![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Inilampaso ang maka-Kanang Popular Party ni Jose Maria Aznar at nanalo ang Socialist Workers Party (PSOE) sa katatapos lamang na eleksyon sa Spain nitong Marso 14. Ito'y matapos mag-apoy ang galit ng mamamayan sa pagkamatay ng mahigit 200 katao at pagkasugat ng mahigit 1,500 pang iba nang bombahin ng mga terorista noong Marso 11 ang isang treng bumibyahe sa Madrid, kabisera ng Spain. Ang pambobomba, na inako ng al-Qaeda, ay pilit na ibinintang ng gubyernong Aznar sa ETA, isang grupong sesesyonista na malaon nang naglulunsad ng armadong pakikibaka sa Spain. Ito'y para hindi mailarawan ang pambobomba bilang ganting-salakay ng mga grupong Islamiko. Masugid na sinuportahan ng gubyerno ni Aznar ang panggegera ng US sa Iraq sa kabila ng mariing pagtutol dito ng mamamayan sa Spain. Umabot sa 14 milyong katao ang nagprotesta sa buong bansa nitong Marso 13, isang araw bago ang halalan. Mula nang sakupin ng US at mga alyado nitong pwersa ang Iraq, 11 sundalo na ng Spain ang namatay sa mga pananalakay ng mga gerilyang Iraqi. Ipinangako ni Jose Rodriquez Zapatero, bagong halal na prime minister ng bansa, na pauuwiin na pagsapit ng Hunyo 30 ang 1,300 tropa ng Spain na kabilang sa mga pwersang umookupa sa Iraq. Mariin din niyang binatikos ang maka-US na patakaran ni Aznar. Sa gayong hakbang, ang Spain ang unang bansang pormal na tumiwalag sa pinamumunuan ng US na koalisyong sumalakay at umookupa sa Iraq. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|