Karahasan laban sa mga progresibong kandidato at partido
Sa iba't ibang panig ng bansa, puspusang hinahadlangan ng mga pasista ang pagtakbo ng mga progresibong kandidato at partido sa eleksyon.
Muli itong pinatunayan ng walang pakundangang pagpatay kina Magsino, Fortu at Alegria, pawang mga kilala hindi lamang bilang mga tagapagtaguyod ng karapatang-tao kundi bantog ring mga kasapi ng mga progresibong partidong lumalaban ngayon sa reaksyunaryong pulitika.
Sina Magsino at Fortu ang ika-36 at ika-37 myembro ng Bayan Muna na pinatay ng mga pasistang pwersa simula nang lumahok ito sa reaksyunaryong eleksyon noong 2001.
Bilang pangkalahatang kalihim ng Karapatan at coordinator ng Bayan Muna-Calapan City, hinarap ni Fortu ang maraming banta sa kanyang buhay.
Si Magsino naman ay tumatakbo bilang meyor ng Naujan. Takot na takot ang mga pasista na makaupo si Magsino bilang meyor lalupa�t madali niyang maipapanalo ang darating na eleksyon dahil sa kanyang paninindigan para sa progresibo at makabayang interes ng mamamayan. Tanda ng lakas ng kanyang kandidatura ang pagsuporta sa kanya maging ng mga pulitikong kabilang sa Lakas-CMD.
Si Alegria naman ay lider ng mga kabataang magsasaka at coordinator ng Anakpawis sa Sta. Cruz, Mindoro. Katulad ng Bayan Muna, na kapatid na partido nito, ang Anakpawis ay pinag-iinitan din ng militar. Mahigpit na tinitiktikan at hinaharas ang mga organisador at myembro nito.
Noong Pebrero 2, arbitraryong inaresto, ininteroga at idinitine ng mga elemento ng 61st IB ang tatlong organisador ng Bayan Muna at AnakBayan sa Barangay Molobolo, Cauayan sa Negros. Sina Isabel Necessario na kasapi ng AnakBayan, Julia Tabat na kasapi ng Bayan Muna at si Medardo Sayosa, isa ring kasapi ng Bayan Muna, ay tinamnan ng mga bala at dokumento, at karakarakang pinaratangang mga myembro ng BHB.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|