Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Bello, tagapagtanggol ni Arroyo

 Read this article in English

Mula noong Marso, kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas ang serye ng mga asasinasyong pulitikal at teroristang atake ng rehimeng US-Arroyo laban sa mga aktibista at lider ng mga organisasyong masa na kabilang sa mga pwersang pinakapuspusan sa paglaban sa korapsyon ng rehimen, mga mapang-aping patakaran sa ekonomya at pagpapakapapet sa gubyernong US.

Kasunod nito ay ipinaliwanag ng PKP kung papaano dumudugtong at nagsisilbi ang kampanyang paninira ni Walden Bello sa PKP at sa mga progresibong organisasyong makamasa sa pinaigting na pasistang kampanya ng rehimen mula nitong unang kwarto ng 2005.

Ang mga pahayag ni Bello noong Disyembre 2004 at ang "Knowing the Enemy" na briefing paper ng Armed Forces of the Philippines, na kapwa tumukoy sa mga organisasyong tulad ng Bayan Muna, Kilusang Mayo Uno at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ay may iisang layunin. Kapwa nila iniuugnay ang mga organisasyong ito sa rebolusyonaryong armadong kilusan upang bigyang-katwiran ang kanilang pagiging target ng mga pasistang atake at ang paggamit ng armadong pwersa laban sa kanilang mga lider at myembro.

Sa pangambang lalong mahiwalay dahil sa kanilang mga atake sa ligal na demokratikong kilusan, naglabas nito lamang ng lubhang nahuhuling pahayag si Bello at ang Akbayan ukol sa serye ng mga asasinasyong pulitikal.

Subalit sa paglalabas ng mga pahayag na ito, lalo lamang nilang inilantad ang sarili bilang mga tagasunod ng rehimeng Arroyo at ng mga pasistang atake nito laban sa mga aktibista at lider ng mga makamasang organisasyon.

Hindi maitatatwa ni Bello at ng Akbayan na mga pwersang militar at paramilitar ng rehimeng Arroyo ang may kagagawan ng mga pagpatay. Subalit sa harap nito'y bahagyang pinuna lamang nila ang rehimeng Arroyo sa kabiguan nitong maglabas ng "malinaw na pagbatikos" at "kawalan ng hakbanging pigilan ang mga pagpatay."

Wala silang ginawa kundi ang mahinahong hilingin sa gubyernong Arroyo na gamitin nito ang "mga batas sa karapatang-tao, malawak na rekurso at lambat nito ng paniktik" upang lutasin ang mga kaso ng pagpatay.

Pinalalabo nila ang isyu at itinatago ang katotohanang ang rehimeng Arroyo ang nasa likod ng marahas at sistematikong kampanya ng panunupil sa mga maka-masang organisasyon.

Bahagyang pinagsasabihan lamang ni Bello at ng Akbayan ang rehimeng Arroyo na ito'y "mananagot sa malalalang paglabag sa karapatang-tao" kung "hindi nito papansinin ang mga pagpatay". Sa ganitong paraan, pinagtatakpan nila ang katotohanang ang rehimeng Arroyo at ang mga armadong tauhan nito sa AFP ang nag-endorso at aktwal na nagsasagawa ng sunud-sunod na pagpatay sa mga aktibista na kanilang itinuturing na mga "kaaway ng estado" at target ng "anti-teroristang digma".

 


Previous articleBack to topNext article

21 Abril 2005
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Sahod, itaas!

Pambansang tigil-pasada, matagumpay na nailunsad
Dumarami ang kaaway ng rehimeng US-Arroyo
Pandarahas sa mga progresibong pwersa, nagpapatuloy
Daan-daang residente, namakwit sa Samar
Matatagumpay na opensiba ng BHB
6 na armas nasamsam, 6 na sundalo napatay sa ambus sa Samar

BHB sa Mindanao, umani ng ibayong tagumpay
Bello, tagapagtanggol ni Arroyo
Sino si Pedro Tejino?
Rehimeng US-Arroyo: Pinakamalaking bugaw sa Pilipinas
Mga batang ibinubugaw
Huwad na reporma sa lupa ng gubyerno, inutil
US, numero unong lumalabag sa karapatang-tao
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.