![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Nitong Nobyembre, matagumpay na idinaos ng mga rebolusyonaryo sa sektor ng simbahan ang ikapitong kongreso ng Christians for National Liberation (CNL). Ang CNL ay isang pambansang organisasyong binubuo ng mga taong-simbahan mula sa iba�t ibang sekta at denominasyong Kristyano. Kinakatawan nito ang patriyotiko at rebolusyonaryong saray sa sektor ng simbahan. Sa naturang kongreso, inihalal bilang bagong tagapangulo si Fr. Servando Popolus, isang paring Katoliko. Sa halos tatlong dekada na kinatangian ng iba�t ibang mga pihit ng rebolusyonaryong pakikibaka, nagpunyagi at matatag na nanindigan ang CNL upang isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon. Patuloy itong gumagampan ng katangi-tangi at tinitingalang papel bilang isa sa mga alyadong organisasyon sa loob ng National Democratic Front. Pinatunayan nito ang mahalaga at epektibong papel ng mga rebolusyonaryong Kristyano sa pambansang nagkakaisang prente, pagpapakilos ng malawak na hanay ng masa at pangkalahatang pagsusulong ng rebolusyon.
Higit dito, makabuluhang nag-ambag ang CNL sa pagpapalakas sa armadong kilusan sa kanayunan sa pamamagitan ng materyal na suporta at pagdedeploy ng mga kasapi nito sa Bagong Hukbong Bayan. Kinikilala ng Partido ang malaking ambag nito sa panimulang paglalatag ng mga larangang gerilya sa buong bansa. Sa sumunod na mga taon, itinaguyod ng CNL ang iba't ibang mga tungkulin upang palakasin at palawakin ang rebolusyonaryong hanay. Nitong nakaraang dekada, matagumpay na nilabanan ng mga kasapi ng CNL ang mga oportunistang taksil at nag-ambag sa pangkalahatang tagumpay ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto.
Itinatag ang CNL noong 1973 bilang pagkilala sa impluwensya ng relihiyong Kristyano sa lipunang Pilipino at sa malaking potensyal ng pag-oorganisa at pagpapakilos ng mga taong-simbahan para sa pambansang paglaya at demokrasya alinsunod sa kanilang paniniwala. Ang pagkakatatag nito ay isang organisadong pagtugon ng mga taong-simbahan sa kagyat na hamon na labanan ang kahirapan at pang-aapi na dinaranas ng sambayanan. Sa kasalukuyan, isang malaking hamon para sa CNL ang pagpapalawak at pagpapatatag ng kanilang organisasyon bilang bahagi ng pangkalahatang rebolusyonaryong kilusan. Kalakhan ng sektor ay napapabilang sa uri ng petiburgesya at sa gayon ay maaaring imulat, organisahin at pakilusin alinsunod sa kanilang pambansa at demokratikong interes. Bilang pagkilala sa katangian ng kanilang uri, kinakailangang mahigpit na nakakawing ang kanilang kilusan sa pakikibaka ng batayang masa sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pakikisalamuha at pakikibahagi sa pakikibaka ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang api at pinagsasamantalahang sektor. Higit dito, kailangang aktibong lumahok ang kasapian sa armadong pakikibaka bilang pangunahin at mapagpasyang anyo ng rebolusyon. Nananatiling malaki ang maaaring iambag ng mga kasapi nito sa pagbubukas, pagbawi at pagpapatatag ng mga larangang gerilya at pagsisilbi bilang mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|