Sino si John Negroponte?
Sagad-sagarang pasista. Eksperto sa mga iligal na operasyong militar. Ilan lamang ito sa mga katangian ni John Negroponte�bagong hirang na hepe ng National Counter-Terrorism Center (NCC) ng US.
Ang karanasan ni Negroponte sa armadong kontra-rebolusyon ay kabilang sa mga pangunahing batayan ni George W. Bush sa kanyang pagkakahirang sa NCC � ang tinatagurian ngayong "super-ahensya" na mamamahala sa 16 na ahensya ng paniktik sa buong US. Kabilang sa ipaiilalim dito ang Central Intelligence Agency, Federal Bureau of Investigation at National Security Agency. Binuo ito ng bagong US Intelligence Law na pinirmahan ni Bush noong Disyembre.
Si Negroponte ay dating ambasador sa Iraq at dati ring ambasador sa Pilipinas. Bilang pinuno ng NCC, responsibilidad niya na ikoordina ang lahat ng mga ahensyang may kinalaman sa paniktik. Magpapatupad ang NCC ng mga hakbang para higpitan ang mamamayan at mga dayuhang pinaghihinalaan nilang terorista. Patitindihin din nito ang pagmamanman sa mga bansang kanlungan diumano ng mga terorista o nagpopondo sa mga ito.
Bago pa man muling mahalal si Bush, ipinagpipilitan na niyang maisabatas ang US Intelligence Bill. Isa ito sa mga unang batas na pinirmahan niya pagkapanalo bagamat malawakan at mariin ang pagkundena ng mga mamamayan ng US dito. Lalo lamang nitong yuyurakan ang karapatang sibil ng mamamayan, anila. Bukod rito'y malaking pondo ng gubyernong US ang ilalaan sa paniktik lamang ($40 bilyon).
![](../../angbayan/images/050307/negropon.gif)
Bilang ambasador ng US sa Honduras (1981�85) sa ilalim ng gubyerno ni Ronald Reagan, inaprubahan ni Negroponte ang pagsasanay ng CIA sa mga death squad ng maka-US na gubyerno sa Honduras. Walang pakundangang pumatay ang mga death squad na ito ng maraming sibilyan at mga myembro ng oposisyon. Sinanay din ng CIA sa Honduras ang mga maka-Kanang mersenaryong tropa na naghasik ng gulo sa El Salvador. Pinamunuan din ni Negroponte ang pagsasanay sa Contra, ang mersenaryong grupong paramilitar na kampon ng CIA na siyang nagpabagsak sa mga Sandinista sa Nicaragua. Dito inilabas ang CIA manual, isang manwal ng terorismo na nagtuturo sa pambobomba at pananabotahe ng iba't ibang imprastrukturang sibilyan tulad ng mga daungan, paliparan, suplay ng tubig at kuryente. Dahil sa lahat ng ito, binansagan siya ng Council on Hemispheric Affairs, isang ahensya sa kongreso ng US, na "berdugo ni Reagan."
Pagkaretiro niya sa gubyerno, nagtrabaho siya bilang executive vice president for global markets sa McGraw-Hill, ang kumpanyang nagmamay-ari ng Standard and Poor's na naggagrado sa pinansyal na katayuan ng iba't ibang bansa sa daigdig. Pinabalik siya sa serbisyo sa gubyerno upang pamunuan sa UN ang pagkuha ng suporta sa panggegera sa Iraq, bagay na hindi niya nakamit. Inilipat siya sa Iraq bilang ambasador ng US nang mailuklok na ng US ang papet na gubyerno sa bansa.
Malinaw ang espesyalisasyon ni Negroponte sa saywar at pailalim na mga paraan ng pagpapabagsak sa mga kinakalaban ng US. Sa kanyang pamumuno, aasahan ang paggamit ng maruruming taktika tulad ng tortyur at asasinasyon ng mga itinuturing na kalaban ng US, pagbubuo ng mga death squad at subersyon ng mga establisadong gubyernong naggigiit ng kasarinlan laban sa US.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|