Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Deregulasyon sa industriya ng langis
Sabwatan ng mga imperyalista, mga kartel ng langis at ng reaksyunaryong gubyerno

 Read this article in English

Simula nitong Abril 1999, buwan-buwang itinaas ng Petron, Caltex at Shell ang presyo ng mga produktong petrolyo. Pagsapit ng Setyembere 30, itinaas muli nang mula 40 hanggang 85 sentimo ang presyo ng bawat litro nito. Kinabukasan, 42 sentimo pa ang idinagdag ng Caltex at Shell. Bunga ng huli, tumaas nang 20% ang minimum na pamasahe sa mga dyip at bus at mabilis na sumirit ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa harap ng ganitong sunud-sunod na pabigat sa mamamayan, walang tugon ang rehimeng Estrada maliban sa patuloy na pagtatanggol nito sa patakaran ng deregulasyon at pabalat-bungang �pakiusap� sa mga kumpanya ng langis na ibaba ang presyo ng gasolina.

Hulyo 1994 nang iutos ng International Monetary Fund (IMF) sa rehimeng Ramos ang deregulasyon ng industriya ng langis bilang kundisyon sa $650 milyong pautang. Binigyan ang gubyerno hanggang 1997 para ipatupad ito.

Ipinatupad ang lubos na deregulasyon noong Pebrero 1997.

Paliwanag ng gubyerno: deregulasyon umano ang makatitibag sa paghahari ng tatlong pangunahing kumpanya ng langis sa bansa, ang tinaguriang �Big Three�: Petron Corp., Caltex Philippines Inc. at Pilipinas Shell Petroleum Corp. Anang rehimeng Ramos, sa pamamagitan ng deregulasyon at mga insentibo tulad ng tax holiday o di pagbabayad ng buwis sa unang mga taon ng operasyon nito, maeengganyong pumasok ang iba pang kumpanya ng langis at magkakaroon ng malayang kumpetisyon. Kalaunan ay mapapawi ang dominasyon ng �Big Three�. Bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo bunga ng kumpetisyon.

Batid na ng mamamayan ang kabalintunaan ng lahat ng ito. Sa taong iyon, umabot sa P38 bilyon ang pinagsamang tubo ng �Big Three�. Sa halip na matibag ang kanilang paghahari dahil sa deregulasyon, ibayong lumakas ang monopolyong kontrol ng Petron, Caltex at Shell sa industriya ng langis sa Pilipinas.

Dumagundong ang protesta. Tumutol ang mamamayan. Humantong ito sa �Lakbayan ng Mamamayan Laban sa Kahirapan at Imperyalistang Pandarambong�, isang malaking martsa-rali noong Oktubre 1997 na dinaluhan ng mahigit 20,000 mamamayan mula sa Kamaynilaan, Gitnang Luzon at Timog Katagalugan. Binatikos sa rali ang liberalisasyon, deregulasyon at iba pang patakarang nagpapahirap sa sambayanan.

Nirepaso ang unang batas sa deregulasyon at niratsada noong taon ding iyon ang pagbubuo ng RA 8479 ang bagong Downstream Oil Industry Deregulation Act. Tuloy ang ligaya para sa mga dambuhalang kumpanya ng langis. Ayon sa Securities and Exchange Commission, sumirit nang 1,090% ang tubo ng �Big Three� noong 1998!

Sa kabila ng deregulasyon, 96% pa rin ng kabuuang benta ng mga produktong langis sa bansa ay napupunta sa Petron, Caltex at Shell. Umaabot sa 3,000 gasolinahan sa buong bansa ang hawak ng tatlong dambuhalang kumpanyang ito kumpara sa 30 pag-aari ng tinaguriang �new players� o mga baguhang kumpanya sa langis.

Sa halip din na matalian ang kamay ng tatlo dulot ng Sobrang suplay ng langis Patuloy na itinataas ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng mga produktong petrolyo sa kabila ng malaon nang pag-iral ng oil glut o sobrang suplay ng langis. Bunga ng oil glut, malaon na ring tunguhin ang pagbagsak ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.

Ganito na ang tunguhin mula noong ikalawang hati ng dekada �70 bunga pangunahin ng mga hakbang sa pulitika, ekonomya, militar at diplomasya ng mga imperyalistang bansa at mga kumpanya ng langis laban sa kontrol ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) sa suplay ng krudo. Dagdag pang salik sa tunguhing ito ang pagkatuklas at pagpapaunlad sa mga alternatibong pagkukunan ng enerhiya, mga motor na matipid sa panggatong at ang pagmaksimisa sa mga lumang oil well sa mga bansa sa Kanluran. Bukod rito, nakatuklas ng langis sa North Sea at inengganyo ang Rusya na magtambak ng papalaking suplay ng krudo sa pandaigdigang pamilihan. Mayor na salik pa rin sa pagpapatuloy ng oil glut ang malaking bawas sa binibiling krudo bunga ng krisis na rumaragasa sa Asya at sa kalakhan ng mundo liban sa US at ilang bansa ng Kanlurang Europa.

Sa balangkas ng pangmatagalang tunguhing pagbagsak, may panandaliang mga pagbabagu-bago ng presyo ng krudo bunga ng pagbabago sa seasonal demand, pagsiklab o pagtigil ng mga kaguluhan (tulad ng gera) sa Gitnang Silangan (at maging sa rehiyon ng Balkan, dating Unyong Sobyet at Afghanistan) na pinagmumulan ng bulto ng langis, at ng mga panandaliang pagkakaisa sa tuwituwina ng mga myembro ng OPEC.

Naganap ang huli noong Abril nang kaltasan ng OPEC nang mahigit dalawang milyong bariles ang produksyon nito upang itulak paitaas ang presyo ng krudo. Subalit pansamantala lamang nakapamamayani ang OPEC at hindi nasusustine ang malaking lukso deregulasyon, lalo pang nakapagpatatag ng negosyo at pusisyon sa industriya ang mga ito (tingnan ang talaan).

Sobrang suplay ng langis

Patuloy na itinataas ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng mga produktong petrolyo sa kabila ng malaon nang pag-iral ng oil glut o sobrang suplay ng langis. Bunga ng oil glut, malaon na ring tunguhin ang pagbagsak ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.

Ganito na ang tunguhin mula noong ikalawang hati ng dekada �70 bunga pangunahin ng mga hakbang sa pulitika, ekonomya, militar at diplomasya ng mga imperyalistang bansa at mga kumpanya ng langis laban sa kontrol ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) sa suplay ng krudo. Dagdag pang salik sa tunguhing ito ang pagkatuklas at pagpapaunlad sa mga alternatibong pagkukunan ng enerhiya, mga motor na matipid sa panggatong at ang pagmaksimisa sa mga lumang oil well sa mga bansa sa Kanluran. Bukod rito, nakatuklas ng langis sa North Sea at inengganyo ang Rusya na magtambak ng papalaking suplay ng krudo sa pandaigdigang pamilihan. Mayor na salik pa rin sa pagpapatuloy ng oil glut ang malaking bawas sa binibiling krudo bunga ng krisis na rumaragasa sa Asya at sa kalakhan ng mundo liban sa US at ilang bansa ng Kanlurang Europa.

Sa balangkas ng pangmatagalang tunguhing pagbagsak, may panandaliang mga pagbabagu-bago ng presyo ng krudo bunga ng pagbabago sa seasonal demand, pagsiklab o pagtigil ng mga kaguluhan (tulad ng gera) sa Gitnang Silangan (at maging sa rehiyon ng Balkan, dating Unyong Sobyet at Afghanistan) na pinagmumulan ng bulto ng langis, at ng mga panandaliang pagkakaisa sa tuwituwina ng mga myembro ng OPEC.

Naganap ang huli noong Abril nang kaltasan ng OPEC nang mahigit dalawang milyong bariles ang produksyon nito upang itulak paitaas ang presyo ng krudo. Subalit pansamantala lamang nakapamamayani ang OPEC at hindi nasusustine ang malaking lukso sa presyo ng krudo. Katunayan, pagsapit nitong unang hati ng Oktubre, nagsimula nang muli ang pagbaba ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan dahil sa di pagsunod ng ilang myembro ng OPEC sa desisyong magbawas ng produksyon at dahil may ibang mga bansa, katulad ng Rusya, na di myembro ng OPEC ngunit may kapasidad sa malakihang produksyon ng krudo. Manapa�y ang produksyon ng krudo kahit sa mga bansang OPEC, ay nasa kamay ng mga monopolyong korporasyon sa langis. Sa kabila ng pagbagsak ng presyo ng krudo, tuluy-tuloy na itinataas ng mga monopolyong korporasyon ang presyo ng mga produktong petrolyo sa pakikipagsabwatan sa IMF at sa mga reaksyunaryong gubyerno.

Kartel ng langis

Sa kabila ng pagbagsak ng presyo ng krudo, tuluy-tuloy na itinataas ng mga monopolyong korporasyon ang presyo ng mga produktong petrolyo sa pakikipagsabwatan sa IMF at sa mga reaksyunaryong gubyerno.

Kontrolado ng mga dambuhalang korporasyon ng langis at iba pang monopolyong kapitalista ang mga multilateral na ahensya tulad ng IMF, World Bank at World Trade Organization kayat hindi nakapagtataka kung ang mga itinutulak na patakaran at programa ng mga ito, tulad ng deregulasyon at liberalisasyon, ay umaayon at nagsisilbi sa monopolyong kapital.

Ang lokal na reaksyunaryong gubyerno ang instrumento ng monopolyo kapital sa pagtiyak na naipatutupad sa bansa ang mga patakarang maka-imperyalista. Katunayan, ang mga pinanukalang batas sa deregulasyon ay inaprubahan muna, kundi man binalangkas mismo, ng mga kumpanya ng langis. Ang itinalagang kalihim ng Department of Energy ng rehimeng Estrada na si Mario Tiaoqui, dating upisyal ng Petron, ang tumatayong tagapagsalita ng �Big Three. At ang Department of Energy mismo ay binuo upang pangasiwaan ang proseso ng deregulasyon.

Sa Pilipinas, ang �Big Three� na nagsasabwatan sa pagpapataas ng presyo ng mga produktong petrolyo ang bumubuo sa lokal na kartel ng langis.

Bahagi rin ng kartel na ito ang reaksyunaryong gubyerno na tumatabo ng malaking halaga mula sa mga buwis na ipinapataw nito sa mga produktong petrolyo. Apatnapu�t pitong porsyento (47%) ng bawat pisong ibinabayad ng mamimili para sa regular na gasolina, 20% sa diesel at 9% sa kerosene ay napupunta sa gubyerno bilang specific tax, na pawang ipinapasa ng mga kumpanya ng langis sa mga mamimili.

Dagdag dito, garapal ang �Big Three� sa pandaraya sa buwis upang huwag mabawasan ang kanilang kita. Ibinunyag kamakailan ang kanilang maanomalyang paggamit ng daan-daan-milyong pisong halaga ng mga tax credit certificate na nakalaan sa ibang kumpanya upang makatakas sa pagbayad ng mga taripa sa importasyon.

Sa laki ng tubong kinakamal nila taun-taon, ang �Big Three� ay pawang nasa listahan hindi lamang ng nangungunang 1,000 korporasyon sa Pilipinas kundi pati na rin sa Asya.

Tiyak na mas malaki pa nga sa idinedeklara ng mga ito ang aktwal nilang superganansya dahil sa ginagawa nilang �transfer pricing�. Sa �transfer pricing�, pinalalaki ng mga kumpanya ng langis ang iniuulat na gastos sa pag-aangkat ng krudo at iba pa mula sa sarili nilang mother company sa ibayong dagat upang lumiit ang idinedeklarang linis na kita. Ito�y upang makaiwas sa pagbayad ng karampatang buwis at mailusot ang sunud-sunod na pagpapataas sa presyo ng langis.

Ang kriminal na sabwatan at pagiging ganid sa tubo ng �Big Three� ay karugtong ng mga ikinikilos ng kanilang mga mother company na kabilang sa makapangyarihang pandaigdigang kartel ng langis.

Sa Pilipinas, sa utos ng kanilang mga mother company ay binawasan ng lokal na kartel nang 25% ang kanilang nirerepinang krudo. Kinaltasan ng Pilipinas Shell ang produksyon nito nang di bababa sa 20,000 bariles bawat araw; ng Petron Corp. nang 25,000 bariles; at ng Caltex Philippines nang 10,000 bariles upang makapaglikha ng artipisyal na kasalatan at tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang Pilipinas Shell ay subsidyaryo ng Royal Dutch Shell, ang pinakamalaking kumpanya ng langis sa buong mundo bago ito inungusan ng nagsanib na Exxon-Mobil noong 1998. Ang Caltex ay pagmamay-ari ng Texaco, ika-24 at Chevron, ika-38 sa listahan ng Fortune Magazine ng 500 pinakamalalaking korporasyon sa buong mundo ngayong taon.

Samantala, ang Petron ay 60% pag-aari ng Aramco, ang pinakamalaking prodyuser ng krudo sa buong mundo. Ang Aramco naman ay 60% pag-aari ng Texaco at Standard Oil of California (Socal) na unang nagmina ng langis sa Gitnang Silangan. Sekundaryong mamumuhunan din ang Exxon at Mobil sa Aramco. Noong 1975 lamang nagkaroon ng 40% sapi ang gubyerno ng Saudi Arabia sa kumpanya.

Tatlumpung porsyento (30%) ng Petron ay pag-aari pa rin ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas kayat paboritong palabigasan pa rin ito ng mga burukratang kapitalista.

Ibayong monopolisasyon

Ang pabagsak na tunguhin sa presyo ng krudo ay nagbubunga ng ibayong pag-igting ng labanan sa pandaigdigang pamilihan. Nagkukumahog ngayon ang mga dambuhalang kumpanya ng langis na maghanap ng paraan upang magbawas ng gastos laluna sa sahod. Ang paraan: pagsasanib ng pinakamalalaking korporasyon ng langis upang mabawasan ang bilang ng kanilang mga manggagawa.

Kung noong dekada �70, may pitong kumpanya ng langis (ang tinaguriang �Seven Sisters�) na bumubuo sa pandaigdigang kartel, ngayon ay tatatlo na lamang ang mga ito: Exxon-Mobil, Royal Dutch Shell at British Petroleum-Amoco.

Noong 1998, nagsanib ang Exxon at Mobil upang buuin ang pinakadambuhalang korporasyon ng langis sa buong mundo. Noong taon ding iyon, binili ng British Petroleum (na ika-18 ang ranggo sa pandaigdigang listahan ng mga kumpanya ng langis) ang Amoco (ika- 54 sa listahan) upang buuin ang BP-Amoco. Kasunod nito, binili ng BP-Amoco ang Atlantic Richfield Co. sa US noong Mayo.

Naging katumbas ng pagsasanib ng British Petroleum at Amoco ang pagtipid ng aabot sa $2 bilyon pagsapit ng 2001. Kalahati ng matitipid ay bunga ng pagkawala ng 6,000 trabaho. Tinataya ring makatitipid ang pinagsanib na kumpanya ng $250 milyon dahil sa natamo na nitong kakayahang ipitin ang mga taga-suplay ng langis na magbenta ng krudo sa kanila sa mas murang halaga. Napipinto rin ang pagsasanib ng Chevron at Texaco. Kapag natuloy ito, ikaapat na pagsasanib na ito ng mga dambuhalang kumpanya ng langis sa loob ng nakaraang 11 buwan.

Sa kabilang banda, habang tinatayang magpapatuloy ang tunguhing pagbagsak sa presyo ng krudo, may inaantabayanang pagpihit dito dahil sa inaasahang pagkasaid ng mga deposito ng langis sa Gitnang Silangan. Dahil dito, nag-uunahan ang mga dambuhalang kumpanya ng langis na maglunsad ng mga proyektong eksplorasyon upang makontrol ang mga deposito ng langis sa Gitnang Asya at iba pang lugar. Ang laki ng kapital na kailangan para kunin ang langis sa lupa at dalhin sa mga bansa sa Kanluran ang isa pang salik na nagtutulak sa pagkukumahog ng mga kumpanya ng langis na magsanib at tipunin ang kanilang mga rekurso.

Sa ngayon, Exxon-Mobil ang may hawak ng kontrata sa eksplorasyon sa Azerbaijan (sa Gitnang Asya) at Chad (sa Aprika).

Ang gayong unahan sa pagkontrol ng mga deposito ng langis sa Gitnang Asya ang nasa likod ng hidwaang etniko sa rehiyon at mga lokal na digmaan sa Aprika at Peninsulang Balkan na inuudyok at sinusulsulan ng mga monopolyong kapitalista.

Walang pakundangan ang pamamayagpag ng garapal na pagmomonopolyo at mga abusong kaakibat nito.

Ang deregulasyon sa ganitong kalagayan ay walang ibang kahulugan kundi pagbibigaylaya sa monopolyo at sabwatan ng mga higante, at pag-engganyo sa lahat ng klase ng pag-abuso na ang pinakamasahol at pinakagarapal ay nagaganap sa mga

atrasadong bansa gaya ng Pilipinas. At ang kabuuang resulta�sa mga industriyalisado o atrasadong bayan man�ay lalong pagtindi ng monopolyo. Ang garapalang pagabuso sa monopolyong kapangyarihan, ang walang pakundangang pagpapasasa sa gitna ng laganap na paghihikahos ng nakararami, at ang walang kahihiyang pagsusunud- sunuran at pagtatakip ng mga papet na nasa gubyerno�ang mga pangunahing dahilan kung bakit napakatindi ng reaksyon at galit ng masa sa paulit-ulit na pagtaas ng presyo ng langis.

Nasa yugto na ng monopolyo ang pandaigdigang sistemang kapitalista at hindi na kailanman babalik ang panahon ng �malayang kumpetisyon� gaya ng ipinapangako ng mga nagtutulak ng deregulasyon at liberalisasyon.

Walang ibang solusyon kundi ang pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan upang lagutin ang tanikala ng pagsasamantala at pang-aalipin ng mga dayuhang monopolyo at lokal na naghaharing uri.

Pagsapit ng tagumpay, isasabansa ang mga batayan at estratehikong industriya, kabilang na ang industriya ng langis. Sa partikular, hahawakan ng demokratikong gubyernong koalisyon ang pamumuhunan, pagpoproseso, distribusyon at pamilihan ng langis. Sa gayon, magiging sentralisado ang pagbili ng inaangkat na langis upang matiyak ang palagiang suplay nito, mapigilan ang �transfer pricing� at makakuha ng suplay ng langis sa katanggap-tanggap na kundisyon at presyo. Puspusang magsisikap ang gubyerno ng mamamayan sa pagtuklas at paglikha ng mga alternatibong mapagkukunan ng enerhiya. Pangangasiwaan din ng estado ang pagtuklas at paggalugad sa mga lugar sa bansa na mapagkukunan ng langis sa halip na ipamahala ito sa mga dayuhang korporasyon.

Ang lahat ng ito ay matutupad lamang sa ilalim ng isang rebolusyonaryong gubyernong bayan na nagtataguyod sa kagalingan at kapakanan ng mamamayan at sa pag-unlad ng lipunan.

 


Previous articleBack to topNext article

00 Setyembre 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Lumalawak at lumalakas ang militanteng pakikibaka ng mga manggagawa

Ang Bayan, sa internet
Mga rali at welga sa Nobyembre 16:
Patuloy na pag-igting ng pakikibaka para sa P125 dagdag sa sahod

Deregulasyon sa industriya ng langis
Sabwatan ng mga imperyalista, mga kartel ng langis at ng reaksyunaryong gubyerno
Liham mula sa Rehiyong Ilokos-Kordilyera
Ang usapin ng sesesyon at karapatan sa pagpapasya-sa-sarili ng mamamayang Moro
Ika-50 taong anibersaryo ng tagumpay ng demokratikong rebolusyon sa Tsina
Sa ika-50 taong anibersaryo ng tagumpay ng demokratikong rebolusyon sa Tsina
Ang busabos na kalagayan ng mga manggagawa sa Tsina

Sa ika-50 taong anibersaryo ng tagumpay ng demokratikong rebolusyon sa Tsina
Ang sosyalistang transpormasyon ng kanayunan at pagbabaligtad nito

Binabati ng mamamayang Pilipino ang mamamayan ng East Timor at tinutuligsa ang mga atake laban sa kanila ng mga pasistang Indones
Hudyat sa ibayong pagsulong ng antipyudal na pakikibaka sa Timog Katagalugan
Panimulang tagumpay sa pagpawi ng resikada

Patuloy na paglulunsad ng mga taktikal na opensiba ng BHB-Bikol
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.