Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Gawaing rekoberi sa mga Aggay sa Gattaran, Cagayan

 Read this article in English

Matapos ang mahigit isang dekada, matagumpay na nabalikan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang Gattaran, Cagayan. Ang bayan na ito sa silangang Cagayan ay may mahabang kasaysayan ng kontra-rebolusyonaryong karahasan at panlilinlang ng reaksyunaryong estado. Kaya ang proseso ng panunumbalik dito ng BHB ay hindi naging madali at mabilis.

Noong 1993, halos lahat ng mga organisasyong masa sa Gattaran ay nangabuwag. Dumanas ng malalaking kahirapan dito ang mga Pulang mandirigma. Dulot ito, sa isang panig, ng aktibong armadong kontra-rebolusyonaryong paglaban, at sa kabilang panig, ng mga kahinaan sa mga paraan ng pagkilos ng BHB.

Ang armadong kontra-rebolusyonaryong paglaban ay pinasimunuan ni Col. Rodolfo Aguinaldo, isang pusakal na upisyal militar ng diktadurang Marcos na nagsilbing project officer ng kontra-rebolusyonaryong "Oplan Katatagan sa Cagayan" noong unang hati ng dekada 1980 at provincial commander ng Cagayan sa ilalim ng Philippine Constabulary noong ikalawang hati ng dekadang iyon.

Upang labanan ang BHB, binuo ni Aguinaldo ang "Cagayan 100" pangunahin mula sa hanay ng mga Aggay sa Gattaran, na nilinlang ng mga pangakong bahay, pera at iba pang materyal na bagay. Ginamit ng "Cagayan 100" ang kaalaman nila sa lokal na tereyn upang magdulot ng mga pinsalang militar laban sa BHB. Sapilitan ding pinag-armas ni Aguinaldo ang iba pang mamamayan sa lugar.

Kasabay nito, ipinatutupad noon ng BHB ang maling pamamaraang "recovery by fire" noong katapusan ng dekada 1980 hanggang bago mag-1991. Ang "recovery by fire" ay isang lantay-militar na paraan ng pagbawi ng mga militarisadong erya. Lalong naging negatibo ang epekto nito sa pakikitungo ng masa sa BHB.

Hindi kaagad nakita ng mga kasama na ang susi sa muling pagkilos, laluna sa hanay ng mga Aggay sa Gattaran ay ang mahigpit na paghawak sa interes ng malawak na masa ng mamamayan.

Subalit mula noong 2002, naging daan ang malalaking kilusang masa sa Cagayan Valley para mabalikan ng BHB ang Gattaran. Sa partikular, narating ng isang platun ng BHB ang isang baryo na saklaw ng Gattaran noong huling bahagi ng taong iyon.

"Mahirap sa simula," ayon kay Ka Dio, isang namumunong kadre ng BHB na kumikilos sa silangang Cagayan. "Nagsimula muna kami sa gilid ng baryo. Mangilan-ngilan lamang ang aming nakausap." Ang mga naugnayan nila ang sila ring nagpaabot sa kanilang mga kamag-anak tungkol sa presensya ng BHB at nagsabi na hindi totoo ang saywar ng kaaway kaugnay sa mga Pulang mandirigma, salaysay ni Ka Dio.

Subalit sa matagal na panahon, ang panatag lamang na lumapit sa BHB ay ang mamamayang hindi Aggay. Dahil dito, sa kanilang hanay lang muna naitayo ang unang mga grupong pang-organisa (GP).

Lubhang natakot ang mga Aggay dahil ipinagkalat ng kaaway na sila ay tatalupan na parang mga palaka kapag nadatnan sila ng BHB. "Noong una, nagsisitakbuhan ang mga Aggay na nakakikita sa amin," ani Ka Dio. "Nanaig sa isipan nila ang matinding takot bunga ng mga intriga."

Tuwing may pagkakataon, nagpapaabot sina Ka Dio ng mga liham na nagpapasinungaling sa mga intriga ng kaaway, laluna tungkol sa sinasabing parurusahan ang mga Aggay. Ang naging problema ay mas marami sa mga Aggay ang hindi marunong magbasa.

"Kaya ginamit namin ang estilong drowing," masayang kwento ni Ka Leona, isang kadre ng BHB. "Inilarawan namin na ang BHB at ang Aggay ay magkaibigan. Nagdrowing kami ng mga Pulang mandirigma at mga Aggay na magkakasama." Sa pamamagitan nito ay nahikayat nilang lumapit ang mga Aggay na dati ay ayaw humarap sa BHB dahil sa matinding takot.

Kasunod ng mga pampulitikang pag-aaral, inilunsad ang antas baryo na mga pagkilos... iginiit ang pagpapataas ng presyo ng pulot at pugad ng ibon.

Naglunsad sina Ka Dio ng pulong masa sa unang araw na nakapasok sila sa sentro ng baryo. Pangunahing nilaman ng pulong nila ang rebolusyong agraryo at ang paglalagom sa malupit na paghahari ni Colonel Aguinaldo hanggang sa paggagawad ng parusa sa kanya noong Hunyo 2001. Iniugnay ito sa kasalukuyang kalagayang pambansa at partikular sa lokal na mga isyu ng matataas na presyo, mababang sahod at mataas na interes sa pautang samantalang mababa naman ang presyo ng pugad ng ibon, pulot, yantok at iba pang produktong gubat.

Nagtanghal din sila ng pangkulturang palabas. "Ipinamalas namin sa pamamagitan ng isang drama tungkol sa buhay ni Ka Mai, isang Aggay, ang kalupitan at panlilinlang ni Colonel Aguinaldo." Kalakip ding ipinalabas ang dokumentaryo hinggil sa batas militar. Masayang tinanggap ng masa ang palabas ng BHB.

Parang apoy na kumalat ang presensya ng mga Pulang mandirigma sa baryo. Isa-isang nagsilapit sa mga gerilya ang mga Aggay sa ikalawang araw nila sa sentro ng baryo. Humingi sila ng dispensa sa mga kasama.

Nagpaliwanag naman ang Pulang hukbo sa masa. "Pagkakaisa, hindi paghihiganti. Iyan ang sadya namin sa pagparito," paliwanag ni Ka Dio sa mga Aggay.

"Wala kaming balak na parusahan ang mga Aggay na alam naming nalinlang lang ng kaaway. Nakamit na ang hustisya nang parusahan si Aguinaldo," aniya.

"Noon ding pulong na iyon ay medyo nag-aalangan kami," pagtatapat ni Ka Dio. "Yun pala, ipinagsaing nila kami at ipinaghanda ng manok, isda at iba pang pagkain."

Nag-alay ng serbisyo medikal ang BHB sa ikatlong araw nila. Malaki ang naitulong ng isang kasamang Aggay na siyang medik ng yunit ng BHB para lalong mapanatag ang loob ng mga minorya. Dahil dito, lalong tumaas ang pagtitiwala ng mga Aggay sa Bagong Hukbong Bayan.

Nilagom at ipinaliwanag ng BHB sa masang Aggay ang papel ng pambansang minorya sa pambansa-demokratikong rebolusyong Pilipino. Pinalalim ng pag-aaral kung ano ang mga ginawang pang-aapi at kalupitan sa kanila ni Colonel Aguinaldo. "Ipinakita namin sa kanila kung paano sila nagamit at nalinlang," sabi ni Ka Dio.

Ipinaliwanag din ng BHB na tatlong beses na napalilikas ang mga Aggay mula sa kanilang lupain�dahil sa mga anti-mamamayan at antiminoryang mga proyekto ng estado, dahil sa pangangamkam ng mga panginoong maylupa at malalaking negosyante at dahil sa diskriminasyong dinaranas nila sa kamay ng mayorya. Kabaligtaran nito, ipinaliwanag ng BHB na kinikilala ng rebolusyonaryong kilusan ang karapatan ng mga Aggay sa kanilang lupa.

Ipinaliwanag din nila na bunga rin ng diskriminasyon, mas mababa nang P5 hanggang P10 ang ibinibigay na kabayaran sa Aggay kaysa sa iba. "Kabaligtaran din nito," ani Ka Dio, "ipinalalaganap natin ang pantay na pasahod at pagpapataas ng presyo ng produkto nila." Malaki ang naitulong ng mga organisadong masang hindi Aggay sa pagpapaliwanag sa iba pang mga tagabaryo para maibsan ang diskriminasyon sa mga minorya.

Kasunod ng mga pampulitikang pag-aaral, inilunsad ang antas baryo na mga pagkilos. Sa pamamagitan ng mga GP, iginiit ang pagpapataas ng presyo ng pulot at pugad ng ibon.

Di naglaon, ang dating mga kasapi ng CAFGU na mga Aggay ay boluntaryong nag-entrega sa BHB ng hawak nilang mga ammunition belt, magasin, mga rifle grenade at iba pang kagamitang inisyu ng AFP. Pagkalipas ng ilang buwan, sumapi sa BHB ang anak ng isang Aggay na dating kasapi ng CAFGU sa lugar.

"Sa wakas," masayang wika ni Ka Dio, "tinanggap na rin nila tayo."

(Halaw sa koresponsal ng Northeastern Luzon.)

 


Previous articleBack to topNext article

07 Nobyembre 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Buuin ang malawak na pagkakaisa ng mamamayan para pabagsakin ang rehimeng US-Arroyo

Gawaing rekoberi sa mga Aggay sa Gattaran, Cagayan
BHB at AFP: Magkasalungat sa diwa't gawa
Pagbubuo ng hukbong kontra-mamamayan
Sadyang magkaiba ang AFP at BHB�Gen. Jarque
Mga tagumpay ng sosyalistang rebolusyon at konstruksyon sa China ng 1949-1976:
Sagot sa krisis pang-ekonomya: Rebolusyon at sosyalistang konstruksyon

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.