Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Sosyalistang pagkakaisa?
Ang usapin ng pagkakaisa at ang mga Contra

 Read this article in English

"Pagkakaisa" ang isa sa mga palagiang tema ng antikomunistang propaganda ng mga rebisyunistang taksil. Iginigiit nila ang hungkag na panawagan para sa "pagkakaisa ng Kaliwa", "bagong Partido" o "Frente Sosyalista" alinsunod sa anti-Stalinista at anti- Maoistang pag-atake sa Marxismo-Leninismo at Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) bilang "dogmatiko", "impleksible" at "sektaryan".

Ngunit gaanuman kalakas ang pagsigaw ng mga Contra tungkol sa "pagkakaisa" at ang pagbatikos nila sa "sektaryanismo", di nila mapagtatakpan ang katotohanan na ang pagkakaisa ng masa ng sambayanang Pilipino batay sa linya ng demokratikong rebolusyong bayan ay matatag at lumalawak; at na ang Partido at rebolusyonaryong kilusan ay ibayong lumalakas dahil sa Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto at matatag na pakikitunggali sa rebisyunismo at oportunismo.

Pagkakaisa at ang PKP

Laging binibigyan ng Partido ng pinakamataas na pagpapahalaga ang pagkakaisa at ang patuloy na pagpapalakas ng pagkakaisa ng mga rebolusyonaryo at demokratikong uri at pwersa. Ito ang numero unong rekisito sa pagsulong at pagtatagumpay ng rebolusyon. Batay sa kongkretong kalagayan ng mga uri sa Pilipinas at halaw sa praktikal na karanasan ng rebolusyong Pilipino, maaari nating matukoy ang tatlong antas ng pagkakaisang itinataguyod, isinusulong at pinahahalagahan ng Partido:

Una, ang pagkakaisa ng proletaryong taliba sa saligan ng linyang Marxista-Leninista-Maoista sa usapin ng ideolohiya, pulitika at organisasyon, sa praktikal na aplikasyon nito sa pagsusuri sa malakolonyal at malapyudal na sistemang panlipunan at sa pangangailangang magsagawa ng dalawang-yugtong rebolusyon. Ang pagkakaisang ito�y kinakatawan ng PKP na nagsisilbing taliba ng rebolusyong Pilipino.

Ikalawa, ang malawak na pagkakaisa ng mamamayang Pilipino sa batayan ng programa ng demokratikong rebolusyong bayan na sumasaklaw sa mga inaaping uri at progresibong sektor na nagsusulong ng mga pakikibakang armado at di armado. Ang pagkakaisang ito ay estratehiko at may katatagan. Nabubuo sa tatlong antas ang pagkakaisa ng sambayanang Pilipino: ang saligang alyansa ng mga manggagawa at magsasaka; ang rebolusyonaryong alyansang binubuo ng saligang alyansa kaisa ng petiburgesyang lungsod; at ang alyansa ng mga positibong pwersang binubuo ng rebolusyonaryong alyansa kaisa ng panggitnang burgesya.

Ang nasa puso ng pagkakaisa ng malawak na mamamayan ay ang alyansa ng mga manggagawa at magbubukid na kinakatawan, pangunahin, ng BHB na nagsusulong ng rebolusyong agraryo sa kanayunan at nasa ilalim ng absolutong pamumuno ng proletaryong partido.

Ikatlo, ang mga taktikal na pagkakaisa sa pagitan ng mga rebolusyonaryong pwersa at ng iba pang pwersa, kabilang na ang mga reaksyunaryong indibidwal o pwersa, sa batayan ng panandaliang nagtutugmang interes laban sa komon na kaaway. Alinsunod ito sa patakaran ng Partido na samantalahin ang mga kontradiksyon sa hanay ng mga reaksyunaryong kaaway upang lalong pahinain ang naghaharing sistema.

Pinakamahalaga sa tinukoy na tatlong antas ng pagkakaisa ang pagkakaisa ng sambayanang Pilipino para sa demokratikong rebolusyong bayan upang lutasin ang mga saligang kontradiksyon ng lipunang malakolonyal at malapyudal.

Tungo sa pagbubuo ng tatlong antas ng pagkakaisa, mapagpasya ang pagkakaisa at lakas ng talibang partido. Kaugnay nito, ang pagkakaisa at pagpapalakas ng taliba ay tuluy-tuloy lamang na magagawa kapag ang Partido ay nasa wastong balangkas ng pagsusulong ng pagkakaisa at pakikibaka ng sambayanan sa landas ng demokratikong rebolusyon. Ang wastong linyang pampulitika ay mapagpasya sa pagbubuo ng pagkakaisa at lakas ng talibang partido at sambayanang Pilipino.

Bago inilunsad ang kilusang pagwawasto noong 1992, ang pagkakaisa at lakas ng Partido ay sinira ng malubhang kapabayaan sa mga saligang gawain sa pagbubuo sa ideolohiya, pulitika at organisasyon. Lumitaw at lumala ang mga kahinaan at mga kabuhaghagan, na agad sinabayan ng papalakas na pagtagos papaloob ng mga mapanirang impluwensyang burges at petiburges. Namayagpag sa loob ng Partido ang malulubhang paglihis tulad ng adbenturismong militar, insureksyunismong lunsod, rebisyunismo at sari-saring anyo ng oportunismo. Ang lakas na naipundar sa mahabang panahon ng pagpupunyagi sa wastong linya ay winaldas ng mga naturang paglihis na naging sanhi ng wala pang kapantay na mga pinsala at pag-atras.

Ibinulid ng rebisyunismo at oportunismo ang Partido at kilusan sa bingit ng tuluyang pagkawasak. At ang pagkakaisa ng Partido ay ginulo ng agresibong pag-atake ng rebisyunismo at oportunismo sa Marxismo-Leninismo- Maoismo at sa linya ng demokratikong rebolusyong bayan at matagalang digmang bayan. Ang mga pagsisikap ng Partido na kumbinsihin ang lahat ng kadre at kasapi sa wastong linya at mga saligang proletaryong rebolusyonaryong prinsipyo ay tinugon ng mga pinakamasahol na promotor ng adbenturismong militar, insureksyunismong lunsod at rebisyunismo ng ibayong pagatake, lihim na mga maniobra, pananabotahe at paglapastangan sa integridad sa organisasyon ng Partido. Itinaguyod nila ang �pagkakaisa� ng Marxismo at rebisyunismo sa ngalan ng �anti-Stalinismo� at �antidogmatismo�; itinulak ang pagsuko ng interes, kalayaan at inisyatiba ng proletaryo sa ngalan ng �nagkakaisang prente� na nasa kumpas ng mga anti-komunistang pwersang petiburges; at inilako ang linya ng makauring kolaborasyon.

Ang kilusang pagwawasto noong 1992 ay mapagpasyang hakbang ng Partido para iwaksi ang malulubhang paglihis at pagkakamali, puspusang labanan ang rebisyunismo at oportunismo, itaguyod ang mga saligang proletaryong rebolusyonaryong prinsipyo, igpawan ang malalaking pinsala, at itaas ang kakayahan ng Partido sa ideolohiya, pulitika at organisasyon. Upang puspusang maitaguyod ang Marxismo-Leninismo-Maoismo at wastong linya, kailangan din ang puspusang pakikibaka sa rebisyunismo at oportunismo at lubos na pagwawaksi sa malulubhang paglihis at pagkakamali. Upang maisulong ang pagkakaisa ng malaking mayorya ng mga kadre at kasaping matapat sa Partido at rebolusyon, kinailangang ilantad, ihiwalay at itakwil ang sandakot na mga rebisyunista at oportunistang ayaw magwasto at todo-todo nang umaatake at sumasabotahe sa Partido at rebolusyon. Pinanday ng kilusang pagwawasto ang pagkakaisa ng Partido at pinalakas ito sa saligan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo upang epektibong mapamunuan ng PKP ang rebolusyong Pilipino.

Ang matatag na pagbawi, pagpapanibagong-sigla at pagpapanibagong-lakas ng Partido at rebolusyonaryong kilusan bunga ng kilusang pagwawasto ay nagdudulot ng napakalinaw at napakalalim na mga aral tungkol sa pagkakaisa ng Partido, at paano ito pinangangalagaan at pinalalakas. Ang mabilis at tuluy-tuloy na lalong pagliit, pagkakawatak-watak, pagkakahiwalay at pagkabulok naman ng mga rebisyunistang taksil ay di mapasusubaliang pruweba ng sadyang pagkabangkarote ng kanilang kontrarebolusyonaryong linyang rebisyunista at oportunista.

Ang �pagkakaisa� ng mga Contra

Ikinakalat ng mga Contra, laluna ng mga Trotskyista, ang kasinungalingang ang rebolusyonaryong kilusan ay �hati-hati�. Kakorus nila sa ganitong kasinungalingan ang AFP-PNP at iba pang reaksyunaryo. Bahagi ito ng serbisyo nila bilang mga espesyal na ahente ng imperyalismo at reaksyon. Layunin nilang linlangin ang mamamayang Pilipino, itago ang kanilang kontra-rebolusyonaryong kaibuturan, ihasik ang mga lasong anti- Marxista-Leninista-Maoista, anti-digmang bayan at anti- Partido, at paluwagin ang kapit ng Partido at mga rebolusyonaryong pwersa sa mga tungkulin sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan.

Pangunahing angkla ito ng inilalako nilang samu�t saring putahe ng �pagkakaisang� pluralista: pagkakaisang bulag, hindi namimili at walang tinatanggihan. Itong kontra-rebolusyonaryong �pagkakaisa� ay hindi lamang puro sentimyento at kababawan, ito ay mapanlinlang, mapanggantso at uma-apaw sa malisyang anti-Partido at kontra-rebolusyonaryo.

Kaugnay nito ay iwinawasiwas nila ang bandera ng �sosyalismong di sektaryan� upang ipilit na lahat sila�y �sosyalista� at pagtakpan ang kontra-rebolusyonaryong gawain at kriminal na rekord ng mga luma at bagong rebisyunistang taksil at maling ilarawan ang mga ito bilang mga �progresibo� o �rebolusyonaryo�. Matapos ng bigo nilang paglaban sa kilusang pagwawasto at PKP, ang mga nalantad na bagong rebisyunista ay tuluyan nang nagpakalulong sa parlamentarismo at repormismo, gawaing kriminal, gangsterismo at panggagantso sa kilusang manggagawa, mga gawaing rebeldeng lagalag at pamemerwisyo sa masang magsasaka. Binabagtas nila ang landas na binagtas din ng mga Lavaista at pangkating-gangster na Taruc-Sumulong patungo sa lantad na kapitulasyon sa naghaharing uri o ganap na pagkalusaw.

Silang lahat ay pawang mga espesyal na ahente ng naghaharing uri. Katunayan, karamihan sa kanila ay nakaswero sa mga dayuhang funding agency kabilang na ang World Bank, mga burges na institusyon sa Europa at Amerika at mga grupong Trotskyistang prente ng Central Intelligence Agency ng US. Talagang napakalaking kahangalan ang sabihing �rebolusyonaryo� o �progresibo� ang pagkakaisang mabubuo o pasisimunuan ng mga demonyong ito.

Ang paglalarawan sa sarili bilang maka-mamamayan ay panlilinlang lamang ng mga Contra. Katunayan, hindi kayang ipailalim ng mga rebisyunistang taksil ang kanilang sariling interes sa pangkalahatang interes ng aping mamamayan. Kayat ang bawat isang maliit na grupo nilang Contra ay selos na selos na nagtatanggol ng kanikanilang makikitid na interes at hindi matiis na makapiling ang ibang mga Contra. Sadyang ang demonyo ay galit sa kapwa demonyo.

Habang nagkakanya-kanya, nag-aagawan at naggugulangan sa maraming bagay, ang mga grupong Contra ay nagkakaisa laban sa Marxismo-Leninismo- Maoismo, demokratikong rebolusyong bayan, matagalang digmang bayan at Partido. Kahit malampasan nila ang kani-kanyang kakitiran, yabang at agawan sa pera, ang pagkakaisang maaaring tumubo sa kanilang rebisyunistang punla ay walang iba kundi ang nagkakaisang prenteng anti-komunista, anti-sosyalista at kontra-rebolusyonaryo. Sa paraang tuwiran at di-tuwiran, nangangamuhan sila sa imperyalismo at reaksyon.

Itinatakda ng saligang paninindigang anti-Marxista- Leninista-Maoista at anti-Partido ng mga Contra ang kanilang tungkulin sa pulitika�ang guluhin at hadlangan ang pagsulong ng mga pakikibaka ng mamamayang Pilipino laban sa imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo o iligaw ang mamamayan sa landas ng repormismo, insureksyunismo, makauring kolaborasyon at kapitulasyunismo.

Nagpapanggap silang mga �progresibo�, �rebolusyonaryo�, �sosyalista� at �komunista� upang ikubli ang kanilang mga buntot at isiksik ang kanilang sarili sa hanay ng mamamayang lumalaban, makapaghasik ng kamandag at makapanabotahe at hadlangan ang pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan. Sa maraming pagkakataon, nagbabalatkayo silang nasa panig ng masa sa iba�t ibang mga usaping pambansa ngunit para lamang ilihis ang mga paglaban, pigilan ang pagsulong ng militante at samasamang pagkilos ng mamamayan at likhain ang ilusyon ng pagkakahati ng �progresibong� kilusan.

Walang pakikipagkaisa sa mga Contra

Sa pagsigaw ng �pagkakaisa�, tinatangka nilang papanghinain ang paninindigan ng Partido at ng mga rebolusyonaryo laban sa rebisyunismo at kontrarebolusyon. Sa pagwagayway ng bandera ng �pagkakaisa�, inuudyok nilang ibaba ang Pulang bandila ng rebolusyon. Ngunit habang mahigpit na yakap ng Partido ang Marxismo-Leninismo-Maoismo, hindi ito malilinlang ng mga Contra.

Muling itinatag ang Partido noong 1968 sa pundasyon ng Marxismo-Leninismo-Maoismo at pagtatakwil at puspusang paglaban sa rebisyunismo ng mga Lavaista. Naging ubod nang linaw ang kawastuan nito noong dekada �70 nang ang mga Lava ay nauwi sa lantad na pakikipagsabwatan sa diktadurang Marcos at nang sumulong ang rebolusyonaryong pakikibaka sa pamumuno ng Partido. Muling naging malinaw sa negatibong paraan ang kawastuan nito nang nasadlak noong dekada �90 sa sunud-sunod na kabiguan at pag-atras ang rebolusyon matapos magluwag sa anti-rebisyunistang linya bilang saligang prinsipyo dahil sa walangsaysay na pagtatangkang makakuha ng suporta para sa rebolusyon mula sa rebisyunistang Unyong Sobyet. Nagawang lumaganap ang iba�t ibang mga kaisipang rebisyunista (Gorbachovismo, anti-Stalinismo, anti- Maoismo, Trotskyismo atbp.) na pawang umatake at nagpahina sa panloob na rebolusyonaryong katatagan ng Partido.

Muling luminaw sa nakaraang pitong taon na upang pagtibayin ang pagkakaisa at lakas ng Partido, kailangan nitong itakwil at tuluy-tuloy na ilantad at labanan ang mga pwersang kontrarebolusyonaryo �sa madaling salita, kinakailangan ng matalas na pag-iiba sa pagitan ng Marxismo-Leninismo at rebisyunismo. Buong-liwanag na inilalarawan ang kawastuan nito ng maniningning na tagumpay sa pagsusulong ng kilusang pagwawasto at ng mga rebolusyonaryong pakikibakang pinamumunuan ng PKP.

Habang sumusulong ang rebolusyon, lalong pag-iibayuhin ng mga Contra ang kanilang propaganda at pagsisikap para sa �pagkakaisa� upang malikha ang ilusyon ng �pagkakahiwalay� ng Partido at mang-udyok sa mga proletaryong rebolusyonaryo na bitiwan ang kanilang mga saligang prinsipyo. Kung gayon, kailangang lalong ilinaw ang kawastuan at ibayong pagtibayin ang patakaran ng walang pakikipagkaisa sa mga Contra. Panghawakang mahigpit ang patakarang ito: pinid ang pinto ng Partido sa lahat ng mga di nagsisisi at di nagpapanibagong-hubog na taksil sa rebolusyon.

 


Previous articleBack to topNext article

04 Marso 1999
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Paghandaan at labanan ang mas maigting pang mga opensibang militar at panunupil pagkatapos palayain ang mga bihag sa digmaan

Paninindigan ng NDFP
Paggalang sa Karapatan ng mga Bihag sa Digmaan

Sa okasyon ng ika-30 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan
"Labanan ang kaaway hanggang sa tagumpay ng bagong demokratikong rebolusyon!"

Sagisag ng Bagong Hukbong Bayan
Mga Ulat Koresponsal
Pananaig sa konserbatismo at pagsusulong ng armadong pakikibaka sa Gitnang Kabisayaan

Mga Ulat Koresponsal
Pagtalikod Sa Reaksyon, Pagsanib Sa Rebolusyon

Panunupil sa Texas Instruments
Pambubusabos sa mga manggagawa

Panunupil sa Texas Instruments
Pang-aapi sa kababaihan

Ang ICMLPO
Tungo sa pandaigdigang proletaryong pagkakaisa at pagtutulungan

Ang ICMLPO
MGA SIPI

Sosyalistang pagkakaisa?
Ang usapin ng pagkakaisa at ang mga Contra
Sa Ibayong Dagat
Imperyalistang pananalakay sa Balkan Peninsula

Pinagtubuan ang digma
Pahayag
Itigil ang digmang pananalakay ng U.S. at NATO

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.