Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Panayam kay Ka Roger

 Read this article in English

Ang sumusunod ay mga sipi sa email interview ni Delfin Mallari ng Philippine Daily Inquirer noong Abril 2001 kay Gregorio "Ka Roger" Rosal, Pambansang Tagapagsalita ng Partido Komunista ng Pilipinas.

Delfin Mallari (DM): Ano ang nagtulak sa rebolusyonaryong kilusan upang hindi man tuwirang lu mahok ay tila nagbibigay ngayon ng pagkakataon sa mga ligal na organisasyon na aktibong lumahok sa halalan? Noong una ay ibinabasura ninyo ang eleksyon bilang isa lang instrumento ng panloloko ng estado at ng mga naghaharing uri, subalit ngayon ay tila nagbago kayo ng pananaw. Ano ang dahilan?

Ka Roger (KR): Katulad ng mga nagdaang elek syon, ang darating na eleksyon ay nasa ilalim ng kontrol ng mga naghaharing uri. Kailangang ilantad ang reaksyunaryong katangian ng mga halalan sa ilalim ng umiiral na kaayusan at pawiin ang anumang ilusyon na malulutas ng mga ito ang mga saligang suliranin ng bayan.

Ang Partido, ang hukbong bayan at ang mga lihim na rebolusyonaryong organisasyon at alyansa, at maging ang mga kadre at pwersa nitong itinuturing ng estado na iligal at walang karapatang bumoto, ay hindi lumalahok sa mga reaksyunaryong halalan. Ang itinataguyod ng mga rebolusyonaryong pwersa ay ang tunay na malayang halalan sa ilalim ng demokratikong gubyernong bayan.

Gayunman, hindi ito taliwas bagamat sekundaryo sa armadong pamamaraan ang mga ligal na anyo ng pakikibaka upang ipaglaban ang pambansa at demokratikong interes ng mamamayan. Sa gayon, ang paglahok sa mga halalan ng mga progresibong organisasyon at kandidato ay itinuturing ng Partido at rebolusyonaryong kilusan bilang isang mainam na bagay.

Ang ilang pagkakataong makabuluhang nakalalahok at nag papakita ng magandang prospek sa eleksyon ang mga progresibong organisasyon at kandidato, tulad sa ngayon ng Bayan Muna, ay bunga hindi ng pagluluwag para sa kanila ng reaksyunaryong eleksyon kundi ng paglakas ng demokratikong kilusang masa.

Gayunman, kailangang unawain ng lahat na kahit pa makaupo sa pwesto ang mga progresibo, hindi pahihintulutan ng mga reaksyunaryo na ang umiiral na mapangaping sistema ay mapalitan ng isang sistemang makatarungan at progresibo. Kung tutuusin, ang pinakamalaking magagawa ng mga progresibong upisyal sa loob ng reaksyunaryong parlamento ay ang igiit ang interes ng mamamayan at ilantad ang kabulukan ng naghaharing sistema at ang kawalang-kakayahan nitong tugunan ang mga kahingian ng masang api at pinagsasamantalahan.

DM: Naging laganap na naman ang koleksyon ng inyong tinatawag na "permit to campaign fees" sa inyong mga kontroladong lugar, may mga nagpapalagay na isa itong hindi makatwirang praktika ng BHB, lalo�t higit ngayon na may mga sinusuportahan na kayong partido at mga kandidato.

Kaugnay pa rin dito Ka Roger, may mga pagkaka taon po ba na nagbigay kayo ng pahintulot sa ibang kandidato na makapangampanya sa loob ng inyong mga kontroladong lugar kahit na hindi na tumubos ng permiso?

KR: Ang paniningil para sa "permit to campaign" ay wastong paggamit ng pampulitikang kapangyarihan at karapatang pang-estado ng rebolusyonaryong kilusan. Isinasakatuparan ito bilang pagtatanggol sa integridad ng mga teritoryong nasa kontrol ng demokratikong gubyernong bayan.

Ang karapatang ito ay ginagamit din upang sagkaan ang mga sagadsaring kontra-rebolusyonaryo at anti-mamamayang pulitiko na makapanlinlang at makahawak ng kapangyarihang pampulitika.

Lahat ng mga pulitikong nais mangampanya sa mga teritoryong nasa kontrol ng demokratikong gubyernong bayan ay kailangang may "permit to campaign". Pero, pinag-iiba syempre ang mga reaksyunaryo at mga kaibigan. Hindi sinisingil ng kabayaran para sa "permit to campaign" ang mga progresibong kandidato. Bahagi ito ng aplikasyon ng patakaran ng nagkakaisang prente sa mga usapin kaugnay ng halalan.

"Ang ilang pagkakataong makabuluhang nakalalahok at nagpapakita ng magandang prospek sa eleksyon ang mga progresibong organisasyon at kandidato... ay bunga hindi ng pagluluwag para sa kanila ng reaksyunaryong eleksyon kundi ng paglakas ng demokratikong kilusang masa."

DM: Sinasabi rin na ang praktikang ito ng BHB ang siyang parang nagtutulak sa mga mahahalal na upisyal ng bayan na gumawa ng pagnanakaw sa pamahalaan upang makabawi sa nagastos sa halalan, kasama na dito ang ibinayad sa "permit to campaign fees". Pwede ba, Ka Roger, na humingi sa inyo ng paliwanag tungkol sa bagay na ito?

KR: Ang totoo�y napakaliit lamang na bahagi ng kabuuang gastos sa halalan ang ibinabayad ng mga bulok at reaksyunaryong pulitiko sa "permit to campaign". Sa ating karanasan, singilin man o hindi ng BHB ang mga bulok at reaksyunaryong pulitikong ito, gagamitin pa rin nila ang pwesto sa burukrasya upang magkamal ng yaman at gamitin ang mga pribilehiyo para sa iba�t ibang pakinabang. Kaya nga�t nakahanda silang gumastos nang napakalaki, at higit pa rito, makipagpatayan, para lamang makuha nila ang poder.

DM: Sinasabi ng kabilang grupo, partikular mula sa mga grupo na identified sa yumaong Popoy Lagman, sa inyo raw paglahok ngayon sa halalan, sa pamamagitan ng Bayan Muna, ay minsan pa nilang pinatunayan na sila ang wasto dahil noon pa daw sila lumahok sa elek syon. In the sense, nanggaya na lang daw kayo.

KR: Magkaibang-magkaiba ang pagtitimbang at paggagamit ng Partido at pambansa-demokratikong rebolusyonaryong kilusan sa mga halalan at parlamentaryong paraan ng pakikibaka. Samantalang kinikilala ng Partido ang mga ito bilang sekundaryong paraan sa pakikibaka, mahigpit itong isinasakonteksto ng Partido at rebolusyonaryong kilusan sa balangkas ng matagalang digmang bayan at sa armadong pakikibaka bilang pangunahing paraan ng pakikibaka.

Sa kabilang panig, ang mga rebisyunistang taksil, tulad nina Popoy ay bumaling-baling mula sobrang-Kaliwang insureksyunismo tungo sa Kanang parlamentarismo. Nananaginip sila nang gising sa pag-aakalang ang kapangyarihan ng estado ay hahayaan na lamang ng mga reaksyunaryong naghaharing uri na mapasakamay ng mga napagsasamantalahan at naaaping uri sa pamamagitan lamang ng halalan.

DM: Bagamat, batid kong wala pang kongkretong dahilan upang ihinto ang ganitong uri ng taktika sa pakikibaka, gusto ko pa ring malaman mula sa inyo bilang tagapagsalita ng Partido at ng hukbo, kung paano ninyo tinitingnan ang naging karanasan ninyo sa dalawang bihag digma, si Martin at Buan?

KR: Ang matagalang pangangalaga ng BHB kina Chief Inspector Martin at Major Buan ay nagpapakita sa kakayahan ng BHB na walang taning na pangalagaan ang mga bihag ng dig ma alinsunod sa internasyunal na makataong batas, mga alituntunin ng digma at sa sariling patakaran ng makataong pagtrato sa mga bihag ng digma, kahit panay ang paglulunsad ng mga rescue at regular na operasyon ng AFP at PNP laban sa BHB at sa baseng masa nito.

Ang pagkasawi ni PCI Martin at ang pagpapalaya kay Major Buan ay nagpapakita sa dalawang magkaibang paraan, na ang ligtas at maayos na pagpapalaya sa mga bihag ng digma ay maisasagawa lamang sa pamamagitan ng negosasyon.

DM: Paano ninyo tinitingnan ang mga huling development sa gumugulong na usapang pangkapayapaan?

KR: Ang mga saligang pagbabagong minimithi ng Partido, BHB at buong rebolusyonaryong kilusan ay hindi makakamit kung walang armadong pakikibaka at kung hindi ito ang pangunahing paraan sa paglaban.

Seryoso ang Partido, ang BHB at ang rebolusyonaryong kilusan sa pagpasok sa usapang pangkapayapaan sa hangaring mabigyang atensyon ang mga saligang suliranin ng mamamayang Pilipino na siyang nasa likod ng kasalukuyang armadong tunggalian. Gayunpaman, nakasisira sa diwa at mahusay na daloy ng usapang pangkapayapaan ang mga maniobra at maruruming taktika ng mga militarista kabilang ang adelantadong paglalabas ng usapin ng "national ceasefire".

Asahan nating daraan pa ang usapang pangkapayapaan sa maraming liko�t ikot. Naririyan din ang posibilidad na mauntol at mabigo ito laluna�t magiit at namamayani sa loob ng gubyernong Macapagal- Arroyo ang mga militarista. Sila ang pangunahing banta sa usapang pangkapayapaan.

 


Previous articleBack to topNext article

Mayo 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Walang makabuluhang pakinabang ang bayan sa nagdaang eleksyon

Sa ilalim ng bagong rehimen:
Mga ipinaglalaban ng manggagawang Pilipino

Panayam kay Ka Roger
Muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP, matagumpay na idinaos
Mga Ulat Koresponsal:
Laban sa pandarambong sa yaman ng Kordilyera

Mga Ulat Koresponsal:
Mamamayan sa Gitnang Kabisayaan, masiglang lumahok sa pakikibakang anti-Estrada

Mga Ulat Koresponsal:
Mga taktikal na opensiba, patuloy na inilulunsad sa Kabikulan

Mga Ulat Koresponsal:
Mga pagpaparusa sa Hilagang Mindanao, ipinaliwanag

Mga balita ng pakikibaka
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.