Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

KS: Arestuhin ang mga alipures ng diktador

Kinokondena ng Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan ang intensyon ng papasok na rehimeng Estrada na bigyang-dangal sa pamamagitan ng upisyal na libing ang kinamumuhiang diktador na si Marcos. Ito ay mariing sampal sa sambayanang labis na pinahirapan at inapi ng pasistang diktadurang Marcos, laluna sa libu-libong biktima ng mga pag-abuso sa karapatang-tao, na napakatagal nang humihiyaw ng katarungan pero patuloy na pinagkakaitan.

Matagal nang inabandona ng reaksyunaryong gubyerno sa Maynila ang paghahanap ng katarungan para sa mga biktima ng kinamumuhiang pasistang diktadurang Marcos. Pero lumilitaw na nais pang higitan ng papasok na rehimeng Estrada ang kriminal na kapabayaan ng nakaraang dalawang administrasyon. Hindi lamang nito gustong ilibing sa limot nang walang pagtutuwid ang mga krimen at kahayupan ng pasistang diktadura. Gusto rin nitong ipwesto sa sentro ng kapangyarihan at pribilehiyo ang mga ayaw magsisisi at ayaw managot na mga kamag-anak at alipures ng yumaong pasistang diktador.

Sa harap ng ganitong matagal at nagpapatuloy na paglapastangan sa katarungan, inihahayag ng Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan ang matatag na determinasyong papanagutin ang mga kamaganak at alipures ng pasistang diktador sa kanilang mga krimen sa bayan.

Alinsunod rito, ang Bagong Hukbong Bayan ay inaatasan ng Komite Sentral ng Partido na magbuo ng mga ispesyal na yunit at magsagawa ng mga operasyon upang arestuhin ang mga kamag-anak ni Marcos, laluna si Imelda Marcos at Ferdinand Marcos Jr., gayundin ang iba pang pangunahing alipures ng yumaong diktador para obligahin silang humarap sa hustisya ng bayan at managot sa kanilang malalaking krimen sa bayan.

 


Previous articleBack to topNext article

00 Abril 1998
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Erap Kontra Mahirap

Mula sa tagapaglathala:
Bagong kapasyahang muling ilathala ang Ang Bayan

Ang pagbabalik ng mga Marcos sa poder
KS: Arestuhin ang mga alipures ng diktador
Rebolusyonaryong Kilusan sa Gitnang Luzon
Pagbangon at Pagpapanibagong-Lakas

Nueva Ecija: Matingkad na Pagsulong
Tungkol sa mga Buladas ng Triong Magdangal-Bill-Olive
Hambalos ng "Globalisasyon" at Krisis sa Manggagawang Pilipino
Rebolusyonaryong Kilusang Lihim sa Pabrika, Sumusulong
25 Taong Tagumpay sa Rebolusyonaryong Nagkakaisang Prente
Paggalang sa karapatang-Tao:
Integral sa kondukta ng digmang-bayan

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.