Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Programang GMA 50:
Bigong solusyon sa malalang suliraning pangkalusugan ng mamamayan

 Read this article in English

Upang tupdin ang pangako ni Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang unang State of the Nation Address na ibaba umano ang presyo ng mga gamot nang 50%, inilunsad ng Department of Health (DoH) ang GMA 50. Layunin ng programang ito na tiyaking laging may mga gamot na abot-kaya, mataas ang kalidad, ligtas at epektibo lalo na para sa nakararaming naghihirap na mamamayan.

Ngunit tulad ng iba pang pangako sa kanyang unang SONA, bigo si Macapagal-Arroyo na ibaba ang presyo ng mga gamot.

PAKITANG-TAONG SOLUSYON. Ang tanging hakbangin ng GMA 50 para umano�y lutasin ang problema ng mahal na gamot sa bansa ay ang importasyon ng murang mga gamot. Sa ilalim ng programang ito, aangkat ng mga murang gamot ang Department of Trade and Industry (DTI), na siya namang ipagbibili sa mga pampublikong ospital at maliliit na botikang itatayo ng gubyerno, ang Botika ng Masa.

Noong Marso, umabot sa P21.5 milyon ang halaga ng mga murang gamot na inangkat ng DTI mula sa India. Gayunpaman, wala pa itong isang porsyento (0.16% lamang) ng kabuuang nabiling gamot sa bansa noong 1999. Napa kaliit nito upang makabuluhang pakinabangan ng mamamayan.

Higit pa rito, walang pundamental na binabago ang pakitang-taong pag-aangkat ng gamot ni Macapagal-Arroyo. Bagkus, sinasagasaan nito ang pangangailangang itayo ang pambansang industriya ng gamot. Sinusuhayan lamang nito ang pagsandig ng bansa sa mga inangkat na produkto, sa kapahamakan ng mga lokal na kumpanya at mamamayan sa pangkalahatan.

DAHILAN NG MATAAS NA PRESYO. Sa buong Asia, pumapangalawa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamahal na mga gamot. Ayon mismo sa Bureau of Food and Drugs, sa kasalukuyan ay mas mataas nang 250-1,600% ang presyo ng mga gamot sa Pilipinas kumpara sa iba pang mga bansang myembro ng ASEAN. Ayon naman sa Health Alliance for Democracy, mas mahal nang 18 ulit ang presyo ng mga gamot sa bansa kumpara sa India, Canada at iba pang bansa kung saan mas mataas ang sahod ng mamamayan kaysa mga Pilipino.

Sobra-sobra ang patong sa presyo ng mga gamot sa Pilipinas. Ang mga gamot para sa tuberkulosis (TB), halimbawa, tulad ng INH (300mg.), Rifampicin (400 mg.) at Pyrazinamide (500 mg.) ay ibinebenta nang P1,066.60 kahit umaabot lamang sa P321.30 ang gastos sa pagmamanupaktura ng mga ito.

Walang tunay na pambansang industriya sa gamot ang Pilipinas. Ang itinuturing na lokal na industriya sa gamot, sa katunayan, ay pawang nagrerepake lamang ng mga imported na yari nang gamot ng mga transnasyunal na kumpanya. Kung mayroon man, napakaliit ng bahaging pagpoproseso at nakasalalay pa ang mga ito sa pag-import ng mga hilaw na materyales mula sa mga transnasyunal na kumpanya.

Paghahambing ng ilang piling gamot sa Pilipinas at ilang bansa sa Southeast Asia (datos ng DOH)
Gamot
 Pilipinas
 Thailand
 Malaysia
Flagyl (antibiotic)16.045.3716.21
Bactrim (antibiotic)14.413.768.37
Septrim (antibiotic)15.46-2.80
Betaloc (gamot sa altapresyon)15.179.668.26
Daonil (gamot sa diabetes) 10.603.764.08
Dichlotride (gamot sa altapresyon) 16.132.155.99
Ponstan (gamot sa kirot)9.341.33-

Ayon sa Association of Drug Industries in the Philippines, 72% ng lokal na pamilihan ng gamot ay kontrolado at monopolisado ng mga dayuhang kumpanya gaya ng Zuellig Pharma, Bristol Myers Squibb at Johnson & Johnson. Labing-isa sa 12 pinakamalalaking kumpanya ng gamot sa bansa ay pag-aari ng mga dayuhang kumpanya. Noong 2000, umabot sa halos P4.2 bilyon ang pinagsamasamang ganansya ng mga ito sa bansa.

Sa sabwatan ng mga dayuhang monopolyo at mga lokal na negosyante, isinasagawa ang sumusunod na mga iskemang nagpapataas sa presyo ng mga gamot sa bansa:

Sa transfer pricing, bumibili ang mga lokal na subsidyaryo sa mga transnasyunal na kumpanyang nagmamay-ari sa mga ito ng mga hilaw na materyales sa presyong umiiral sa pandaigdigang pamilihan. Ito ay kahit makukuha nang mas mura ang mga materyales na ito sa loob ng bansa o sa ibang kumpanya.

Sa fixed pricing naman, pinagkakaisahan ng kartel ng mga dayuhang kumpanyang pharmaceutical ang presyo ng mga pare-pareho nilang mga produkto.

Ang royalty naman ay ibinabayad ng sinumang nais gumawa ng isang partikular na gamot sa kumpanyang may hawak ng patent o eksklusibong karapatan sa pagmamanupaktura nito sa loob ng itinakdang 17-20 taon. Mapagpasyang nakapagtatakda ito ng monopolyo sa pagmamanupaktura at pagpepresyo. Nagkukumahog ang mga transnasyunal na kumpanya na masolo ang pinakamarami kundi man halos lahat ng patent sa mga gamot, laluna ang mga pinakakailangan. Napakalaki ng naidaragdag ng mga royalty sa presyo ng mga gamot sa Pilipinas dahil sa higpit ng pangangalaga ng gubyerno sa interes ng mga transnasyunal na nagmomonopolyo sa mga patent. Subalit sa India ay nakapagmamanupaktura ng de-kalidad na mga gamot sa napakamurang halaga dahil ang mga patent ng mga transnasyunal ay naiikutan sa pamamagitan ng paggamit ng pagbabago ng mga proseso. Ginagawa ito sa basbas ng gubyerno. Sa gayon, ang presyo ng mga gamot na iniimport ng Pilipinas mula sa India ay halos 90% ang mura kung ikukumpara sa presyo rito sa Pilipinas.

Hinararang din ng mga dayuhang monopolyo ang pagbebenta ng mga botika ng mga gamot na kumukumpitensya sa kanilang mga produkto, laluna kung mura ang mga ito. Binabantaan ang mga botika na kung ibebenta ang mga ito ay ititigil ang pagsusuplay sa kanila ng mga produkto ng mga dayuhang monopolyo.

Ipinapapasan din sa mamamayan ang ginagastos ng mga transnasyunal na kumpanya sa mamahaling mga patalastas sa radyo, telebisyon at mga pahayagan.

Dagdag din sa presyo ng mga gamot ang napakalaking buwis na ipinapataw ng gubyerno�halimbawa nito ang buwis sa importasyon na umaabot sa 10-30%.

Sa lala ng mga suliraning pangkalusugan ng mamamayan, hindi makasasapat ang mga programang tulad ng GMA 50 na nakasalalay lamang sa importasyon ng mga gamot. Nakaugat ang suliranin ng napakataas na presyo ng mga gamot sa monopolyo ng mga transnasyunal na kumpanyang pharmaceutical at sa kawalan ng pambansang industriya ng gamot sa bansa. Hanggat hindi rin naitatatag ang mga batayang industriya sa bansa, tulad ng industriya ng mga kemikal na mahalaga sa pagmanupaktura ng mga gamot, hindi makakaalpas ang mamamayan sa gapos ng mga kumpanyang transnasyunal. Tanging sa pagtatatag ng mga pambansang industriyang ito maaasahan ang serbisyo at pakinabang para sa kagalingan ng mamamayang Pilipino.

 


Previous articleBack to topNext article

Agosto 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Tumitindi ang pagpapakatuta ni Macapagal-Arroyo

Panghihimasok militar ng US
Pinulot sa basurahan
Vigilantismo sa Davao, dadalhin sa pambansang antas
Naghihingalong sistemang pangkalusugan sa bansa
Philhealth, instrumento para sa pagkakamal ng tubo
Pakikibaka sa Tala Leprosarium, nagpapatuloy
Pagpapasara sa 10 ospital:
Inaagrabyado ang masa sa Isabela

Programang GMA 50:
Bigong solusyon sa malalang suliraning pangkalusugan ng mamamayan
Mga Ulat Koresponsal:
Kampanya sa rebolusyong agraryo sa Ilocos at Kordilyera, tagumpay

Mga Ulat Koresponsal:
Presyo ng tabako, naitaas

Malaking bigwas sa imperyalismong US:
Pandaraya ni Bush at ng malalaking negosyo sa US

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.