![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Kasalukuyang isinusulong ng mga organisadong magsasaka sa silangang Bulacan ang isang kampanya para mapababa ang pasahe ng sitaw, mula P3 tungong P2 bawat tali. Ang kampanya ay isinusulong sa gitna ng mga pagsisikap na organisahin ang balangay ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM) sa lugar.
Anang PKM: "Walang kahirap-hirap, tumataginting na P6,900 ang linis na kita sa isang byahe lang ng sitaw. Samantalang tayong nagkakandakuba sa apat na buwan sa pagsisitaw ay walang nakakamit kundi ang humahabang listahan ng utang!"
Dagdag ng PKM, "Kinatas na ng mga financier-byaherong ito ang tuyot na kabuhayan natin! Napakataas na tubo sa abono't pestisidyo, pagpapatong ng mataas na interes sa ating mga bale at utang, napakamahal na upa sa makina lalo na't kwentahan ng pakturahan (listahan ng gastos), binarat na presyo ng sitaw! Hanggang sa pasahe, tinataga pa rin tayo!" Kinundena ng PKM ang mga komersyante-panginoong maylupa na nagsasamantala sa mga magsasaka. Ayon sa PKM, "kaisa natin ang BHB sa isinusulong na pakikibaka dahil ang interes ng magsasaka ang pangunahing nilalaman ng programa ng PKP-BHB sa demokratikong rebolusyong bayan." ![]()
| ||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|