Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pagtatanghal ng kambal-dula
Pagsasabuhay sa makauring kultura at sa diwa ni Gat Amado

 Read this article in English

Patuloy na sumusulong ang rebolusyonaryong sining at panitikan. Ito ang pinatutunayan ng pagtatanghal ng magkatambal na dulang Langaw sa Isang Basong Gatas at Panata ng Isang Lider.

Sa pangunguna ng Amado V. Hernandez Resource Center (AVHRC) at Concerned Artists of the Philippines (CAP), ang kambal-dulang ito ay sinimulang itanghal noong Setyembre 2003 sa mga paaralan, tanggapan ng gubyerno at sa mga komunidad ng mga manggagawa at magsasaka. Bahagi ito ng serye ng mga aktibidad na nakatuon sa paggunita sa sentenaryo ng kapanganakan ni Gat Amado na tatagal hanggang Setyembre 2004.

Ang dalawang dula ay nakabatay sa dalawang maiikling kwentong likha ni Gat Amado. Ang Langaw sa Isang Basong Gatas ay unang inilimbag noong 1970. Gamit naman ang pangalang "Amante Ernani", inilabas ni Gat Amado ang Panata ng Isang Lider sa magasing Liwayway noong Enero 18, 1960.

Ang pagsasadula at pagdirek sa mga ito ay pinangunahan ni Bonifacio Ilagan, isang premyado at militanteng manunulat at direktor.

Bagamat nakakonteksto sa kalagitnaan pa ng siglo 1900, pinapaksa ng mga dulang ito ang maigting na makauring tunggalian na patuloy na umiiral sa ating lipunan.

Panata ng Isang Lider

Ang dulang Panata ng Isang Lider ay tungkol sa buhay ni Noel, isang ordinaryong manggagawa at lider-unyon. Sa dula, isinalaysay ng kabiyak niyang si Marta ang mga pasakit at pakikibaka ni Noel at ang mga sakripisyo at hirap dahil sa pagkakapiit ni Noel.

Si Noel ay ibinilanggo dahil sa paratang sa kanya ng

maneydsment ng pagsisimula ng sunog sa upisina habang nakawelga ang unyon.

Habang nakabilanggo si Noel, lubos na inunawa ng kanyang pamilya ang kahalagahan ng pakikibaka at ang kaakibat nitong hirap at sakripisyo. Natutong tumindig sa sariling paa si Marta at harapin ang kanyang takot. Dito rin lalong nasaksihan ni Noel ang kabulukan ng sistema ng lipunan.

Sa paglaya ni Noel, walang alintanang muling ibinuhos ang kanyang panahon sa pagkilos. Buong pagmamalaki niyang sinabi sa kanyang mag-ina na, "Bawat magulang ay dapat maging uliran ng kanyang mga anak. Anong huwaran ang ipamamana sa ating supling kung tayo'y uurong sa tawag ng tungkulin? Mabuti nang ang magulang ang magsakripisyo kaysa isalin sa mga anak ang lagim ng isang madilim na kinabukasan."

Ipinakita sa dula na kahit sa gitna ng kahirapang dinanas nilang mag-anak, ang problema ay tulad lamang ng mga "kalawang na tinanggal sa asero.� Buong tapang na hinarap ni Marta ang hamon ng asawa't nakangiting sinabi na "Kailangang bukas ang loob. Maiiba't maiiba ang mga planong pansarili."

Langaw sa Isang Basong Gatas

Inilarawan naman ng dulang Langaw sa Isang Basong Gatas ang kwento ng mag-anak na sina Bandong, Ana at kanilang tatlong anak. Matiwasay silang namumuhay at nagsasaka sa isang ektaryang lupang minana mula sa mga ninuno.

Isang araw, biglang dumating ang mga trak na lulan ang mga obrerong magtatayo ng subdibisyong Royal Lanes sa katabing bukirin. Sa umpisa ay napahanga ang mag-anak sa mabilis na pag-unlad ng bukirin na ayon kay Bandong ay "dating pinaggugubat ng talahib at amorseko... ngayo'y isang maliit na lunsod ng mga tahanang kapana-panaghili."

Ngunit sa kalaunan, ang dating pagkamangha ay nauwi sa poot nang pag-interesan ng debeloper ng subdibisyon pati ang kanilang lupa. Kakutsaba ang ahente ng tesorero at mga pulis, pinalalayas ng administrador ng Royal Lanes ang mag-anak dahil "sa tingin ng korporasyon, ang pagkakadikit ng bakuran ninyo sa Royal Lanes ay kaparis ng langaw na nakadapo sa isang basong gatas."

Namulat ang mag-anak sa katotohanang kailangan ang paglaban para sa mga karapatang niyuyurakan ng naghaharing uri sa lipunan.

Masigabong palakpakan ang tugon ng mga manoonod sa mga isinagawang pagtatanghal. Kahit nagkaroon ng mga suliranin sa ilang aspetong teknikal at payak na mga kagamitan sa ibang lugar na pinagtanghalan, kapansin-pansin ang masiglang pagtangkilik at taimtim na pagsubaybay ng mga manonood sa dula.

Dahil alam na alam ng mga nangasiwa, direktor, artista at iba pang kalahok sa mga pagtatanghal na ang kanilang gawain ay importanteng ambag sa pagpukaw at pag-organisa ng masa, masigasig nilang pinalalawak ang pagtatanghal ng mga ito, walang tigil na pinahuhusay at pinauunlad sa bawat pagtatanghal.

Patuloy nilang nilulutas at pinangingibabawan ang mga kahirapan at iba pang usapin sa paglulunsad ng dula. Silang mga makabayan at militanteng manggagawa sa kultura ay humahalaw ng inspirasyon sa sining at panitikan ni Gat Amado upang higit pang paglingkuran ang sambayanang Pilipino.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Disyembre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Bagong programang amnestiya ng rehimeng Arroyo

Isa na namang pagtraydor sa mamamayan

Usapang NDFP-GRP
Wala pa ring kaisahan

Paglabag sa mga karapatang pangmanggagawa
General Agreement on Trade in Services
Ibayong pagsasamantala, ibayong pahirap

Operasyong militar sa panahon ng tigil putukan:
230 pamilyang Aeta nagsilikas

Mga Ulat Koresponsal
Christians for National Liberation

Lumalakas, sumusulong

Mga Ulat Koresponsal
Radyo Gil-ayab sa Cagayan

Dagdag na armas sa gawaing edukasyon, propaganda at kultura

Pagtatanghal ng kambal-dula
Pagsasabuhay sa makauring kultura at sa diwa ni Gat Amado
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.