![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Dahil sa sadyang pagbastos sa abiso ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na huwag magpapasok ng mga armadong badigard sa rebolusyonaryong teritoryo, isang kandidato sa pagka-kongresista ang kinumpronta ng BHB nitong Marso 3. Si Congresswoman Josephine Sato, isa pang pulitiko at tatlong armadong pwersa mula sa PNP-Occidental Mindoro ay inambus ng BHB habang papasok ang kanilang sasakyan sa Barangay Alacaak, Sta. Cruz. Sa isang pahayag, sinabi ni Ka Higom Magarang, tagapagsalita ng Lucio de Guzman Command ng Mindoro, na pinaabutan na noon pa man ang mga pulitiko sa isla na bawal magdala ng militar, pulis, paramilitar o pribadong hukbo sa pangangampanya sa rebolusyonaryong teritoryo. Kung wala sanang dalang armadong pwersa si Sato, pwede sanang maganap ang isang simpleng dayalogo, ani Magarang. Subalit nagmayabang si Sato at sinabing wala namang magagawa ang BHB sa dami ng itinambak na militar sa prubinsya. Si Sato ay tumatakbo sa pagka-gubernador ng Occidental Mindoro sa ilalim ng Lakas Christian-Muslim Democrats ni Arroyo. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|