![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Ligtas at maayos na pinalaya ng Bagong Hukbong Bayan ang bihag ng digma na si Army Maj. Noel Buan noong Abril 6 sa Mansalay, Oriental Mindoro. Si Buan ay inaresto ng BHB noong Hulyo 7, 1999 sa Lucena, Quezon nang siya�y pangalawang upisyal sa paniktik o AC2 ng Southern Luzon Command. Noong Oktubre, 1999, dinakip ng Melito Glor Command (MGC) si Buan sa kasong aktibong partisipasyon sa mga kontra-rebolusyonaryong kampanya at operasyon ng reaksyunaryong AFP at sa mga krimeng kaakibat nito. Ipinasya siyang palayain bilang makataong hakbangin at sa harap ng kahilingan ng Humanitarian and Peace Mission, mga kamag-anak ni Buan at iba pang grupo at personahe. Ito ay mahusay na paggamit ng pampulitikang kapangyarihan at awtoridad ng demokratikong gubyernong bayan. Isa rin itong hakbang na nagpapakita ng sinseridad ng rebolusyonaryong kilusan sa pagpasok sa usapang pangkapayapaan.
Noong Abril 6, ipinasa ng MGC si Buan sa International Committee of the Red Cross at mga kinatawan ng Humanitarian and Peace Mission, Public Interest Law Center at GRP Negotiating Panel. Magkakapit-bisig, tinungo nila, kasama sina Kasamang Gregorio "Ka Roger" Rosal, tagapagsalita ng Partido at Kasamang Tirso "Ka Bart" Alcantara, tagapagsalita ng MGC, ang pinaghihintayan ng pamilya�t mga kamag-anak ng bihag ng digma. Pagkatapos nito, nagpahayag ng kagalakan si Sen. Loren Legarda, myembro ng peace mission, sa matagumpay na pagpapalaya kay Buan. Si Buan naman at ang kanyang pamilya ay nagpasalamat sa lahat ng nag-asikaso sa pagpapalaya sa kanya. Ipinahayag naman ni Ka Roger at ng iba pang lider ng Partido at rebolusyonaryong kilusan, na mainam din kung palalayain na ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang mga bilanggong pulitikal na nananatiling nakapiit sa iba�t ibang dako ng bansa. Nagpaabot ng pagbati ang National Democratic Front of the Philippines sa pamamagitan nina Kasamang Luis Jalandoni at Jose Maria Sison sa Partido, Hukbo at lahat ng iba pang grupong imbwelto sa pagpapalaya. Anila, ang pagpapalaya kay Buan ay dagdag na patunay sa status of belligerency ng rebolusyonaryong kilusan. Sa loob ng 22 buwan ay napatunayan nito ang kakayahang mangalaga ng bihag ng digma, tratuhin siya nang makatao at igalang ang karapatang-tao niya. Umaasa rin silang ibayong huhusay ang kundisyon para sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP. Nagtayo ng tsekpoynt ang MGC-BHB upang tiyakin ang maayos na pagpasa kay Buan sa kanyang mga kapamilya. Naglabas din ang MGC-BHB ng mga pass para sa mga kagawad ng midya at iba pang personahe na lumahok sa okasyon ng pagpapalaya. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|