![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Malalim na nakaugat ang Maoismo sa diwa ng mga manggagawa at magsasaka sa China. At sa labis na pangamba, pilit itong pinapawi ng mga rebisyunistang namumuno sa Partido Komunista at estadong burges. Nitong nakaraang Disyembre 24, hinatulang makulong nang tatlong taon ang apat na Maoista sa syudad ng Zhengzhou, sa Henan, China. Ang krimen nila umano ay "panggugulo sa panlipunang kaayusan at pambansang interes". Ano ang kanilang ginawa? Noong Setyembre 9, 2004, ika-28 anibersaryo ng pagkamatay ni Mao Zedong, si Zhang Zhengyao ay namahagi ng isang polyetong naglalaman ng pahayag na nagbigay-pugay kay Mao Zedong at naglantad at bumatikos sa mga kabulukan ng sistemang kapitalista na pinanumbalik ng mga rebisyunista mula nang agawin nila ang kapangyarihang pampulitika noong 1976. Dinakip si Zhang Zhengyao, pati na ang kanyang asawang si Ge Liying, at mga kaibigang si Wang Zhanqing at Zhang Ruquan. Labis na ikinagalit ng rebisyunistang rehimen ang deklarasyon sa pahayag na "Mao Zedong, Lider Namin Habampanahon" na "laging maninindigan ang mga manggagawa at magsasaka para kay Mao Zedong" at ang ginawa nitong paglalantad sa "mga reaksyunaryong pinamumunuan ng mga maka-kapitalistang pwersa sa loob ng ating Partido na umagaw sa kapangyarihan ng estado at Partido at naghati-hati sa yaman ng estado." Nagbalik-tanaw sina Zhang sa panahon ng sosyalistang rebolusyon sa pamumuno ni Mao Zedong, kung kailan ang "mamamayang Tsino ang siyang namumuno sa bansa". Iginiit nila na sa kabila ng bukambibig na "sosyalismo na may katangiang Tsino", ang estado ngayon sa China ay isang estadong "pag-aari ng burgesya". Kaya sa ilalim ng rebisyunistang rehimen, ang uring manggagawa ay nagtatrabaho hindi na para sa kanilang sarili, kundi upang "lumikha ng labis na halaga para sa uring kapitalista." Binatikos nina Zhang ang malayong pagitan ng pinakamayayaman at pinakamahihirap na mamamayan. Nasa isang panig ang mga bilyonaryong burukratang kapitalistang nagpapanggap na "sosyalista" ngunit ang tunay na gusto'y kapitalismo na naghahatid sa kanila ng napakalaking pakinabang. At nasa kabilang panig ang daan-daan milyong mga manggagawa at magsasaka na ngayon ay dumaranas ng napakasidhing kahirapan, pang-aapi at pagsasamantala. "Malinaw kung gayon. Si Mao Zedong ang lider ng 95% ng mamamayang Tsino." Buong-tatag na idineklara nina Zhang na magpapatuloy ang pakikibaka ng mamamayang Tsino para sa sosyalismo. "Tiyak na lalo pang titindi ang mga makauring kontradiksyon sa China at tiyak na lalong sasaklaw ang papaigting na pakikibaka ng masa." Idineklara nila na "Sa lalong paghinog ng mga kontradiksyon at pag-igting ng mga pakikibakang masa sa buong bansa, ang mga nasa Partido, gubyerno at hukbo na nakauunawa sa tunay na kalikasan ng rebisyunismo ay puspusang lalaban dito at muling makikiisa sa proletaryado sa pagwawagayway ng bandila ni Mao Zedong at muling makikibaka para sa sosyalismo sa China." ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|