![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Iginiit ng mga magsasaka mula sa Barangay Kalupaan, Trinidad at Mani-ak sa Guihulngan, Negros Oriental ang dagliang pagpapalayas sa mga abusadong militar, pulis at pwersang paramilitar sa kanilang lugar. Ayon sa Kaugmaon-KMP, isang organisasyon ng mga magsasaka sa Guihulngan, ang pandarahas sa mga sibilyan ay lumala pagkatapos ng labanan ng AFP at Bagong Hukbong Bayan noong Hunyo 12 sa Barangay Tacpao, Guihulngan kung saan isang sundalo at dalawang Pulang mandirigma ang nasawi. Ang mga abusadong tropa, anito, ay mula sa 11th at 12th IB, PNP regional mobile group at Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade. Binatikos ng Kaugmaon-KMP ang takot at perwisyong idinudulot ng palagiang pagmamanman ng mga sundalo sa anito'y mga lider magsasaka na kabilang sa talaan ng militar. Dahil dito, anang Kaugmaon, hindi na makapaghanapbuhay ang mga magsasaka dahil nangangamba na silang pumunta sa kanilang mga bukirin. Kinundena rin ng mga magsasaka ang pagwasak ng mga sundalo sa kanilang mga pananim at pagpasok sa kanilang mga bahay nang walang pahintulot. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|