![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Ilulunsad sa Nobyembre 16 ang malawakang mga pagkilos, mga welga sa industriya at transportasyon na pangungunahan ng mga militanteng organisasyon ng mga manggagawa upang igiit ang makatarungang P125 dagdag sa arawang sahod. Tanda ito ng lumalawak na paglaban ng mga manggagawa sa harap ng patuloy na pagdausdos ng antas ng kabuhayan ng mga anakpawis at patuloy na pambubusabos ng rehimeng US-Estrada. Noong Oktubre 13, mahigit 15,000 ang nagrali sa Mendiola upang igiit ang mga kahilingan ng mga manggagawa. Ilang araw pagkalipas, iniutos ng rehimeng USEstrada at ng mga regional wage board ang pagtataas nang P20-25 bawat araw sa minimum na sahod ng mga manggagawa. Noong Oktubre 15, inihayag ang P25.50 dagdag sa Metro Manila, halagang mumo kung ihahambing sa kinakailangang karagdagan upang makaagapay ang sahod ng mga manggagawa sa mabilis na tumataas na halaga ng arawang pangangailangan. Marapat na ibinasura ng mga manggagawa ang pampalubag-loob na dagdag sa sahod. Sa mga nakaraang taon, napakabilis na bumulusok ng kabuhayan ng mga manggagawa bunga ng patuloy na paglala ng krisis sa ekonomya. Kayat signipikanteng pagtataas sa sahod ang kinakailangan upang makabuluhang maiahon ang kabuhayan ng mga manggagawa mula sa kinasasadlakang burak ng kahirapan. Sama-sama at militanteng pagkilos ng mga manggagawa at ng sambayanang Pilipino ang kailangan upang epektibong maigiit ito sa harap ng pagmamatigas ng rehimeng US-Estrada sa patakaran nitong panatilihing mababa ang sahod ng mga manggagawa. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|