|
Paninira ng AFP, pinabulaanan ng BHB sa Abra
Inilantad ng Agustin Begnalen Command (ABC) ng BHB sa Abra ang paglalabas ng AFP ng huwad na pahayag na pirmado ng isang "Ka Sugpon" diumano ng Leonardo Pacsi Command (LPC) at nagsasabing limang alkalde sa Abra ang target likidahin ng BHB. Ayon sa huwad na pahayag, ang mga alkalde sa mga bayan ng San Isidro, La Paz, Lagayan, San Juan at Bucloc ay target likidahin ng BHB. Kinundena ng ABC ang 503rd Bde na siyang nagpapakana ng black propaganda na ito na may layuning takutin ang ilang meyor na sumusuporta sa BHB at udyukang lumaban ang iba.
Ayon sa ABC, sa naturang mga alkalde, tanging si Mailed Molina, meyor ng Bucloc at pinuno ng isang paksyon ng paramilitar na Cordillera People's Liberation Army, ang siyang dapat parusahan. Dulot ito ng kanyang maraming utang na dugo sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan -- armadong pagtataksil sa rebolusyon, pagpatay sa maraming Pulang mandirigma at sibilyan, pangangamkam ng lupa ng mga magsasaka at iba pa. Nilinaw din ng BHB-ABC na Mountain Province, at hindi Abra ang saklaw ng Leonardo Pacsi Command.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) Marso 2002 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|