Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Tuluy-tuloy ang protesta sa Pilipinas laban sa digmang agresyon at reaksyon

 Read this article in English

Nitong Oktubre 10, muling nagrali sa tapat ng embahada ng US sa Maynila ang may 1,000 manggagawa, magsasaka, maralitang-lunsod, kababaihan, kabataan at mga grupong Muslim na kabilang sa Justice not War Coalition (JWC) laban sa mga pag-atakeng militar ng US sa Afghanistan at pagsuporta rito ng rehimeng Macapagal-Arroyo.

"Sa paraang ipinagtatanggol ng rehimeng Gloria Macapagal-Arroyo nang walang kakurap-kurap ang gerang pag-atake ng US at Britain sa Afghanistan, malinaw na ipinakikilala ni Arroyo ang kanyang sarili bilang punong papet ng imperyalismong US sa Southeast Asia," paliwanag ni Ka Mameng Deunida, lider ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay).

Nito namang Oktubre 3, kasabay ng pagtambol ng panawagan para sa P125 umento sa sahod ng mga manggagawa, inisponsor ng ilang myembrong organisasyon ng JWC ang Oplan Tanghalian para sa ilang pulitiko, mga lider-komunidad ng mga Moro, taong simbahan, artista at mga propesor tangan ang islogang "dagdag na sahod at pagkain sa mesa, hindi imperyalistang gera".

Kasabay ng kilos-protestang ito, inilunsad rin ang mga rali, noise barrage at mga pagtitipon sa mga lunsod ng Baguio, Naga, Cebu, Iloilo, Dumaguete, Cagayan de Oro, Butuan, General Santos at Davao.

Sa Bacolod, kinundena ng komunidad ng mga Moro ang digmang inilunsad ng US dahil wala naman umanong matibay na ebidensya na si Osama bin Laden ang nasa likod ng kriminal na pag-atake sa World Trade Center at Pentagon noong Setyembre 11. Anang kinatawan ng Muslim Brotherhood, Inc., tinutuligsa ng lahat ng Muslim sa buong mundo ang pambobomba ng US sa mga mayor na balwarte ng Taliban. Sinabi rin ng ilang Moro na sinusuportahan nila ang jihad na idineklara ng Taliban sapul nang mabalitaang naapektuhan na ng mga pambobomba ang mga kapatid nilang Muslim.

Sa Iligan, naglunsad ng raling pangkapayapaan ang kababaihang Kristyano at Muslim noong Oktubre 10 bilang protesta sa lahat ng anyo ng terorismo laban sa mga inosente.

Sa Lanao, may 10,000 Maranao ang nagpahayag na lalahok sa jihad na ipinananawagan ng Taliban upang tumulong sa pagtatanggol sa mga sibilyang kapatid nilang Muslim na iniipit ng digma ng US.

Sa magkakahiwalay na pagtitipon sa Mindanao, di sinang-ayunan ng simbahang Katoliko ang pagtarget ng US sa mga sibilyan, at nagpahayag na "dapat tukuyin ang ugat ng mga teroristang aksyon upang makatagpo ng pangmatagalang solusyon sa problema". Sinabi rin ng simbahan na "kung hanap nati�y katarungan, tayo mismo�y hindi dapat maging mga terorista."

Bago nito, naglunsad ng isang linggong protesta ang Justice not War Coalition mula Setyembre 25-30. Sinimulan ito ng martsa ng kababaihan noong Setyembre 25 sa Mendiola sa pamumuno ng Gabriela. Itinuring itong paghahanda para sa International Day of Action laban sa digmang agresyon ng US sa Afghanistan na ginanap nitong Oktubre 27 (Oktubre 28 sa Pilipinas).

 


Previous articleBack to topNext article

Oktubre 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal: Pag-ibayuhin ang mga rebolusyonaryong pagkilos sa harap ng gerang agresyon ng US at ng tumitinding reaksyon
Ang digmang agresyon ng US sa Afghanistan
Ano ang Northern Alliance?
Tuluy-tuloy ang protesta sa Pilipinas laban sa digmang agresyon at reaksyon
Nagngingitngit na galit laban sa gubyernong US at UK
Mga Ulat Koresponsal: Mga suliranin ng mga magsasaka�t manggagawang bukid sa mga niyugan sa Kabikulan
Mga Ulat Koresponsal: Mga pakikibaka ng mamamayan laban sa Lepanto Mines
Mga Ulat Koresponsal: Rebolusyong agraryo sumusulong sa Cagayan Valley
Mga Ulat Koresponsal: Paglalabas ng Kalatas habang nasa gawaing masa
Sagot sa tuluy-tuloy na atake ng kaaway sa Gitnang Luzon: Puspusang pagtangan at pagpapakahusay sa pakikidigmang gerilya
Pagpaparami at pagpapalaganap ng Ang Bayan: Kumbinasyon ng kilusang masa at paggamit ng modernong teknolohiya
Pananalanta ng pasistang estado: Mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao (Hulyo-Oktubre 2001)
Naghuhuramentado ang mga terorista at mersenaryong AFP at PNP ni Macapagal-Arroyo sa kanayunan:
Pahayag ni Gregorio "Ka Roger" Rosal, Tagapagsalita, Partido Komunista ng Pilipinas

Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.