Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Patuloy na kumukulo ang disgusto sa loob ng AFP

 Read this article in English

Isa na namang grupo ng mga upisyal ng reaksyunaryong hukbo ang lumitaw at naghayag sa publiko ng kanilang matinding pagbatikos sa mga nakatataas na upisyal at umiiral na kalakaran sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at gubyerno.

Lumantad ang "Kawal-Pilipino" noong Enero 26 sa isang media conference kung saan ipinahayag nila ang kanilang matinding disgusto. Binatikos nila ang pagpapakasangkapan ng mersenaryong AFP

sa mga reaksyunaryong pulitiko at pagkakahati-hati nito dahil sa paglilingkod sa mga magkakaribal na pampulitikang paksyon ng mga naghaharing uri.

Ibinunyag nila sa partikular ang lansakang paggamit ni Gloria Arroyo sa mga pwersa at rekurso ng AFP para sa kanyang kampanyang elektoral at para manmanan at ipitin ang kilos ng kanyang mga karibal sa pulitika. Kaugnay nito, hiniling nila ang pagbibitiw ni Defense Secretary Eduardo Ermita, na ginawang Chief Campaign Officer para sa kandidatura ni Arroyo.

Ang paglantad ng "Kawal Pilipino" ay pinakahuli lamang sa serye ng mga lantad at di lantad, armado at di armadong pagpapahayag ng pagtutol ng mga karaniwang sundalo at mabababang upisyal ng militar na sintomas ng malalim at malaganap na pagkadisgusto at hidwaan sa loob ng AFP. Ipinakikita lamang ng lahat ng ito ang lubhang kabulukan at patalong landas ng reaksyunaryo AFP at gubyerno sa gitna ng desperado at terminal nang kalagayan ng pinaglilingkuran nilang naghaharing pulitikal at sosyo-ekonomikong sistema.

Tulad sa mga nagdaang pagkilos ng mga sundalo at nakabababang upisyal ng AFP ang naging reaksyon ng nakatataas na mga upisyal ng AFP at gubyerno. Sa halip na seryosong tingnan ang batayan ng mga protesta, ang tanging naisip lamang ng pamunuan ng AFP at gubyerno na gawin ay ang awtomatikong pagbatikos, mabilis na pagsupil, karakarakang prosekyusyon sa mga natukoy at napapasakamay nila, pagbabanta sa iba pa at pagsisikap na patuloy na malinlang ang kabuuan ng mga pwersang militar at mamamayan.

Agad na ipinaaresto at kinasuhan ng rehimen ang limang nakabababang upisyal na ipinagpalagay nitong mga lider ng Kawal-Pilipino. Nahaharap sila ngayon sa korte para sa kasong pambabastos umano sa bandila ng Pilipinas dahil sinulatan nila ito ng salitang "Kawal." Sinampahan din ng kaso sa korte militar ang tatlo sa limang inarestong upisyal ng AFP dahil umano sa paglabag sa disiplinang militar. Idinawit din sa kasong pambabastos ang iba pang kalaban sa pulitika ng rehimen na nakaugnayan at tumulong sa Kawal-Pilipino. Isa na rito si Pastor "Boy" Saycon, pangkalahatang kalihim ng Council for Philippine Affairs at apat pang lider ng oposisyon at ilang retiradong upisyal militar.

Pilit ding idinadawit ng rehimen sina Vice President Teofisto Guingona at Sen. Loren Legarda. Gustong palabasin ng AFP at ng Malakanyang na ang Kawal-Pilipino ay ginagamit lamang ng mga kalaban nito sa pulitika.

Samantala, tuluy-tuloy na nauungkat ang mga kaso ng malakihang korapsyon sa loob ng AFP. Naiulat nitong Enero na kumikita ng mahigit P100 milyon kada buwan ang matataas na upisyal ng Department of National Defense at AFP mula sa sweldo at alawans ng 9,000 "multong sundalo." Aabot sa 7,000 pangalang nakalista bilang regular na tropa at 2,000 bilang elemento ng CAFGU ang nabunyag na gawa-gawa lamang ng DND at AFP. Bukod pa rito, kinupit din ng naturang mga upisyal ang pondo ng "Maintenance and Other Operating Expenses" na nakalaan din para sa naturang mga "multong sundalo."

Sa harap ng mga ito, mahalagang seryosohin at pag-ibayuhin ng mga kadre at pwersa ng Partido, Bagong Hukbong Bayan at rebolusyonaryong kilusan ang pagkilos sa hanay ng reaksyunaryong militar. Sikaping mahimok ang maraming may kahandaan at pumapasa sa pamantayan na bumaligtad at sumanib sa BHB at rebolusyonaryong kilusan. Ang iba'y maaaring makipagkoordina sa rebolusyonaryong kilusan, mapakilos sa loob ng reaksyunaryong hukbo o mapatiwalag man lamang sa bulok, reaksyunaryo at pasistang militar at mapigilan sa patuloy na paglahok sa panunupil at pang-aabuso ng AFP sa mamamayan.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Pebrero 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Militarisasyon sa Mindoro, militanteng nilalabanan

Pagtindi ng militarisasyon at mga paglabag sa karapatang-tao
Mga pagbati sa ika-35 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas
Matatagumpay na Taktikal na Opensiba
Sa iba�t ibang dako ng bansa...

Patuloy na kumukulo ang disgusto sa loob ng AFP
Philippine Revolution Web Central
Internet: Bagong larangan ng propaganda

Rehimeng Bush, di na maitanggi na walang WMD sa Iraq
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.