![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Malinaw ang pakay ng tunguhing ito. Ito�y upang mabigyang-katwiran ang ibayo pang armadong interbensyon ng US, na balak nitong simulan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga Amerikanong tropang pangkombat sa mga lugar na kinikilusan ng MILF sa Mindanao, bukod pa sa mga lugar ng bandidong Abu Sayyaf. Kalaunan ay sasaklawin pati na ang mga teritoryo ng Bagong Hukbong Bayan. Para magkaroon ng batayan ang deklarasyong "terorista" ang MILF, isinagawa ng US sa pamamagitan ng terrorist cell nito sa Pilipinas ang serye ng mga pambobomba sa iba�t ibang lugar sa Mindanao. Kinasabwat dito si Defense Secretary Angelo Reyes. Karimarimarim ang sunud-sunod na mga pambobomba sa mga lunsod ng Davao at Koronadal mula Marso hanggang Mayo. Mahigit 50 inosenteng sibilyan ang namatay at daan-daan ang nasugatan sa mga teroristang atakeng ito. Agad na inilabas ng rehimen ang paratang na ang mga pambobomba ay kagagawan ng sabwatang MILF-BHB-Abu Sayyaf. Isinangkalan nito ang paratang upang halughugin ang mga komunidad ng Moro sa Davao at Koronadal at mangdampot ng mga sibilyan. Ang ilan sa kanila ay hindi pa rin inililitaw hanggang ngayon. Sa kumpas ng militar at pulisya, tatlong Moro ang pinagbabaril ng mga elemento ng Davao Death Squad nitong Mayo 10, ilang metro lamang ang layo mula sa isang detatsment ng PNP sa Sasa, Davao City. Layunin din ng ibayong panggigipit at pagbabanta sa MILF na pwersahin itong pumirma bago matapos ang 2003 sa isang "pinal na kasunduang pangkapayapaan" na makaisang panig na binalangkas ng GRP at walang ibang nilalaman kundi ang pagsurender ng MILF sa rehimen. Tinaningan ng rehimeng Arroyo ang MILF nang hanggang Hunyo 1 na lamang na isuko ang mga tauhan nitong responsable umano sa mga pambobomba at hayagang magdeklarang pabor ito sa mga prekundisyon ng rehimen sa usapang pangkapayapaan. Kundi�y tuluyan na silang idedeklarang "terorista" at isasarado na ang usapang pangkapayapaan. Ang totoo, noon pang Disyembre 2002 ay pinaiigting na ng AFP ang mga operasyong militar laban sa MILF upang brasuhin itong pumailalim sa balangkas ng kapitulasyong ninanais ng gubyernong Arroyo o kaya�y tuluyang ibasura ang usapang pangkapayapaan. Idinahilan pa noong una ng AFP na ang kanilang mga panibagong atake ay may kaugnayan sa pagtugis sa kriminal na Pentagon gang. Subalit kalauna�y lumabas at inamin din na ang MILF ang tunay nilang target. Biktima na naman sa marahas na kampanyang ito ang daanlibong inosenteng sibilyan na napipilitang lumikas dahil sa pagiwas sa mga pambobomba at pananalakay ng AFP. Noong Abril 2, ilang oras pagkatapos ng isang peace rally na inilunsad ng mga organisasyong Moro na kumukundena sa terorismo at sumusuporta sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan, patraydor na isinagawa ng mga operatibang pangsaywar ng US at AFP ang pambobomba sa daungan ng Davao. Ginamit ito para muling iwasiwas ang mga mandamyento de aresto para kay Hashim Salamat, tagapangulo ng MILF, at iba pang lider nito. Nitong Mayo 17, iniutos ni Macapagal-Arroyo ang ibayong pambobomba sa mga lugar sa Mindanao na pinagkukutaan umano ng mga "terorista"�ibig sabihi'y mga komunidad ng Moro. (Tingnan ang kaugnay na artikulo sa pahina 3.) Hindi pa rin napaluhod ang MILF at bagkus ay pinag-iibayo ang kanilang rebolusyonaryong armadong pakikibaka. Ipinakikita ng lahat ng ito na hindi ang MILF kundi ang US at AFP ang siyang mga tunay na terorista. Ibilang man nila ang MILF sa kanilang talaan ng mga "terorista," mananatiling lehitimo at makatarungan ang pakikibaka ng MILF at ng mamamayang Moro para sa pagpapasya-sa-sarili laban sa pambansang pang-aapi. Wasto ang ginagawa ng MILF na paglulunsad ng mga atakeng gerilya laban sa reaksyunaryong militar upang ipagtanggol ang kanilang mga tagumpay, labanan ang kampanyang panunupil ng AFP at isulong ang pakikibaka ng mamamayang Moro. Mahusay at mahigpit na napanghahawakan ng MILF ang kanilang mga sandata sa harap ng teroristang pagbabansag dito. Ito at ang puspusang pagsusulong ng mamamayang Moro sa iba pang larangan ng pakikibaka ang magsisilbing kalasag sa inaasahang pagtindi pa ng brutal na mga kampanyang panunupil ng GRP at AFP at lalong pag-igting ng armadong interbensyon ng US. ![]()
|
| |||||||||||||||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|