Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Away ng mga magnanakaw:
Mga nakaw na yaman ng mga Arroyo, ibinunyag ni Lacson

 Read this article in English

Kilalang-kilala ng magnanakaw ang kapwa magnanakaw. Naging matingkad ito nang ipakita ni Sen. Panfilo Lacson nitong Setyembre 1 na ang gawi niya at ng padrino niyang si Joseph Estrada ay siya ring gawi ngayon ng mag-asawang Arroyo.

Pito pang sikretong bank account na naglalaman ng P168 milyong kinurakot ng mag-asawa ang ibinunyag ni Lacson, dagdag pa sa limang bank account na naglalaman ng kabuuang halagang P132 milyon na una na niyang ibinunyag.

Ang naturang mga deposito sa bangko ay nasa pangalang "Jose Pidal," alyas ni Jose Miguel "Mike" Arroyo (asawa ng presidente); ni Victoria Toh, sekretarya at kabit ng Unang Ginoo; at mga kapamilya ni Toh. Kung pagsasama-samahin, aabot na sa P260 milyon ang nadidiskubreng nakaw na yaman ng mag-asawang Arroyo. Hindi pa kabilang dito ang mga di pa nahahalungkat sa loob at labas ng bansa.

Ayon kay Lacson, ang naturang halaga ay mula sa P270.8 milyong kontribusyon sa kampanyang pang-eleksyon ni Gloria Arroyo noong 2000 na sadyang itinago at hindi idineklara. Umabot daw sa P321 milyon ang lahat ng kontribusyon subalit mga P50 milyon lamang ang iniulat na gastos ni Arroyo sa Commission on Elections.

Bukod sa halagang inilagak ng mga Arroyo sa mga lihim na bank account, may napunta rin sa Lualhati Foundation, isa sa mga prenteng organisasyon na ginagamit na daluyan ng mag-asawang Arroyo para sa kanilang nakukurakot.

Bilang karagdagang paraan ng pagkukubli sa tunay na pinanggalingan ng daan-milyong halagang ito, mahigit P18 milyon nito ay inilabas muna sa bansa at kalauna'y ipinadeposito sa mga bank account ni "Jose Pidal" mula sa iba't ibang bangko sa Hongkong.

Matindi ang maniobrahan ng magkabilang kampo mula nang mabunyag ang mga lihim na bank account. Dinukot noong Agosto 26 ng mga tauhan ng Malakanyang mula sa isang safehouse sa Tagaytay City si Eugenio "Udong" Mahusay, dating pinagkakatiwalaang tauhan ni Miguel Arroyo na tumestigong ang dati niyang amo at si "Jose Pidal" ay iisa. Binawi ni Mahusay ang sinumpaan niyang salaysay subalit sa pagkakabuhul-buhol ng bago niyang kwento ay lalo lamang nadidiin ang mga Arroyo.

Sa pagpipilit naman nitong makalusot, gumawa ng katawa-tawang hakbang si Mike Arroyo: bigla niyang pinalitaw ang kanyang nakababatang kapatid na si Ignacio at pinaamin na siya si Jose Pidal. Subalit walang kumagat sa hangal na hakbang ni Arroyo.

Ayon kay Lacson, na nahaharap din sa kasong paglilihim ng mga bank account at iba pang ari-arian sa US na nagkakahalaga ng milyun-milyong dolyar, may susunod pa siyang papuputuking bomba at palilitawing testigo laban sa mga Arroyo.

Habang patuloy ang batuhan ng akusasyon ng mandarambong sa kapwa mandarambong, umiigting ang banggaan ng mga paksyong nag-aagawan sa poder. Palaki nang palaki ang posibilidad na bumagsak ang ang gubyernong Arroyo dahil sa bigat ng nalalantad na mga anomalya at kabulukan ng kanyang rehimen, bukod pa sa pagiging lantarang papet at militarista nito. Dapat maagap at mapagpasyang kumilos ang mga ligal na demokratikong pwersa at iba pang progresibong pwersa para matatag na pamunuan at maisulong ang mga pakikibakang bayan, maiguhit ang progresibong paninindigan at linya sa mga pangyayari at pagkilos, at mahadlangan ang paghalili sa pabagsak na rehimen ng kapwa nito bulok, tuta at pasista.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Setyembre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Paigtingin ang mga pakikibakang bayan para ibagsak ang rehimeng US-Arroyo

Away ng mga magnanakaw:
Mga nakaw na yaman ng mga Arroyo, ibinunyag ni Lacson
Matatagumpay na opensiba ng BHB:
22 armas, nasamsam ng BHB sa mga reyd at ambus

Mga sundalo ng AFP, hinihikayat na sumanib sa rebolusyonaryong kilusan
Mga tropa ng AFP, CAFGU sa Agusan del Sur, sumanib sa BHB
Sa Silangang Kabisayaan:
Mahusay na pamumuno ng Partido sa lokalidad

Mula sa hanay ng mga kabataang estudyante:
Si Ka Leo sa kanayunan

Sa Ibayong Dagat:
Lumalaganap ang armadong paglaban ng mga Iraqi

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.