![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Kung anu-ano na lamang ang ibinabansag ng rehimeng Bush sa mga estadong ayaw sumunod sa mga imperyalistang dikta ng US. �Outposts of tyranny� o �mga balwarte ng kalupitan� ang pinakahuling terminong inimbento nito. Inihanay sa naturang kategorya ang Cuba, Iran, North Korea, Belarus, Burma at Zimbabwe. Kamakailan ay nagsara na ang North Korea sa pakikipagnegosasyon hinggil sa programang nukleyar nito dahil sa aroganteng asta ng US. Tuwiran na rin nitong ipinahayag na mayroon nga itong mga armas nukleyar na magagamit sakaling sumalakay ang US. Pinag-iibayo rin ng US ang panggigipit sa Syria. Bagamat di tuwiran, ibinibintang ng US sa Syria ang pagpaslang kay Rafik Hariri, dating prime minister ng Lebanon, nitong Pebrero 15. Kaugnay nito, pinauwi na ng US ang embahador nito sa Syria. Binabraso rin ng US ang Venezuela kaugnay ng napipintong pagbili ng bansa ng 100,000 ripleng awtomatik at 40 pandigmang helikopter mula sa Russia. Ipinangangalandakan ng US na ang mga ito ay gagamitin ng Venezuela para suportahan ang rebolusyon sa karatig na Colombia. Pinag-iinitan naman ng US ang militar na pagpapalakas ng China dahil banta raw ito sa mga interes ng US sa Asia. Kahit ano ay isasangkalan ng US para alisin lahat ng posibleng balakid sa dominasyon nito sa daigdig. At kung paggawa ng sangkalan ang pag-uusapan, malikot ang guniguni ni Bush. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|