Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Panunuhol at pambabraso sa WTO

 Read this article in English

Sa pamamagitan ng panunuhol at pambabraso, epektibo nang naigpawan ng imperyalismong US at European Union ang mabuway na pagtutol ng mga bansa sa mga dikta nito sa World Trade Organization (WTO). Nitong Hulyo 31, pinirmahan ng General Council ng WTO ang isang kasunduang ipinangangalandakang muling magtutulak sa nadiskaril na usapang pangkalakalan.

Matatandaang bumagsak ang negosasyon sa WTO noong Setyembre 2003 sa Cancun, Mexico nang magpumilit ang US at EU na ipatupad ang ibayong liberalisasyon sa agrikultura at palawakin ang saklaw ng WTO. Iniluwal sa Cancun ang Group of 20 o G20, isang alyansa ng malalaki at maliliit na bansa at mga neokolonyang nakasandig pangunahin sa produksyong agrikultural. Isinisisi ng US at EU ang pagbagsak ng usapan sa Cancun sa G20 kahit pa ang totoo'y ang mga ministro nila ang nagsuspinde sa mga negosasyon nang maging malinaw na hindi matitinag ang pusisyon ng G20 sa usapan.

Susi sa pagkakabuo ng pinakabagong kasunduan ang pagsang-ayon ng Brazil at India sa masasamang probisyon nito. Ang mga bansang ito ang itinuturing na nangunguna sa G20 at susi ang kanilang pagsang-ayon sa pagkumbinsi ng nakararaming maliliit na bansa.

Inimbita ng US at EU ang Brazil at India na pumaloob sa ekslusibong usapan upang magbalangkas ng kasunduan. Kasama ang Australia, binuo nila ang "five interested parties" o FIPS na siyang nagtakda sa direksyon ng usapang pangkalakalan hanggang sa susunod na pagpupulong ng WTO sa 2005.

Nagbabadyang pagkabuwag ng G20

Ang tanging naabot sa pinakahuling kasunduan ay ang napipintong pagkabuwag ng pagkakaisa ng G20 sa harap ng walang awat na pagmamaniobra ng US at EU. Ang pagpasok ng Brazil at India sa kasunduan ay pinakahuli lamang sa mga taktikang ginamit ng mga imperyalistang bansa. Bago pa man ito, puspusan na ang mga maniobra ng mga imperyalista upang brasuhin ang iba pang bansa na umalis sa pormasyon.

Pagkatapos ng Cancun, binantaan ng US ang mga bansa sa Latin America na tatanggalin nito ang maliliit na pribilehiyong pangkalakalan kung hindi sila hihiwalay sa G20. Dahil dito, umalis sa pormasyon ang Guatemala, Ecuador, Peru, Costa Rica at Colombia. Ginagamit din ng US ang ayudang ibinibigay nito sa mga bansang desperado upang makakabig ng mga kakampi. Nagbanta pa ang US na haharangin nito ang mga pautang at hindi ito magbibigay ng mga palugit sa pagbabayad ng utang kung patuloy na tatanggi ang mga bansa sa G20 na sumunod sa kanilang kagustuhan.

Tagumpay ng US at EU

Walang pinagkaiba ang pinakabagong kasunduan sa itinutulak na adyenda ng US at EU noon sa Cancun kapwa sa isyu ng ibayong liberalisasyon sa agrikultura at pagpapalawak ng saklaw ng WTO. Sentro sa mga negosasyon ang pagbabawas ng minimum na 80% sa mga taripa at subsidyong agrikultural. Ang pagbabawas na ito ay itinulak na ng US at EU noon pang 1999 nang malapit nang magtapos ang implementasyon ng Uruguay Round ng General Agreement on Tariffs and Trade. Sa dalawang pagkakataong ipinilit ito ng US at EU (una sa Seattle at pangalawa sa Cancun), bumagsak ang mga negosasyon dahil sa matindi at malawak na pagtutol ng mamamayan.

Wala ring bago sa pagtanggi ng US at EU na bawasan ang subsidyo sa sariling mga produktong agrikultural. Nakasaad sa bagong kasunduan na maaaring magdeklara ang mga bansa ng mga produktong "sensitibo" upang iligtas ang mga ito sa pagbabawas ng subsidyo. Kaagad na idineklara ng US na sensitibo ang kanilang produktong asukal at tumangging ibaba ang matataas na taripang ipinapataw sa inaangkat nitong asukal. Tumanggi rin ang EU at Australia na ibaba ang taripa sa inaangkat na trigo, produktong mula sa gatas at iba pang produktong agrikultural ng kani-kanilang mga bansa.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Agosto 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Makatao ang pangangalaga ng BHB sa mga prisoner of war

Tagumpay ang maayos at ligtas na pagpapalaya sa mga bihag ng digma
Mahigit 100 kaso, isinampa sa JMC
Pamilya, iligal na ikinulong
Usapang pangkapayapaan, ipinagpaliban
Sistematikong pagsisinungaling ng AFP
Ang rebolusyonaryong peryodismo, ayon kay Manong Tony Zumel
Panunuhol at pambabraso sa WTO
Sa kunwaring paglutas ng US sa kaguluhan sa Sudan
Kontrol sa langis ang tunay na pakay

Sa kunwaring paglutas ng US sa kaguluhan sa Sudan
Ang matinding kaguluhan sa Darfur

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.