Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Ulat Koresponsal:
Ikalawang Kumperensya sa Gawaing Masa sa Southern Tagalog, matagumpay na idinaos

 Read this article in English

Isa na namang malaking tala sa kasaysayan ng rebolusyonaryong kilusan sa Southern Tagalog ang ginanap na Ikalawang Kumperensya Hinggil sa Pagsusulong ng Gawaing Masa sa Kanayunan nitong Agosto. Isa itong malaking tagumpay sa kalagayang nailunsad ito sa gitna ng pinatitinding kampanya ng terorismong militar sa kanayunan ng rehiyon. Ayon sa isang kasama, �malaking dagok ang kumperensyang ito sa kaaway na nagtatangkang papanghinain ang lakas na inabot ng rebolusyonaryong kilusan at ng baseng masa nito.�

Sa proseso, ang kumperensya ay naging isang malaking paaralan ng pagbabahaginan ng mga karanasan ng mga rebolusyonaryong pwersa na naglulunsad ng masikhay na gawaing masa sa rehiyon. Inilatag nito ang direksyong tatahakin ng rebolusyonaryong kilusan upang kamtin ang layuning itayo ang mga moog ng rebolusyon sa kanayunan: mga baseng masa na hindi kayang durugin ng kaaway sa kabila ng papatinding kontra-rebolusyonaryong digma nito.

Inilatag sa kumperensya ang kasalukuyang kalagayan ng masang magsasaka at ang inabot na antas ng pagmumulat, pagpapakilos at pag-oorganisa sa kanilang hanay sa paraang hayag at lihim. Dito�y malinaw na tinukoy ang tumitinding kalagayan ng mga magsasaka at ang nararanasan nilang lalong lumulubhang anyo ng pagsasamantalang pyudal at malapyudal. Ang kalagayang ito ay itinutulak ng pagtatangka ng mga panginoong maylupa, komersyante-usurero at malalaking korporasyong lokal at dayuhan na muling ikonsentra ang lupa sa kanilang mga kamay.

Dahil sa mga kaso ng pangangamkam ng lupa, dumarami ang mga kaso ng pagpapalayas at lumalaki ang bilang ng mga mala-proletaryado sa kanayunan. Subalit hindi binago ng pagsibol ng kalagayang ito ang umiiral na moda ng produksyon. Bagkus, ibayo lamang nitong pinatindi ang pyudal at malapyudal na pagsasamantala.

Muling pinagtibay ng mga pag-aaral sa moda ng produksyon sa iba�t ibang linya ng pananim tulad ng niyog, palay, tubo at kape at sa sektor ng pangisdaan ang pagsusuri ng Partido sa naghaharing pyudal at malapyudal na sistema at ang linya ng demokratikong rebolusyon ng bayan. Pinagkaisa rin ang buong rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon sa patakaran ng nasyunalisasyon ng lahat ng lupaing panginoong maylupa, burgesya kumprador at imperyalista sa kanayunan.

Tinukoy sa kumperensya ang mga suliraning kinakaharap ng mga rebolusyonaryong pwersa sa gawaing pagkokonsolida ng baseng masa. Tinumbok ng mga talakayan ang iba�t ibang anyo ng konserbatismo sa paglulunsad ng gawaing masa na nagsisilbing malaking balakid sa konsolidasyon ng base at pagsusulong ng rebolusyong agraryo. Malayo na sa nakaraan ang inabot na paglakas ng kilusang masa sa hayag man o lihim. Hindi pa lamang ito gaanong natutugunan ng solidong pag-oorganisa bunga ng konserbatibong mga pananaw at pamamaraan sa gawaing masa. Naging daluyan ang kumperensya upang lagumin ang mga karanasan ng bawat prubinsya at tukuyin ang mga kahinaang pumipigil sa konsolidasyon ng baseng masa ng rebolusyon.

Naging mabunga ang mga pagbabahaginan ng mga aral na hinango kapwa sa mga positibo at negatibong karanasan sa proseso ng paglulunsad ng gawaing masa. Naging hamon sa bawat isa kung paano mapagpasyang gigibain ang pader ng konserbatismo upang ibayo pang sumulong ang rebolusyonaryong gawain sa kanayunan.

Sa kasalukuyan, isang napakalaking tungkulin ng Bagong Hukbong Bayan sa rehiyon ang paglutas sa bara ng konserbatismo sa gawaing masa sa panahong nakalukob sa kanayunan ang terorismo ng estado at ang nagbabantang armadong panghihimasok ng imperyalismong US. Iniinda ng estado ang dramatikong pagsulong ng rebolusyon sa rehiyon kaya lahat ng paraan ay ginagawa nito upang wasakin ang Pulang kapangyarihan ng demokratikong gubyernong bayan.

Hinahamon ng ganitong kalagayan ang mga rebolusyonaryong pwersa upang magsikhay sa pagkokonsolida sa baseng masa ng rebolusyon. Isang malaking tungkulin ngayon ang pagpapalakas ng rebolusyonaryong kilusang masa at pagpapasigla ng kilusang antipyudal at antipasista sa kanayunan. Kailangang maglunsad ng malalaking taktikal na opensiba upang pagbayarin nang mahal ang kaaway sa pananalasa nito sa baseng masa.

Hinahamon din ng kasalukuyang kalagayan ang mga rebolusyonaryong pwersa na maging mapanlikha sa mga paraan sa pag-oorganisa at pagpapakilos sa masa. Nilampasan na ng kasalukuyang kalagayan ang ilang lipas at nakagawian nang paraan ng pagkilos.

Sa pagtatapos ng kumperensya, bitbit ng mga kasama ang mga aral at hamon kung papaano ibayong pasisiglahin ang gawaing masa at itatayo ang mga moog ng rebolusyon sa kanayunan. Patunay ang lahat ng ito na �ang malawak na kanayunan ay malaking paaralan upang patuloy na matuto at mag-aral.�

 


Previous articleBack to topNext article

21 Nobyembre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Mga desperadong pakana ng rehimeng Arroyo para makapanatili sa poder

Danding Cojuangco, kinasuhan ng mga magniniyog
Mga Ulat Koresponsal:
Ikalawang Kumperensya sa Gawaing Masa sa Southern Tagalog, matagumpay na idinaos
Mga Ulat Koresponsal:
Mga lumalaganap na anyo ng pagsasamantala sa kanayunan ng Southern Tagalog

Mga Ulat Koresponsal:
Gawaing pangkultura ng BHB
Mabisang sandata ng rebolusyon

Mga Ulat Koresponsal:
Kontra-magsasakang Hybrid Commercialization Program, binatikos

Sa Ibayong Dagat:
Okupasyon sa Iraq, bumibigat na pasanin ng rehimeng Bush

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.