![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Walang pakundangan ang imperyalismong US sa paglabag sa soberanya ng mga bansa, laluna kung ang mga ito ay nasa kontinente ng America na itinuturing nitong sariling bakuran. Malaon nang pinagpipilitan ng US na may eksklusibong karapatan itong manghimasok sa anumang bansa sa kontinente. Tumampok nitong nakaraang buwan ang pinakabagong direktang interbensyong militar ng US sa Haiti (isa sa
Sa loob ng huling tatlong taon, puspusang nakipagsabwatan ang US sa mga elitistang oposisyon at mga armadong pwersang kriminal sa Haiti para patumbahin ang gubyerno ni Aristide. Ginamit ng US ang iba't ibang paraan para rito kabilang ang pag-embargo sa kalakalan, pagtigil ng ayuda, paglalarawan kay Aristide bilang isang bulok at inutil na lider, pagtataguyod ng mga pag-aalsa at kaguluhan, pag-aatake ng mga "rebeldeng" armadong pwersang binubuo ng mga goons at pinamumunuan ng mga kriminal na mamamatay-tao at pagpapadala ng US ng mga tropang militar para tuwirang okupahin ang Haiti sa bisperas ng pagpapatalsik kay Aristide. Si Aristide ay isang burgis-nasyunalistang namuno sa paglaban sa pasistang rehimen ni Francois "Papa Doc" Duvalier at ng kanyang anak na si Jean Claude "Baby Doc" Duvalier. Sinuportahan ng US ang mga Duvalier noong una dahil sila ang inasahan ng US na papawi sa anito'y lumalagablab na apoy ng rebolusyon at komunismo sa Latin America. Ang mag-amang Duvalier ay mga pusakal na pasista, na bukod pa sa reaksyunaryong hukbo ng estado, ay may minamantining mabangis na private army na pumapatay sa mga kalaban nila sa pulitika at naghahasik ng lagim sa buong bansa. Kontrolado rin ng mga Duvalier ang negosyo ng iligal na droga sa Haiti, isa sa mga mayor na rutang dinadaanan ng mga ipinupuslit na droga (laluna ang cocaine) papuntang US. Iniatras ng US ang suporta sa pasistang diktador nang umani ng malawak na suporta mula sa mamamayan ng Haiti ang kilusang pagbabago na pinamumunuan noon ni Aristide. Nanganib at naapektuhan ng mga pagbabagong gustong gawin ni Aristide ang elitistang interes ng mga naghaharing uring sumuporta at nakinabang kay Duvalier. Bunsod nito, maigting nilang tinutulan ang pagkapanalo ni Aristide sa eleksyon noong 1991. Inarmasan nila ang mga kriminal at dating goons ng pinatalsik na diktadurang Duvalier at naglunsad ang mga ito ng kudeta siyam na buwan pagkatapos maluklok sa poder ang bagong gubyerno. Iniatras ng US si Aristide at naghari ang batas militar sa Haiti. Noong 1994, sa utos ng presidente noon ng US na si William "Bill" Clinton, inihatid ng US Army sa Haiti si Aristide at muling iniluklok bilang presidente nang hindi pa rin mapahupa ang gera-sibil sa bansa sa kabila ng batas militar. Nangako ng $3 bilyong ayuda ang US para sa rehabilitasyon ng ekonomyang winasak ng kriminal at militaristang paghahari bukod pa sa halos isang siglong pandarambong. Nangako rin ang ibang imperyalistang bansa gaya ng France na suportahan si Aristide sa pamamagitan ng mga ayuda. Pagkabalik ni Aristide noong 1994, binuwag niya ang buong pwersang militar ng Haiti at lahat ng labi ng diktadurang nagpatalsik sa kanya. Sinikap niyang ibangon muli ang ekonomya ng bansa at bigyang-kalutasan ang disempleyo at pagdarahop ng mamamayan. Nagpatupad siya ng paunang nasyunalisasyon ng mga industriyang hawak ng mga sumuporta sa matagal na paghahari ng mga Duvalier at sa batas militar ng 1991-1994. Sinuway niya ang dikta ng IMF-WB na isapribado ang natitirang mga pag-aari ng estado at sumunod sa kontrol ng mga imperyalistang institusyon. Naalarma ang US at ang naghaharing uri sa mga programa ng reporma ni Aristide. Sa udyok ng naisaisantabing mga naghaharing uri sa Haiti, ipinakalat ng US ang propaganda na ang mga isinasagawang reporma ni Aristide ay nagdudulot ng ibayong kaguluhan at pagkaatrasado sa Haiti at nararapat na siyang patalsikin. Mula nang mailuklok sa poder si Pres. George W. Bush ng US noong 2001, binawi niyang lahat ang ayudang ibinibigay sa Haiti. Para lalong padapain ang ekonomya ng Haiti, tinambakan ito ng mga sobrang produkto ng US. Bunga ng pagtatambak ng sobrang manok galing sa US, sumadsad ang produksyon ng manok, ang nalalabing signipikanteng sektor sa ekonomya ng Haiti. Inarmasan din ng US ang mga sindikato ng droga upang lalong guluhin ang wasak na ekonomya at pulitika ng bansa. Hindi tinantanan ng US ang presyur kay Aristide laluna nitong 2004. Sa bisperas ng pagpapaalis sa kanya, nagsabwatan ang mga ahenteng Amerikano at mga galamay nilang Haitian para piliting magbitiw si Aristide. Binantaan siyang nasa tarangkahan na ng Port-au-Prince, kabisera ng Haiti, ang mga "rebelde" at pasasabugin daw ang palasyo ng presidente kung hindi siya aalis sa pwesto. Kinabukasan, sapilitan siyang isinakay sa isang eroplano ng US papuntang Central African Re-public. Agad na kinundena ni Aristide ang maniobrang ito bilang pampulitikang pangingidnap. Maraming bayan, kabilang ang 15 bayan sa Carribean ang nagpahayag ng protesta sa pwersahang pagpapatalsik ng US kay Aristide. Mula sa Central African Republic, lumipat na si Aristide sa Jamaica, isa ring bansa sa Caribbean, para pamunuan ang paglaban sa US at sa iniluklok nitong papet na gubyerno sa Haiti. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|