![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Komiteng Tagapagpaganap-Komite Sentral
Pinakulo ng isyung Jose Pidal ang usapin sa korapsyon ng Unang Pamilya sa kalagayang saklot ang buong papet na estado at bansa ng isyu sa pandarambong at talamak na korapsyon sa gubyerno at AFP. Pwede pang magsanga ang isyung ito at dumugtong sa kaso ng suhulan sa IMPSA, Macapagal Blvd., Piatco at iba pa, at sumambulat nang mas malaki pa, sukdulang maghiwalay sa naghaharing reaksyunaryong pangkatin at magpatumba sa kanila sa isang pag-aalsang tipong-Edsa. Mangangailangan ng kilusang protestang mas malawak pa at ebidensyang mas malakas kaysa nailahad na para maramihang tumalikod o dumistansya sa Malakanyang ang mga tagasuporta nito sa kongreso, AFP-PNP, simbahan at masmidya. Pero ngayon pa lamang, lalo nitong pinatindi ang mga bulnerabilidad ng naghaharing paksyong nagkukumahog na suhayan ang kanilang hawak sa kapangyarihan. Lalo nitong niligalig ang malawak na masa ng sambayanan na labis nang nababalisa sa walang patumanggang kabulukan at korapsyon, pasistang terorismo ng estado, interbensyong US at mas mabilis pang pagsahol ng pamumuhay sa ilalim ng reaksyunaryo at papet na rehimeng US-Arroyo. Tungkulin nating pamunuan ang mamamayan sa pagpapalawak at pagpapalakas ng kilusang protesta laban sa korapsyon at naghaharing reakysunaryo at papet na pangkatin. Pinakaimportante ang elemento ng malawak na kilusang masa para tunay na maging makapangyarihan ang pakikibaka laban sa korapsyon. Mananatiling makitid ang isyung Jose Pidal at malamang na mauwi lamang ito sa isa pang batuhan ng putik para sa susunod na eleksyon kung mananatili sa loob lamang ng Senado at nakasalalay sa mga ibinubuga ni Lacson at reaksyunaryong oposisyon. Mali ring mag-antabay na mas umabante pa ang kaso, hayaang lumampas ang init ng masa, at mabalaho ang isyu at laban sa mga ligal na teknikalidad at maniobrahan sa kongreso. Ang potensyal nitong magpatumba sa papet na rehimen at tumangay sa iba pang mga pangunahing reaksyunaryong paksyon sa burukrasyang sibil at militar ang nagbibigay ng kakaibang talas at timbang sa kasalukuyang isyu at pakikibaka sa korapsyon. Isang partikular na bentahe ito na dapat mahigpit na panghawakan ng mga pwersang rebolusyonaryo at progresibo. Nararapat lamang na nasa unahan ngayon ng mga isyu ng korapsyon ang isyung Jose Pidal at korapsyon ng Unang Pamilya. Mahigpit na maikakawing sa mga ito ang kumukulong mga isyu ng kabulukan sa AFP-PNP gaya ng inilantad ng pag-aalsang Oakwood, gayundin ang pagsusulong ng kampanya laban sa kabulukan ng mga myembro ng gabinete ni Arroyo at korapsyon sa Customs, BIR, DPWH at iba pang ahensya ng gubyerno. Habang isinusulong ang kilusang protesta at kampanya laban sa mga ito, hindi rin dapat absweltuhin ni hayaang makapagmalinis ang iba pang malalaking mandarambong at mga kinamumuhiang pasistang kriminal sa hanay ng mga reaksyunaryong anti-Arroyo. Upang hindi mabalaho sa repormismo at hindi basta mapatahimik ng patse-patse at pakitang-taong mga pagbibigay ng mga nasa poder, ang pakikibaka sa korapsyon sa burukrasyang sibil at militar ay dapat mahigpit na ikawing sa pakikibaka sa mas malalaki pang korapsyon sa pambansang patakaran gaya ng pasistang terorismo ng estado, interbensyong militar ng US, imperyalistang globalisasyon, at walang habas na panghuhuthot ng dayuhang monopolyong kapital at lokal na malaking burgesyang kumprador at uring panginoong maylupa sa masa at likas na yaman ng bansa. Kailangang igiit nito ang pagtanggal sa kapangyarihan ng mandarambong na naghaharing reaksyunaryong pangkatin at ang karampatang parusa sa lahat ng mapatutunayang nandambong. Kailangang sumulong ito sa pagtataguyod ng tunay at pundamental na mga pagbabago sa bansa at lipunan. Ang pagpapalakas ng mga protestang masa at pagpapalawak ng hanay ng mga demokratikong uri at pwersang kalahok sa pakikibaka sa kabulukan sa gubyerno ang pinakamahalagang kagyat na tungkulin. Ilan sa mga partikular na hakbang na dapat gawin kaugnay nito ang mga sumusunod: Matatag na pumwesto sa isyung Jose Pidal at korapsyon ng naghaharing pangkating Arroyo. Itaguyod ang puspusang pagsisiyasat sa bank account ni Jose Pidal at iba pang kaso ng korapsyon ng Unang Pamilya. Itaguyod ang pagpapatuloy at higit pang pagpapalawak ng imbestigasyon ng Senado, gayundin ang independyente at bukas na pang-uungkat at pag-usig sa korapsyon sa pamunuan ng gubyerno, militar at pulisya. Palawakin at palakihin ang mga mobilisasyon at protestang masa. Kumbinahin ang marami at disentralisadong mga pagtitipon at aksyong protesta sa iba�t ibang antas at saklaw, at ang malalaki�t konsentradong protesta sa antas pambansa at rehiyunal. Kaugnay nito, kailangang paghandaan at biguin ang mga panansalang pananalakay at paglalansag ng papet na rehimen para pigilang makabwelo ang mga protestang masa. Buuin, palawakin at patampukin ang mga alyansa at lider ng mga relihiyoso, iba�t ibang propesyon, mga panggitnang elemento at kabataan laban sa korapsyon. Maaari silang nakatuon muna sa korapsyon o di kaya�y sa korapsyon kasabay ng panawagan sa pagpapatalsik sa papet na rehimeng Arroyo. Maaari ring may iba�t ibang antas sila ng pagtuon sa iba pang tampok na isyu gaya ng pambobomba sa Mindanao, interbensyong militar ng US, imperyalistang globalisasyon at iba pa. Bukod sa mga rali sa lansangan, pwede silang magsagawa ng iba pang tipo ng pagtitipon na makahihikayat sa partisipasyon ng malaking bilang ng mamamayan. Ang mahalaga�y makabig at mapalahok ang pinakamalawak na hanay ng mamamayan at mapalakas ang tinig ng mga pwersang progresibo at demokratiko.
Mag-organisa at mag-engganyo ng mga pagsisiyasat at pagsisiwalat sa masmidya at sa publiko ng mga kaso ng korapsyon ng naghaharing rehimeng papet, gaya ng mga ulat ng paglalantad noong pakikibaka sa pasistang diktadurang Marcos at kampanya laban sa papet na rehimeng Estrada. Patuloy na bigyan ng partikular na pansin ang paglalantad at pagtuligsa sa korapsyon ng matataas na upisyal ng AFP at PNP at ang pag-engganyo sa lahat ng sinserong upisyal at kawal na huwag pagamit at sa halip ay tumindig laban sa mga pinunong bulok, papet at antimasa. Sa paglakas ng mga protestang masa laban sa korapsyon, lalong mapapasigabo ang mga protestang sasalubong sa pagdating ni Bush. ![]()
|
| ||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|