Organization of Gays in the Philippines (Progay) ang planong pagpapalayas sa may 2,000 Pilipinong baklang manggagawa sa Bahrain. Imbes na ipagtanggol sila, kinatigan pa ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang ganitong plano.

Subway sa London, pinaralisa ng welga. Pinaralisa ng 24 oras na welga ang halos buong subway (riles sa ilalim ng lupa) sa London noong Hulyo 17. Sa pangunguna ng Rail Maritime and Transport, nilalabanan ng mga manggagawa rito ang planong parsyal na pagsasapribado ng subway system.

Bago ito, naglunsad rin ng isang araw na welga ang 750,000 empleyado ng gubyerno sa iba�t ibang bayan noong Hulyo 16 upang igiit ang pagtataas ng kanilang sahod. Ang naturang pagkilos ay unang walk-out sa bansa sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Empleyado ng gubyerno ng Hong Kong, nagmartsa. Umabot sa 35,000 empleyado ng gubyerno ng Hong Kong at kanilang mga pamilya ang nagmartsa noong Hulyo 7. Tinuligsa nila ang Public Servants Pay Adjustment Bill na may layuning bawasan ang kanilang sahod hanggang 4.42% ngayong taon at paliitin ang depisit sa badyet na umaabot sa US$8.1 bilyon.

15 sibilyang Palestino patay sa pambobomba ng Israel. Labinlimang sibilyan, kabilang ang siyam na bata, ang napatay pagkatapos pasabugan ng missile mula sa isang F16 fighter jet ng Israel ang isang apartment building sa sentro ng Gaza City noong madaling araw ng Hulyo 23. May 145 pa na nasugatan. Binomba ng gubyernong Israeli ang mga kabahayan upang likidahin si Salah Shedadeh, lider ng militanteng grupong Hamas. Habang umani ng malawakang kundenasyon ang walang patumanggang pambobomba na ito, nagkasya lamang ang US sa pahayag na �napasobra� ang mga aksyon ng Israel.

165 sibilyang Afghan, biktima ng pambobomba ng US. Umabot sa 48 sibilyang Afghan ang namatay at 117 ang nasugatan nang bombahin ng US ang isang kasalan sa Dehrawad, Uruzgan, Afghanistan noong Hulyo 1. Karamihan sa mga biktima ay mga bata. Ilampung Afghan ang nagmartsa sa upisina ng UN sa Kabul noong Hulyo 4 upang kundenahin ang pambobomba. Sa halip na humingi ng patawad, buong kapal ng mukha na isinisi pa ng US ang kanilang pagkakamali sa mga tinamaang sibilyan. Anila, hindi dapat sa combat zone idinaos ang kasalan.

Pagpapalibre ng US sa International Criminal Court, tinanggihan. Tinanggihan ng European Union at Non-Aligned Movement noong Hulyo 10 ang mungkahi ng US na ipwera sa paglilitis ng International Criminal Court (ICC) ang mga Amerikanong bahagi ng UN Peacekeeping Force sa Bosnia and Herzegovina. Bago ito, aroganteng idineklara ng US noong Mayo 6 na hindi ito makikipagtulungan sa ICC dahil sa panganib na malitis ang mga upisyal at tropa nito para sa mga henosidyo at iba pang krimen laban sa sangkatauhan.

 


Previous articleBack to top 

Agosto 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Tumitindi ang pagpapakatuta ni Macapagal-Arroyo

Panghihimasok militar ng US
Pinulot sa basurahan
Vigilantismo sa Davao, dadalhin sa pambansang antas
Naghihingalong sistemang pangkalusugan sa bansa
Philhealth, instrumento para sa pagkakamal ng tubo
Pakikibaka sa Tala Leprosarium, nagpapatuloy
Pagpapasara sa 10 ospital:
Inaagrabyado ang masa sa Isabela

Programang GMA 50:
Bigong solusyon sa malalang suliraning pangkalusugan ng mamamayan

Mga Ulat Koresponsal:
Kampanya sa rebolusyong agraryo sa Ilocos at Kordilyera, tagumpay

Mga Ulat Koresponsal:
Presyo ng tabako, naitaas

Malaking bigwas sa imperyalismong US:
Pandaraya ni Bush at ng malalaking negosyo sa US

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.