Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Sa Ibayong Dagat:
Lumalaganap ang armadong paglaban ng mga Iraqi

 Read this article in English

Habang tumatagal, lalong lumalalim ang pagkalubog ng imperyalismong US sa kumunoy ng Iraq. Matapos madaliang salakayin at sakupin ang Iraq, kinakaharap ngayon ng mga tropa ng US ang lahatang-panig na pagtutol ng mamamayang Iraqi, ang lumalalim na demoralisasyon at pagkataranta gayundin ang lumalakas na panawagan ng mamamayang Amerikano na pauwiin ang kanilang mga sundalo, at ang patuloy at lumalakas na mga batikos ng mamamayan at oposisyon sa US sa ginawang pag-atake at patuloy na pag-okupa ng US sa Iraq.

Tuluy-tuloy na lumalaganap at umiigting ang armado at di armadong pakikipaglaban ng mamamayang Iraqi laban sa mga kolonyal na mananakop.

Umuusbong ngayon sa iba't ibang dako ng bansa ang maliliit na grupong gerilyang umaatake sa batak na mga tropang Amerikano.

Ilang buwan nang pilit ginagapi ng mga tropang Amerikano at British ang umuusbong na kilusang gerilya. Sa pakikipagsagupaan ng mga Iraqi sa mga tropang may superyor na armas, paulit-ulit nilang ipinamamalas ang kanilang bentahe sa lugar at kapasyahang lumaban. Kung saan-saan nanggagaling ang mga armadong Iraqi na bumibira sa mga tropang Amerikano. Walang araw na lumilipas na hindi dumaranas ng pinsala ang mga tropang mananakop. Katunayan, mas marami nang tropang Amerikano ang napatay mula nang ideklara ni Bush na tapos na ang "mayor na operasyong kombat" noong Mayo 1 kumpara sa bilang ng mga tropang namatay noong mismong gera ng pananalakay. Noong Agosto 27, umabot na sa 333 ang napatay na sundalong Amerikano habang 1,212 ang nasugatan. Kumpara ito sa 138 na napatay sa panahon ng pananalakay ng US at United Kingdom noong Abril at Mayo.

Minamaliit ng imperyalismong US ang mga gerilyang Iraqi na diumano'y mga "loyalista" lamang ni Saddam Hussein o di kaya'y mga labi lamang ng Republican Guard. Ngunit kasabay nito, duwag nilang iniatras ang kanilang mga tropa at ipinwesto sa labas ng mga syudad upang maiwasang maging madaling target ng atake ng mga gerilyang namumugad sa mga ito. Dahil walang magawa ang 148,000 pwersang US ngayon sa Iraq, nagdagdag na ng tropa ang UK at plano ring dagdagan ang mga sundalong Amerikano. Taliwas sa dati nitong tindig laban sa pagbibigay ng anumang papel sa United Nations (UN) sa "rekonstruksyon" ng Iraq, maghahapag na rin ang US ng resolusyon sa UN na bumuo ng isang "multinational peacekeeping force" na pamumunuan ng US. Subalit ang planong magdagdag ng tropa ay magpaparami lamang sa mga tulirong target ng mga gerilyang Iraqi.

Kasabay ng mga aksyong militar, naglulunsad ng masisinsing aksyong protesta ang mga ordinaryong mamamayang Iraqi. Batay sa kanilang mga aksyon at pahayag, ang mga grupong Iraqi, kapwa armado at hindi, ay hindi itinutulak ng kagustuhang ibalik ang rehimeng Hussein kundi ng matinding galit at pagkamuhi sa arogante, mapangwasak at mapagsamantalang pananakop ng imperyalismong US.

Lumalalang kalagayan ng mamamayan. Tinatayang aabot sa 8,000 sibilyan ang napatay at 20,000 ang nasugatan bunga ng pananalakay. Hindi pa kabilang dito ang libu-libong mamamayang biktima sa panahon ng okupasyon dulot ng walang pakundangang pamamaril ng mga tropang mananakop, ng kriminalidad na lumaganap matapos okupahin ng US ang mga syudad at pangkalahatang panlipunang sigalot. Milyun-milyong Iraqi ang nasasadlak sa matinding kagutuman at kawalan ng trabaho na di nila dinanas sa ilalim ng rehimen ni Saddam Hussein. Dahil sa walang pakundangang pambobomba ng US, nawasak ang lahat ng mga pasilidad na nagbibigay ng mga batayang serbisyo. Apat na buwan na ang nakalipas "matapos ang gera" ngunit putul-putol pa rin ang serbisyo ng kuryente at wala pa ring sapat na tubig. Para maibalik lamang ang dating suplay ng kuryente sa Iraq, kailangan ng $13 bilyon. Kailangan pa ng $16 bilyon para maibalik ang suplay ng malinis na tubig. Tinatayang aabot sa mahigit $100 bilyon ang kailangan para makumpuni at maibalik lamang sa dati ang lahat ng mga pasilidad na winasak ng US.

Masahol pa, kulang na ang suplay ng langis. Sa kabila ng pagiging mayaman sa langis at dating maramihang nag-eeksport nito, nag-aangkat na ngayon ang Iraq upang punan ang kanilang pangangailangan. Kulang sa 1 milyon bariles kada araw ang nailuluwal ng mga balon ng langis ng Iraq � malayo sa 2.8 milyong bariles bago ang okupasyon. Tinatayang kakailanganing mag-angkat ng dagdag na 750,000 bariles ng langis kada buwan ang Iraq upang punan ang kakulangan. Nang buksan ng mga tropang Amerikano ang mga balon ng langis sa hilagang Iraq, binalak nitong ilabas ang nailuwal na langis. Dahil dito, galit na binomba ng mga Iraqi ang mga tubong daluyan ng langis patungong Turkey.

Pagsasamantala ng mga korporasyong US. Ang kahirapan ngayon sa Iraq ay pinalala pa ng kasibaan ng mga korporasyong Amerikano. Nagkakandarapa ang mga ito na makakuha ng pinakamalaking bentahe sa pinakamadaling paraan. Ipinatigil ng mga mananakop ang pag-aayos ng mga ospital at serbisyong pangkalusugan sa pangkalahatan dahil ipinanukala ng mga "Amerikanong tagapayo" na marapat munang dumaan sa pagsusuri ng isang Amerikanong kumpanya ang lahat ng mga kagamitan at suplay medikal. Upang mapadali ang proseso, mapipilitan ang Iraq na kumuha ng suplay sa mga kumpanyang Amerikano. Gayundin, karakarakang ipinatigil ng US ang operasyon ng isang kumpanyang Liberian na nagpapagana ng network ng mga cellphone dahil inilalagay diumano nito sa disbentahe ang iba pang mga kumpanya. Sa totoo, ang negosyo sa pagpapatakbo ng telekomunikasyon sa Iraq ay nais lamang ng US na solohin ng Worldcom, isang dambuhalang monopolyong Amerikano na nasangkot sa malalaking pandaraya sa US.

Marahas na pagsupil sa mga Iraqi. Ibayong karahasan at panunupil ang tugon ng mga mananakop sa pagtutol at paglaban ng mamamayang Iraqi. Nang magrali ang mga Iraqi sa harap ng upisina ni Paul Bremer, ang tagapangasiwa ng US sa Iraq, pinaulanan ng bala ng mga sundalong Amerikano ang demonstrasyon.

Mainam na tipunin ang kalat-kalat na mga armadong pwersa at buuin ang isang pambansang pwersang gerilya na makapagdudulot ng higit na mas malalaking bigwas sa katawan ng mananakop.
Dalawa ang agad na napatay. Nang magrali ang mamamayan ng Fallujah noong Abril, 16 ang napatay sa pamamaril ng mga sundalong Amerikano. Gayundin ang nangyari sa Mosul at Karbala kung saan 14 ang napatay. Nang dalhin ng mga Iraqi ang kanilang mga hinaing sa midya, hinaras o ipinasara ng US ang mga ito.

Dala ng takot, walang pakundangang pinapuputukan ng mga sundalong Amerikano ang sinumang pinaghihinalaan � maging mga bata, matatanda, kababaihan at kahit mga myembro ng midya. Laganap ang arbitraryong panghahalughog, pang-aaresto at panghaharas sa sinumang pinaghihinalaang "loyalista" ni Saddam � na sa mata ng mga tropang Amerikano, ay kinabibilangan ng halos lahat na ng kalalakihang Iraqi.

Inutil na papet ng US. Inutil at nagiging katawa-tawa na lamang ang papet na "pansamantalang konseho" (interim council) na itinayo ng US sa Iraq. Simula't sapul, hindi tinangkilik ng mayorya ng mamamayan ang papet at pandekorasyon lamang na konseho kung kaya't hindi ito kailanman naging lehitimo sa mata ng mga Iraqi. Kinamumuhian ito ng mamamayan dahil sa pagiging sunud-sunuran sa mga mananakop at wala itong tunay na kapangyarihan at lakas. Sa ibang lugar, wasak ang mga pampulitikang istruktura at, dahil sa laganap na paglaban, walang pag-asa ang US na maisaayos ito sa malapit na hinaharap. Tuwirang kolonyal na okupasyong militar ng US ang tanging nagagawang panggugubyerno ngayon sa Iraq at walang palatandaang mababago ito sa matagal na panahon.

Lumalakas na pagtutol sa US at UK. Kasabay nito, lumalawak ang galit at pagkamuhi ng mamamayan kahit sa loob ng US at UK sa ginawang pandodoktor ng mga ulat-paniktik ng rehimeng Bush at Blair upang bigyan-katwiran ang pananalakay sa Iraq. Lumalakas din ang pagtutol maging ng ibang pwersang reaksyunaryo sa loob ng kanilang mga bansa dahil sa dumaraming sundalong napapatay at lumalaking gastos upang panatilihin ang mga ito sa Iraq.

Dagdag dito, sa loob ng US ay lumalakas ang panawagang pauwiin na ang mga tropang Amerikano. Mismong mga pamilya ng mga sundalo ang nangunguna ngayon sa pagpapauwi na sa kanila. Nakikita nilang isang malaking kahungkagan ang ipinamamarali ng militar ng US na gerang high-tech at pangako nitong hindi mapipinsala ang kanilang mga tropa. Buhay na buhay sa kamalayan ng mamamayang Amerikano ang multo ng Vietnam. Hindi malayong ang mga salik na ito ang magpupwersa sa rehimeng Bush na umatras na sa Iraq, kahit hindi pa ito lubusang nakokontrol.

Habang nagtatagal ang okupasyon ng US sa Iraq, nalalantad ang estratehikong kahinaan nito sa larangan ng pulitika at gera. Salamin ito ng kawalang katarungan ng imperyalistang pananakop sa Iraq. Minaliit ng US ang kakayahan ng malawak na masa ng sambayanan sa Iraq para labanan ang pananakop. Pagbabayaran ito nang mahal ng imperyalismong US.

Nasa mamamayan ng Iraq ang lahat ng katwiran at kakayahan na patalsikin ang mga dayuhang tropang mananakop. Mainam na tipunin ang kalat-kalat na mga armadong pwersa at buuin ang isang pambansang pwersang gerilya na makapagdudulot ng higit na mas malalaking bigwas sa katawan ng mananakop. Napakapaborable ng sitwasyon sa Iraq upang tumayo at mabilis na lumakas ang isang partidong proletaryo at pamunuan nito ang gera para sa pambansang pagpapalaya sa pamamagitan ng pagtangan nito sa armadong pakikibaka at pagbubuklod sa lahat ng demokratiko at patriyotikong uri, sektor at sektang relihiyoso sa Iraq sa isang nagkakaisang prenteng anti-kolonyal.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Setyembre 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Paigtingin ang mga pakikibakang bayan para ibagsak ang rehimeng US-Arroyo

Away ng mga magnanakaw:
Mga nakaw na yaman ng mga Arroyo, ibinunyag ni Lacson

Matatagumpay na opensiba ng BHB:
22 armas, nasamsam ng BHB sa mga reyd at ambus

Mga sundalo ng AFP, hinihikayat na sumanib sa rebolusyonaryong kilusan
Mga tropa ng AFP, CAFGU sa Agusan del Sur, sumanib sa BHB
Sa Silangang Kabisayaan:
Mahusay na pamumuno ng Partido sa lokalidad

Mula sa hanay ng mga kabataang estudyante:
Si Ka Leo sa kanayunan

Sa Ibayong Dagat:
Lumalaganap ang armadong paglaban ng mga Iraqi
Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.