![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Sa deklarasyon ni Macapagal-Arroyo ng todong digma laban sa �terorismo�, tinukoy din niya bilang target ang mga unyon ng mga militanteng manggagawa na diumano�y mga terorista sa pagawaan. Ipinahiwatig din niyang magiging target ang mga ligal na organisasyong itinuturing niyang terorista kabilang ang Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) at partidong Bayan Muna. Sa isang pahayag noong Agosto 12, inihanay ni Macapagal-Arroyo ang mga oportunistang AKBAYAN at SANLAKAS bilang mga �komunista ngunit di terorista� dahil hindi raw naglulunsad ng armadong pakikibaka ang mga ito. Hindi niya ibinilang sa hanay ang BAYAN at Bayan Muna na di-tuwiran niyang binansagang mga terorista. Ilang buwan nang tinatarget ng matinding panunupil ang dalawang militanteng organisasyon. Dahil dito, nagpahayag ng pangamba ang mga kinatawan ng Bayan Muna sa kongreso na maaaring ipitin ang kanilang mga pondo. Posible rin anilang patalsikin sila sa kongreso. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|