Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Sa Ibayong Dagat:
Kasinungalingan sa likod ng gera sa Iraq

 Read this article in English

Ibayo pang nabubunyag ang kabulaanan ng sinasabing weapons of mass destruction ng Iraq

Upang makuha ang internasyunal na suporta para sa gera sa Iraq, isinangkalan ng US at UK ang diumano'y pagtatago ng gubyernong Saddam Hussein ng weapons of mass destruction (WMD). Subalit dalawang buwan matapos okupahin ang Iraq, wala pang maipakita ni butil ng WMD ang mga mananakop.

Bunsod nito, nagkakandarapa ngayon ang US at UK na magpasulpot ng anumang patunay na gumawa ng WMD ang dating gubyerno ng Iraq. Upang hindi mapahiya, sarisaring palusot ang inilalabas ngayon ng mga upisyal ng US at UK.

Kamakailan, ibinunyag ng mismong mga ahensyang paniktik ng UK na pinilit sila ng rehimeng Blair na idagdag sa kanilang dossier ang kasinungalingang may kakayahan ang rehimen ni Saddam na ilunsad ang hawak nitong WMD "sa loob ng 45 minuto." Ginamit ni Blair ang "impormasyong" ito upang takutin ang mamamayang British at igiit ang kakagyatan ng paglulunsad ng aksyong militar laban sa Iraq.

Ayon mismo kay Defense Sec. Donald Rumsfeld ng US, talagang wala silang matatagpuang weapons of mass destruction dahil winasak na diumano ni Saddam ang mga ito bago pa man ang gera. Dagdag naman ni Deputy Defense Sec. Paul Wolfowitz, ginamit lamang ang weapons of mass destruction dahil ito ang tanging pwedeng pagkaisahan ng lahat ng mga paksyon at ahensya ng gubyernong US. Si Wolfowitz ang pinuno ng espesyal na komiteng binuo ng rehimeng Bush upang maghanap ng pinakamagandang sangkalan para salakayin at okupahin ang Iraq.

Ibayo na ngayong nabubunyag na ang sinasabing presensya ng WMD sa Iraq ay pawang kasinungalingan at gawa-gawa lamang.

Nitong Mayo 30, ibinunyag ng masmidya sa United Kingdom na ilang araw bago humarap sa United Nations Security Council si State Sec. Colin Powell ng US, lihim siyang nakipagpulong kay Foreign Minister Jack Straw ng UK.

Sa naturang pagpupulong, nagpahayag kapwa sina Straw at Powell ng matinding reserbasyon sa mga inihapag na ulat-paniktik hinggil sa diumano�y presensya ng WMD sa Iraq. Sa kanilang pag-uusap, nagkaisa ang dalawa na hindi sapat ang nakalap na ebidensya at hindi tapat na inilatag ng mga ulat ang aktwal at obhetibong kalagayan.

Sa kabila ng kakulangan ng sapat na impormasyon, humarap si Powell sa UN Security Council at isiniwalat ang umano�y mga ebidensya ng pagkakaroon ng WMD sa Iraq. Ang naturang mga impormasyon ay nakalap umano ng kanilang mga ahensyang paniktik. Ang totoo, kalakhan ng ipinakita ni Powell ay nakabatay lamang sa dossier na ihinanda at isinapubliko ng rehimeng Blair ng UK noong Enero. Malaking bahagi rin nito ay hindi resulta ng masusing pangangalap at pagsusuri sa datos paniktik kundi kinopya lamang mula sa thesis ng isang estudyanteng Amerikano.

Ngayong bistado na ang kasinungalingan tungkol sa WMD, nagtuturuan ang Defense Intelligence Agency (DIA) ng US at ang Pentagon kung sino ang may kasalanan sa pangyayari. Inaakusahan ng DIA ang Pentagon ng pagsasayang sa $30 bilyong intelligence funds ng US at pambabaluktot sa mga datos paniktik para umakma ito sa adyendang pampulitika ng rehimeng Bush laban sa Iraq. Sadya raw binalewala ng Pentagon ang karamihan ng datos mula sa DIA at pinatingkad yaong nagmula sa Iraqi National Congress, isang grupong malaon nang pinopondohan ng US para ibagsak ang gubyerno ni Saddam Hussein.

 


Previous articleBack to topNext article

07 Hunyo 2003
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Ibayong inaarmasan ng US ang rehimeng Arroyo

Mas malaking palagiang presensyang militar, itinutulak ng US
Sa kabila ng tigil-putukan:
Patuloy ang atake ng AFP sa MILF

Mga Ulat Koresponsal:
Mga tagumpay sa rebolusyong agraryo, inaani sa Samar

Sa Ibayong Dagat:
Kasinungalingan sa likod ng gera sa Iraq
Sa Ibayong Dagat:
Bagong planong nukleyar ni Bush

Sa Ibayong Dagat:
Dambuhalang propagandista ng imperyalismo

Sa Ibayong Dagat:
Mga sundalong British, nantortyur ng mga Iraqi

Sa Ibayong Dagat:
Parang pelikulang Rambo

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.