Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pinakahuling mga anomalya at kaso ng korapsyon sa AFP

 Read this article in English

Apatnapung bank account na naglalaman ng milyun-milyong piso at 53 mamahaling sasakyan. Pagdadala ng $886,957 o halos P50 milyon (sa palitang $1=P56) sa US para ipambayad sa biniling condominium ng kanyang anak sa New York. Isa pang insidente ng pagreremit ng $100,000 o P5.6 milyon sa US para ipanustos sa luho at marangyang pamumuhay ng kanyang mga anak at asawa roon. Sarisaring ari-arian at kayamanan sa US na nagkakahalaga ng P79.42 milyon. Mamahaling kabahayan sa Metro Manila at Baguio, magarbong resort at mga lugar-aliwan at plantasyon sa Iloilo.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga nakaiiskandalong detalye ng nakaw na yaman ni Maj. Gen. Carlos Garcia, comptroller ng AFP mula 2001 hanggang 2003. Matagal nang alam ng mga kapwa heneral ang mga anomalyang ito. Subalit kamakailan lamang nabunyag sa publiko nang ilantad ng US ang insidente ng paghuli sa anak ni Garcia dahil sa hindi pagdedeklara nito ng dala-dalang $100,000 pagpasok sa bansa noon pang nakaraang taon. Noon pa man din ay wala nang kahihiyang inamin ng asawa ni Garcia na ang mga ito ay mula sa tinanggap nilang mga "pasasalamat" ng mga pribadong kontraktor na kasosyo ng AFP. Pinagtakpan ang mga insidenteng ito ng matataas na upisyal ng AFP.

Walang naniniwalang si Garcia lamang ang nagpakasasa sa pondo ng AFP. Pinangangasiwaan niya ang pondo at mga rekurso ng AFP katuwang ang nakaupong chief of staff ng AFP. Nagsilbi siya bilang comptroller sa ilalim ng limang heneral.

Pilit na tinatabunan ng AFP ang naiulat na ginawa ni Garcia na listahan ng mga heneral at mga mambabatas na nakinabang sa pondo ng AFP sa ilalim ng kanyang panunungkulan. Ayon mismo sa mga upisyal ng AFP, karaniwan para sa kanila ang magpalabas ng pondo para sa mga pulitiko, katulad ng ginawa ni Garcia sa nakaraang eleksyon kung saan nagpalabas siya ng pondo para sa isang kandidato sa pagkapresidente.

Nagkakandarapa ang mga upisyal ng AFP at maging ang rehimen upang pigilin ang ibayong pagkakabunyag ng mga anomalya at mga kaso ng korapsyon at pandarambong sa sandatahang lakas sa harap ng iskandalo kay Garcia.

Isa na rito ang kwestyunableng paglobo ng yaman ni Secretary Gen. Angelo Reyes ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong magsilbi siyang kalihim ng Department of Defense. Matatandaang itinigil ang mga kasong pandarambong laban sa kanya noong nakaraang taon matapos siya magbitiw sa pusisyon. Ayon sa kanyang statement of liabilities pa lamang, lumaki nang P4.1 milyon ang kanyang yaman mula 2002 hanggang 2003. Sa panahon ding ito, nakapagpatayo siya ng bahay na nagkakahalaga ng P10 milyon at nakabili siya ng dalawang restawran sa Bulacan at Cebu City.

Dagdag kay Reyes, dalawa pang heneral na myembro ng gabinete ni Arroyo ang natutukoy ngayon na "benepisyaryo" ng pondo ng AFP. Nasa listahan din ng mga heneral na nagtatakas ng mga dolyar at may maluhong pamumuhay sina Gen. Eduardo Ermita, Executive Secretary at Gen. Leandro Mendoza, kalihim ng Department of Transportation and Communication. Sina Reyes, Ermita at Mendoza ay iniimbestigahan ng US ngayon dahil sa kanilang malalaking dollar bank accounts doon.

Iba pang mga anomalya at kaso ng korapsyon at pandarambong:

  1. Isang heneral ang nagkamal ng mahigit P400 milyon sa loob lamang ng huling apat na taon ng kanyang panunungkulan sa AFP. Ito ay ayon kay Ret. Com. Rex Robles na myembro ng binuong Feliciano Commission. Ang Feliciano Commission ang inatasang mag-imbestiga sa inireklamo ng mga nakababatang upisyal na nagprotesta noong nakaraang taon laban sa laganap na korapsyon sa loob ng militar.
  2. Ibinubulsa ng mga heneral sa Mindanao ang aabot sa P534 milyong pondo para sa rasyong bigas ng mga tropa ng AFP sa Mindanao. Dahil dito, wala nang natatanggap na rasyong bigas ang mga tropa mula pa noong Enero. Kumukuha rin ng kikbak ang parehong mga heneral mula sa pondong ibinibigay ng US para sa Balikatan. Ito ay ayon sa dalawang kongresman na nagsisimula na ring mag-imbestiga ngayon sa iba pang mga anomalya at kaso ng korapsyon sa AFP sa Mindanao.
  3. Dalawang heneral ang kinasuhan na ng pagpalsipika ng kanilang mga birth certificate at iniimbestigahan dahil sa maluhong pamumuhay. Dinoktor nina Maj. Gen. Ralph Flores at Gen. Prospero Ocampo ang kanilang mga birth certificate upang magtagal pa nang dagdag na tatlong taon sa AFP at makakamal pa ng dagdag na kurakot.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Oktubre 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Lalong humihina ang AFP sa pagsingaw ng mga kabulukan nito

Pinakahuling mga anomalya at kaso ng korapsyon sa AFP
Malulubhang krimen ni Tabara
Food coupons ng rehimen, mumo para sa ginugutom na mamamayan
Matatagumpay ng mga opensiba ng BHB:
Mga taktikal na opensiba, inilunsad sa Southern Tagalog

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.