|
Unilateral na tigil putukan ng GRP, nilabag ng militar
Nilabag ng Armed Forces of the Philippines ang idineklarang unilateral na tigil-putukan ng rehimeng Arroyo. Nagsimula ang kanilang ceasefire noong Disyembre 16, 2004 at nagtapos nitong Enero 4 .
Ayon sa NDFP-Mindanao, inoperasyon noong Disyembre 16 ng mga Scout Rangers ng Philippine Army ang sityo ng Palompon sa San Isidro, Marihatag, Surigao del Sur. Dahil dito, dalawang tropa ng Scout Rangers ang napatay ng mga isnayper ng BHB.
Sa araw ding iyon, naglunsad ng mga opensiba ang mga tropa ng 23rd, 30th at 58th IB ng Philippine Army sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte.
Sa kabilang banda, mahigpit na tumalima ang lahat ng yunit ng BHB sa idineklarang unilateral na tigil-putukan ng Komite Sentral ng PKP na nagsimula sa Disyembre 23, 2003 at nagtapos nitong hatinggabi ng Enero 2. Taliwas sa ipinangangalandakan ng AFP, walang anumang paglabag ang BHB sa sarili nitong ceasefire.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|
|
![](../../angbayan/images/ab_banne-2.gif) 07 Enero 2005 Edisyong Pilipino
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here. |
|