Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Ulat Koresponsal:
Balita mula sa rehiyon ng Cagayan Valley

 Read this article in English

MAHIGIT 500 PAMILYA SA ISABELA NAKINABANG SA REBOLUSYONG AGRARYO

Sa larangang Benito Tesorio sa Isabela, mahigit 500 pamilya ang nabenepisyuhan nang magbunga ang panimulang sikad ng kampanya sa rebolusyong agraryo ng Bagong Hukbong Bayan. Sa buong rehiyon ng Cagayan Valley, mahigit 1,000 pamilya na maralita at mababang panggitnang magsasaka ang nakinabang na rin sa iba�t ibang pakikibakang antipyudal nitong nakaraang taon.

Paggiit ng karapatan sa lupa

Sa isang baryo na saklaw ng larangan, militanteng iginiit ng mga magsasaka ang karapatan nilang bungkalin ang lupang dati na nilang sinasaka pagkatapos itong agawin ng reaksyunaryong gubyerno, ideklarang lupaing pampubliko at patamnan ng gmelina. Ginawa ito ng gubyerno sa kabila ng kawalan o kakulangan ng lupa na maaring bungkalin ng taumbaryo.

Noong Pebrero 2000, "binawi" ang lupa ng mga tunay na nagmamay-ari � ang mga maralitang magsasaka na matagal nang nagpaunlad nito. Mahigit 20 pamilya ang kumilos. Dahil organisado sila, nagkaroon sila ng kakayahang ilaban ang kanilang karapatan at ipagtanggol ang matagumpay nilang pagkilos.

Sa isa pang baryo, naibaba ng mga magsasaka ang upa sa lupa sa 1/4 neto mula 1/3 gross. Ito ay pagkatapos na makipag-usap at makipagkasundo sa pinag-uupahan nila na mayamang magsasaka.

Pagpapataas ng sahod

Sa kampanya para itaas ang sahod ng mga manggagawang bukid nakamit ang pinakamalaking tagumpay. Mahigit 480 pamilya ng batayang masa sa tatlong baryo ang nakinabang. Malaking porsyento ng populasyon sa mga baryong ito ang kasapi ng mga organisasyong masa. Nakapaloob naman sa selyula ng mga panggitnang pwersa ang ilang kagawad ng Sangguniang Barangay.

Sa isang baryo, naitaas ang sahod mula P70 tungong P80 para sa pagtatanim at pag-aani. Mas mataas naman ang nakamit sa pag-aararo, pagtatabas, at panaglimbang. Sinimulan itong ikampanya ng mga organisadong magsasaka sa mga kasamahan nilang manggagawang-bukid sa pamamagitan ng pagpapapirma ng petisyon para itaas ang sahod. Iniharap nila ang petisyon sa Barangay Assembly at sinuportahan ito ng mga kagawad ng Sangguniang Barangay.

Sa isa pang baryo, iginiit din ng masa ang kahilingan nila sa Barangay Assembly. Dahil naliitan sa mungkahi ng Barangay Council na P5.00 na pagtaas ng sahod, ipinaglaban nila ang mas mataas na sahod sa mga indibidwal na umuupa ng lakaspaggawa. Katulad ng sa naunang baryo, naitaas ang sahod mula P70 tungong P80 (sa pagtatanim at pag-aani) sa dalawang purok.

Nakamit ang pinakamalaking pagtaas ng sahod sa ikatlong baryo. Pinagbotohan ng Barangay Assembly ang pagpapataas nito mula P70 tungong P100 (para pagtatanim at pag-aani rin). Mas mataas naman ang nakamit para sa pag-aararo at pagtatabas.

Lumalawak na paglaban

Bukod sa mga matagumpay na kampanya, kasalukuyang isinusulong ang petisyon para sa pagpapababa ng interes sa pautang, pagpapataas ng presyo ng produkto ng saging at pagpapabalik sa mga maralitang nakikisakang pinaalis ng mga asendero.

Pangunahing nakatutok ang mga kampanya sa rebolusyonaryong reporma sa lupa sa hakbanghakbang na pagpapahina hanggang maibagsak ang paghahari ng malalaking panginoong maylupa sa kanayunan.

Sa pamamagitan ng mga militanteng pakikibakang masa, hakbang-hakbang na lumalakas ang kapangyarihang pampulitika ng mga magsasaka at iba pang mamamayan. Ang hukbo ng mamamayan at ang armadong pakikibaka ay lagi�t laging katulong at magtitiyak sa tagumpay.

KA ANDREA, BIHAG NG AFP, TUMAKAS

Pagkaraan ng mahigit anim na buwang pagkakabilanggo sa kampo ng reaksyunaryong AFP, nakatakas si Cheryl Arcilla (Ka Andrea) sa ospital ng 5th ID, AFP sa Camp Melchor Dela Cruz sa Soyung, Echague noong ika-30 ng Enero.

Si Ka Andrea ay nahuli ng kaaway sa Dapis, Mapalad, San Agustin noong ika-6 ng Hulyo 2001, sa bahay ng isang masa na nagkanlong sa kanya habang nagpapagaling ng sakit.

Pagkahuli ay sinampahan siya ng kasong multiple murder, isang kasong di napipyansahan. Sangkot siya diumano sa pagkakaambus kay Col. Josefino Manayao at 15 iba pa noong Hunyo 27 sa Linumot, Jones, Isabela. Bukod sa mga kasapi ng Bagong Hukbong Bayan, isinama rin sa kaso maging ang mga walang kinalaman sa ambus kay Manayao katulad nina NDFP chief political consultant Jose Ma. Sison, Fr. Luis Jalandoni, mga kasapi ng KARAPATAN, mga taong simbahan at iba pa.

Habang bihag ng kaaway ay pilit siyang isinasama sa mga operasyong militar at pinagsasalita sa radyo nang labag sa kanyang kagustuhan. Ilang araw bago makatakas si Ka Andrea ay ipinagmalaki ng AFP na tatayo siyang state witness laban sa mga kinasuhan dito.

ANG PATULOY NA PANANALAKAY NG PASISTANG MILITAR SA CAGAYAN VALLEY

Nitong Pebrero 14, 2001, naglabas ng pahayag ang PKP-BHB-NDF-Cagayan Valley na nagkukundena sa pasisitang pananalakay ng AFP mula Disyembre 9, 2000-Enero 9, 2001. Dagdag ang mga kaso rito sa talaang inilabas nila noong Disyembre 14, 2000 hinggil sa paglabag ng AFP sa sarili nitong suspension of offensive military offensives o SOMO.

Ang sumusunod ay ilan sa pinakamatitingkad:

Sa Eastern Cagayan

Magmula noong Nobyembre 26, bugbog-sarado ang mga taumbaryo sa Amulung, Alcala at Baggao sa mga operasyong militar na nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.

Noong Enero 8, humigit-kumulang sa tatlong platun ang naglunsad ng operasyon sa Dalaoig, Cataraoan, Capacuan at iba pang baryo sa Alcala. Sa Dalaoig ay nagsunog ng isang poultry ang mga militar.

Bago nito, kinubkob noong Disyembre 4 ng mga tropa ng AFP sa pamumuno ng isang Captain Lapizar ang ilang bahay ng masa na pinaghihinalaang binasehan daw ng BHB sa Baryo Bagunot, Baggao. Nang wala namang nakitang nagbaseng mga Pulang mandirigma roon ay nanakot at binantaan ng mga sundalo ang mga taumbaryo. Dulot ng matinding takot, napilitang itigil ng taumbaryo ang kanilang pagsasaka at iba pang gawain sa bukid. Muling nanghalughog at nanakot ang ang mga tropa ng AFP noong Disyembre 9.

Noong unang linggo ng Enero, sa pagbungad ng Bagong Taon, operasyong militar ang iniregalo ng mga pwersa ng PNP at AFP sa mamamayan ng Barsat West, Baggao at mga karatig-baryo nito.

Nagbubuo rin ng mga pwersang paramilitar sa kabila ng pagtutol ng mamamayan sa lugar. Pilit na itinayo ang CAFGU sa Dadda, Amulung; at sa mga baryo ng Mocag, Mabini, Bitag Peque�o at Agaman Norte sa Baggao. Samantala, nagpapatuloy ang mahigpit na pagtutol ng mamamayan sa pagrerekrut at pagtatayo ng CAFGU sa mga baryo ng Alba, San Antonio, Barsat West, Masical, Sta. Margarita, Bitag Grande, San Vicente, Bagunot, Caruppian, Taguing at iba pa sa Baggao; at sa mga baryo ng San Manuel, Manalo at Monte Alegre sa Amulung.

Sa Western Cagayan

Ayon sa ulat-koresponsal ng Danilo Ben Front sa Western Cagayan, tuluy-tuloy na naglunsad ng combat operations ang 41st IB sa mga bayan ng Rizal (sa Zinundungan Valley), Lasam, Sto. Ni�o, Piat, Tuao at Allacapan. Nagpapatuloy ang kanilang operasyon hanggang sa kasalukuyan sa Zinundungan Valley.

Sa Southeastern Isabela

Walang-humpay ang operasyong militar na nagsimula pa noong Nobyembre 13, 2000 sa southeastern Isabela. Ayon sa ulat koresponsal ng Benito Tesorio Front, limang platun ng 54th IB PA ang nag-ooperasyon sa Jones-Echague-San Agustin-San Guillermo. Isang platun pa ng 5th ID Reconnaisance Company ang naidagdag sa Jones, Isabela. Paulit-ulit nilang inoperasyon ang Pag-asa, Narra, Aromin, Salvacion, Villa Campo, Villa Rey, Mabbayad, Madadamian, Magleticia sa bayan ng Echague; Aringgay sa San Guillermo; Dicamay, Villa Bello, Linumot, Santa Isabel, Napaliong at Dibuluan sa Jones, Isabela at iba pang karatig-lugar. Naglunsad din sila ng mga operasyong militar sa Dicamay Uno, Dicamay Dos, Diarsatan at Villa Bello sa Jones, Isabela.

Noong naglunsad ng operasyong militar sa Echague, Jones at Angadanan ay pinilit nilang isama ang mga nahuling kasapi ng Bagong Hukbong Bayan na sina Mar "Ka Mar" Rodriguez at JR "Ka CJ" Bulusan. Dinakip ang dalawa ng 54th IB PA noong ika-18 ng Nobyembre 2000 sa Madadamian, Echague, Isabela. Malinaw na paglabag ito sa probisyon ng Protocol II ng Geneva Conventions hinggil sa mga bihag ng digma.

Para bigyang-matwid ang ilulunsad nilang operasyon sa Angadanan-Echague-San Guillermo-Jones na tahasang labag sa sarili nilang SOMO, ipinakalat ng AFP noong Disyembre 28 na lulusubin diumano ng BHB ang munisipyo ng San Guillermo at Angadanan. Hindi nga nagtagal ay inilunsad ang operasyong militar sa lugar na nabanggit. Subalit nagresulta lamang ito sa isang misencounter sa pagitan ng AFP (sa pamumuno ng isang Lieutenant Arbuez) at ng Philippine National Police (PNP) noong Enero 1.

Dahil sa matinding kahihiyan, hinuli ng militar noong Enero 4 sa Aringgan, San Guillermo at buong yabang na ipinagmalaki na animo�y tropeyo sa gera si Jun Aquino, isang 15 taong gulang na sibilyan na residente ng naturang baryo. Matinding pananakot ang ipinaranas sa binatilyo ng mga elemento ng 5th Recon Coy ng 5th Infantry Division nang pilit nila siyang paaminin na may kaugnayan siya sa BHB.

Bago nito, naglunsad noong Disyembre 13-16 ng combat operations ang dalawang platun ng 54th IB sa mga baryo ng Dicamay Uno, Dicamay Dos, Diarsatan at Villa Bello sa Jones, Isabela. Bagamat walang nameplate ang mga pasistang tropa, nakikilala pa rin sila ng masa sa lugar.

Naglunsad rin ng commando at strike operation ang nakasibilyang mga tropa ng AFP sa Aringgan, San Francisco, Mabbayad, Madadammian, Dipanyong, Benguet at sa mga karatig-baryo nito sa bayan ng San Guillermo. Ang ilan sa kanila ay nagpanggap na mga Pulang mandirigma.

Nagkaroon din strike operations sa Garit Sur, Rumang-ay, Dammang West, Dammang East, Reserba at Barkadero sa bayan ng Echague; at commando operations sa Narra, Salvacion, Aromin, Villa Campo at Babaran sa naturan ding bayan mula Disyembre 2-6.

Sa Northern Isabela

Batay sa ulat koresponsal ng Filomena Asuncion Front, laganap ang panunupil ng mga pasistang tropa ng Bravo Coy ng 45th IB na nakabase sa Sto. Rosario, Delfin Albano at sa Manano Mallig, Isabela. Tuluy-tuloy ang commando at combat operations sa Quirino, Delfin Albano, Ilagan, Tumauini, Cabagan at iba pang karatig-bayan noong panahon ng SOMO.

Matingkad ang pananakot at psywar ng tropa ng 45th sa pamumuno ng isang Lieutenant Oquiendo sa mga taumbaryo na nagpapatuloy ng mga Pulang mandirigma sa kani-kanilang mga bahay.

Sa Central Isabela

Ayon sa ulat-koresponsal ng Reynaldo Pi�on Front, apat na platun ng 45th IB ang naglunsad ng combat operations mula Disyembre 8 hanggang sa kalagitnaan ng Disyembre. Muli silang naglunsad ng operasyon pagsapit ng Bagong Taon sa mga baryo ng Benito Soliven, San Mariano, Naguilian at Cauayan.

Sa Quirino at Nueva Vizcaya

Ayon sa ulat ng Venerando Villacillo Front, tuluy-tuloy din ang operasyon ng 54th IB ng 502nd Brigade sa San Agustin, Maddela, Aglipay at Nagtipunan. Gayundin sa Dupax-Aritao hanggang sa Carranglan, Nueva Ecija na dinagdagan ng mga pwersa mula sa 5th ID.

Sa pamumuno ni Lt. Michael Glen Manansala, dalawang pinaghinalaang kasapi ng BHB, sina Luis dela Cruz at Roger dela Cruz, ang walang-awang pinaslang ng 54th IB noong Disyembre 17 sa Sityo Sangaydi, Villa Gracia, Maddela, Quirino. Mismong ang PNP ng Maddela ang nagpatunay na hindi mga Pulang mandirigma at pawang mga ordinaryong sibilyan ang mga pinaslang ng AFP.

Bukod sa paglulunsad ng kontrarebolusyonaryong digma, sangkot din ang mga pwersa ng 5th ID sa mga kriminal na aktibidad. Maraming kaso ng highway robbery sa kahabaan ng Maharlika Highway sa hangganang Nueva Vizcaya-Nueva Ecija ang isinasagawa ng mga pasistang tropa nito. Noong bago mag-Bagong Taon, ninakawan nila ng mahigit P100,000 at mga alahas sa pagitan ng Carranglan, Nueva Ecija at Aritao, Nueva Vizcaya ang isang balikbayan na taga-Luna, Isabela.

 


Previous articleBack to topNext article

Pebrero 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Ang mga tungkulin ng rebolusyonaryong kilusan kaugnay ng reaksyunaryong eleksyong 2001

Lacson: Berdugo, trapo
Ang patuloy na pamamayagpag ng mga pamilya at kroni ni Joseph Estrada
Kailangang tumayo ang usapang pangkapayapaan sa pundasyon ng mga nakaraang kasunduan
Palayain ang lahat ng mga bilanggong pulitikal!
Balik-tanaw sa modelo ni Gloria Macapagal-Arroyo:
Ang papet na rehimeng Macapagal (1962-65)

Mga Ulat Koresponsal:
Balita mula sa rehiyon ng Cagayan Valley
Mga Balita ng Pakikibaka
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.