Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Tagumpay ng mamamayan ang pagpapalaya kay Angelo dela Cruz

 Read this article in English

Nitong Hunyo 20, pinalaya na ng mga bumihag sa kanya ang Pilipinong drayber na si Angelo dela Cruz, isang araw matapos iatras ang mga mersenaryong tropa ng Pilipinas sa Iraq.

Dinukot sa Baghdad, Iraq si dela Cruz noong Hulyo 7 ng mga myembro ng Khaled bin al-Waleed Corps, isang bahagi ng Islamic Army na lumalaban sa okupasyon ng US sa Iraq. Ayon sa mga bumihag, pupugutan nila si dela Cruz kung hindi aalis pagsapit ng Hulyo 20 ang 51-kataong tropang Pilipino na sumusuporta sa gerang pananalakay at okupasyon ng US sa Iraq. Ang petsang itinakda ng mga gerilyang Iraqi ay mas maaga nang isang buwan kaysa dati nang itinakda ng rehimeng Arroyo.

Sa umpisa, idineklara ni Arroyo na hindi niya iaatras nang mas maaga ang mga tropa. Mas ginusto niyang isakripisyo ang buhay ni dela Cruz sa pagsuporta ng "gerang anti-terorista" ng US at pagmamantine ng mahusay at masunuring pakikipagrelasyon sa kanyang imperyalistang amo.

Ginagamit ngayon ng rehimeng Arroyo ang paglaya ni dela Cruz upang magpabango at isalba ang sumayad na popularidad nito. Walang kahihiyang binabalak ng rehimen na iparada si dela Cruz sa State of the Nation Address upang palabasin at ipangalandakang si Arroyo ang sumagip sa buhay ni dela Cruz.

Gusto na namang lokohin ni Arroyo ang bayan. Una sa lahat, ang naglagay sa panganib ng buhay ni dela Cruz at milyong iba pang Pilipinong manggagawa sa Middle East ay ang lubos na pagsuporta ng kanyang rehimen sa paglusob at pag-okupa ng imperyalismong US sa Iraq. Ngayon naman, gustong angkinin ni Arroyo ang karangalan sa pagsagip sa buhay ni dela Cruz.

Pinanindigan at inulit-ulit lamang ng rehimeng Arroyo ang napabulaanan nang mga kasinungalingang ginamit na katwiran ng rehimeng Bush sa pananalakay ng US sa Iraq. Napatunayan nang malaking kasinungalingan ang mga idinahilan nina Bush na pagtatago umano ng weapons of mass destruction at kaugnayan din umano sa Al Qaeda ng pilit pinatalsik ng US na rehimen ni Saddam Hussein. Napatunayang walang makatarungan o anumang ligal na batayan ang gera at okupasyon ng US sa Iraq at sa gayon ang masugid na pagsuporta rito ng rehimeng Arroyo. Wala ngang ibang marapat lamang kundi ang pagpapauwi ng mga mersenaryong tropang Pilipino roon.

Sinalubong ang pagmamatigas ni Arroyo ng malawakang mga protesta sa buong bansa. Sa loob ng dalawang linggo mula nang mabihag si dela Cruz, pinatampok ng mga aksyong protesta sa buong bayan ang mariing pagtutol ng mamamayang Pilipino sa todong suporta ng rehimeng Arroyo sa di makatarungang agresyon at okupasyon ng imperyalismong US sa Iraq.

Sinikap ng rehimen na pigilin ang mga demonstrasyon sa lansangan na naggigiit sa pagpapauwi ng mga mersenaryong pwersang Pilipino sa Iraq. Brutal at walang pakundangan ang pagbubuwag ng mga pulis sa mga protesta. Sinikap din ng rehimen na

busalan ang masmidya at iba pang pagpapaha-yag ng pagtutol sa rehimen.

Sinubukan din ng rehimen ang iba pang mga paraan, pati na ang pakikipagnegosasyon at pagsuhol ng $6 milyon sa mga gerilyang Iraqi para mapalaya si dela Cruz nang hindi na sana kailangang pauuwin pa ang mga sundalong Pilipino sa Iraq. Ngunit tinanggihan ito ng mga gerilya.

Dumagundong sa buong bayan ang mga panawagan para sa agarang pagpapalaya kay dela Cruz at lumawak ang mga protesta ng mamamayan sa todo-todong suporta sa imperyalistang okupasyon ng US at pagpapadala ng mga sundalong Pilipino sa Iraq.

Sa harap nito, walang nagawa ang rehimeng Arroyo kundi iatras ang mga mersenaryong tropa, hindi pa upang iligtas si dela Cruz kundi upang isalba ang sarili.

Noong Hulyo 12, nagpahayag si Arroyo na pauuwiin na nang mas maaga ang mga tropang Pilipino sa Iraq. Pagsapit ng Hulyo 19, nakauwi na sa Pilipinas ang lahat ng mga tropang Pilipino mula sa Iraq.

Hindi si Arroyo ang tunay na nagpalaya kay dela Cruz kundi ang mariin, militante at malawak na pakikibaka ng mamamayang Pilipino para iuwi mula sa Iraq ang mga tropang Pilipino at isalba hindi lamang si dela Cruz kundi pati ang iba pang naisapanganib na manggagawang Pilipino sa Iraq at sa Middle East.

Ang paglaya ni dela Cruz ay tagumpay ng walang iba kundi ang mamamayan laban sa hungkag na "gera kontra-terorismo" ng US sa Iraq na lubos na sinusuportahan ng papet na rehimeng Arroyo. Ang tagumpay na ito ay ipagdiriwang hindi lamang ng mamamayang Pilipino kundi pati ng mamamayang Iraqi at ng lahat ng mamamayang tumututol sa paglapastangan ng US sa soberanya at kasarinlan ng ibang mga bansa sa daigdig.

Nadismaya ang US sa pag-atras ng mga tropang Pilipino sa Iraq laluna't dagdag na naman ang Pilipinas sa dumaraming dating sumusuporta sa gera ng US na nag-atras na ng mga tropa roon. Nauna nang umatras ang Spain, Dominican Republic, Nicaragua, Honduras, Norway, Moldova at Singapore. Ang Thailand at New Zealand ay nakatakdang mag-atras din sa Setyembre ng mga tropa. Nagpahayag na rin ang The Netherlands at Poland ng planong pag-atras.

Ayon sa mga tagapagsalita ng gubyerno ng US, ang pag-atras ng mga tropa ay pagluhod sa mga terorista at pagpapahiwatig na maaari nila itong ulit-ulitin pa sa hinaharap. Gustong takpan ng ganitong pahayag ang katotohanan na ang kasakiman at agresyon ng numero unong terorista sa daigdig�ang imperyalismong US �ang puno't dulo ng lahat ng kaguluhan ngayon sa Iraq, sa buong Middle East at sa iba pang bahagi ng mundo.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Hulyo 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Lumalala ang pagkakahiwalay ng rehimeng Arroyo sa mamamayan

Tagumpay ng mamamayan ang pagpapalaya kay Angelo dela Cruz
Pagbuwag sa rali, binatikos
Mga kaso laban kay Palparan, ipupursige
Lumalalang paglabag sa karapatang-tao sa Eastern Visayas
Mga ulat koresponsal:
Matagumpay na depensa ng BHB sa Northern Samar: Apat, di nagapi ng apatnapu

Mga ulat koresponsal:
Laban sa matinding militarisasyon sa Quezon

Mga ulat koresponsal:
Muling sumisibol ang rebolusyonaryong gawaing pangkultura sa Panay

Maikling bidyo
Sa Ibayong Dagat:
Lumalakas ang pagtutol sa patakarang panlabas ng US: Sunud-sunod na dagok

Iligal ang security barrier ng Israel
Balita:
Abusadong mga tropa, pinalalayas sa Negros

Balita:
Pagbabayad-pinsala sa mga biktima ng batas militar, binalewala ng rehimeng Arroyo

Balita:
US, binatikos sa kumperensya ukol sa AIDS

Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.