Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Ulat Koresponsal:
Mga pagpaparusa sa Hilagang Mindanao, ipinaliwanag

 Read this article in English

Di bababa sa 19 na magkakahiwalay na taktikal na opensiba ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan sa Bikol mula Enero hanggang Abril 2001. Binuo ito ng mga operasyong agaw-armas at pagpaparusa sa mga sagad-sagarang kontra-rebolusyonaryo at masasamang elemento. Mayroon ding depensibang naitransporma sa opensiba.

Ayon sa ulat-koresponsal na ipinadala ng Romulo Jallores Command (RJC) sa Ang Bayan, tuluy-tuloy at papadalas na inilulunsad sa rehiyon ang maliliit subalit matatagumpay na taktikal na opensiba.

Noong Abril 20, pinarusahan ng kamatayan si Florencio Mu�oz, dating alkalde ng Camalig, Albay. Pangunahin sa kanyang mga krimen ang pagbubuo ng lambat paniktik laban sa rebolusyonaryong kilusan na nagresulta sa pagkamatay ng ilang mandirigma ng BHB at masugid na pagsuporta sa pagpapatayo ng mapaminsalang Palanog Cement Factory kapalit ng malaking halaga ng pera.

Noong Abril 11, nireyd ng mga mandirigma ng BHB ang bahay ng isang pulis sa Barangay Dalupaon, Pasacao, Camarines Sur. Nadakip si SPO3 Edmundo Silapan Mendoza ng San Fernando Municipal Police Station. Gayunman, kaagad rin siyang pinalaya matapos mapaliwanagan. Nakumpiska sa kanya ang isang 9 mm na pistola, tatlong magasin at mga bala, magasin ng M16 at iba pang kagamitang militar.

Noong Marso 21, ligtas na nakaatras ang mga kasamang kinubkob ng isang seksyon ng Rapid Deployment Force ng 22nd IB sa Barangay Bololo, Guinobatan, Albay. Sa kabila ng kanilang katayuang depensibo, matagumpay na nakapanlaban ang mga kasama. Isang kaaway ang napatay at tatlong iba pa ang nasugatan.

Noong Pebrero 17, ginawaran ng parusang kamatayan ng BHB si Beverly Maslog sa Legazpi City. Napatay din si SPO1 Jose Quoremces na lulan ng traysikel na sinasakyan ni Maslog. Si Maslog ay aktibo sa paglaban sa rebolusyonaryong kilusan. Marami siyang ipinahamak na mga kasama at masa. Sa pamamagitan ng isang programa sa radyo sa Albay, aktibo siyang nanawagan sa pagpapasuko sa mga kasama at naghasik ng mga intriga laban sa kilusan. Ginamit din niya ang pangalan ng mga lider ng BHB sa pangingikil para sa PNP.

Sumusunod ang ilan sa mga maliliit na taktikal na opensibang inilunsad sa Kabikulan, bukod sa mga naiulat na sa AB:

  1. Pag-isnayp kay Sgt. Roy Brogada ng 16th IB sa Barangay Bulacao, Gubat, Sorsogon noong Marso 11.
  2. Pagtambang kay Herardo Salceda, isang CAFGU, sa Barangay Buyo, Manito, Albay, at pagkumpiska ng kanyang maikling baril.
  3. Pagkumpiska ng isang .22, isang magasin, 19 bala at isang teleskopyo mula kay Barangay Kapitan Yolanda Imperial ng Bliss, Monbon-Irosin, Sorsogon noong Enero 19
  4. Sa parehong araw, pag-agaw ng armas ni TSgt. Jaime Borigas, Jr. na nakatalaga sa Southern Command, Cagayan de Oro at nakatira sa Bagsangan, Irosin. Nakumpiska sa kanya ang isang .45 at isang .22.

Munisipyo sa Camarines Sur, nireyd ng BHB

Sinalakay ng mga pulang man di rigma ang munisipyo ng Gainza, Camarines Sur noong tanghali ng Abril 27. Tinutukan at pinadapa ng mga geril yang babae ang hepe ng pulisya ng Gainza na si Insp. Ricardo Nocos, at ang iba pang mga empleyado roon. Nakasamsam ang BHB ng mga radyo mula sa munisipyo. Bago pa gawin ang pagsalakay ay nakakumpiska na ng isang M16 at isang pistolang 9 mm ang mga mandirigma mula sa bahay ng dalawang pulis.

 


Previous articleBack to topNext article

Mayo 2001
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Walang makabuluhang pakinabang ang bayan sa nagdaang eleksyon

Sa ilalim ng bagong rehimen:
Mga ipinaglalaban ng manggagawang Pilipino

Panayam kay Ka Roger
Muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP, matagumpay na idinaos
Mga Ulat Koresponsal:
Laban sa pandarambong sa yaman ng Kordilyera

Mga Ulat Koresponsal:
Mamamayan sa Gitnang Kabisayaan, masiglang lumahok sa pakikibakang anti-Estrada

Mga Ulat Koresponsal:
Mga taktikal na opensiba, patuloy na inilulunsad sa Kabikulan

Mga Ulat Koresponsal:
Mga pagpaparusa sa Hilagang Mindanao, ipinaliwanag
Mga balita ng pakikibaka
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.