![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Nakahanda ang Partido Komunista ng Pilipinas at lahat ng rebolusyonaryong pwersang pinamumunuan nito na harapin, labanan at biguin ang todong kontra-rebolusyonaryong digma ng rehimeng Macapagal-Arroyo at ang nakaambang imbing balak ng US na maglunsad ng digmang agresyon sa mga teritoryo ng Demokratikong Gubyernong Bayan. ![]() Buo ang determinasyon ng mga rebolusyonaryong pwersa na ipagtanggol at isulong ang mga tagumpay na nakamit sa rebolusyonaryong pakikibaka sa lahat ng larangan.
Ang pagdedeklara ni Macapagal-Arroyo ng todong digma laban sa rebolusyonaryong kilusan ay tanda ng mabilis na lumalalang krisis ng naghaharing reaksyunaryong sistema at ng takot niya sa mabilis na pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan. Nagsasalita siya nang buong kahambugan, kumikiling nang husto sa mga militaristang patakaran at isinasaisantabi ang usapang pangkapayapaan bunsod ng todong suporta ng imperyalismong US sa AFP at presensya ng mga tropang Amerikano sa loob ng bansa. Mabibigo ang todong digma ng rehimeng Macapagal-Arroyo. Ibayo pang susulong at magkakamit ng mas marami at malalaking tagumpay ang rebolusyonaryong armadong kilusan sa iba�t ibang larangan ng pakikibaka. Dulot ito pangunahin ng malalim na krisis sa ekonomya ng naghaharing sistema; ng maigting na tunggalian ng mga reaksyunaryong pulitiko na nagbubunga ng masidhing instabilidad ng rehimen at ng laganap na disgusto ng mamamayan. Ang paglulunsad ng todong digma ay tiyak ding magdudulot ng ibayo pang paglala ng krisis bunsod ng pagkaubos ng rekurso. Inuupat nito ang militar na maging mas walang pakundangan sa paglabag sa mga karapatang-tao na tiyak na mag-uudyok sa mas malawak na galit at paglaban ng mamamayan. Kinakailangang matalas na suriin at samantalahin ang kalagayang ito at puspusang labanan sa lahat ng larangan upang biguin ang todong digma ng rehimeng Macapagal-Arroyo at ang nakaambang digmang agresyon ng imperyalismong US. Pagkaisahin ang mamamayang Pilipino sa paglaban sa reaksyunaryong rehimeng Macapagal-Arroyo at palakasin ang mga pakikibakang masa sa mga sumusunod na isyu:
Kinakailangang puspusang pukawin, organisahin at pakilusin ang mamamayan kaugnay ng mga isyung ito. May partikular na halaga ang pagtataas ng diwa ng militanteng patriyotismo, ng paglalantad sa iba�t ibang aspeto ng imperyalistang dominasyon sa Pilipinas at sa pangangailangang patuloy na isulong ang istorikong pakikibaka para sa pambansang paglaya.
May partikular na halaga rin ang paglalantad sa kawalan ng interes ng naghaharing rehimen na lutasin ang mga ugat ng gera sibil sa pamamagitan ng negosasyong pampulitika at ang iba�t ibang maniobrang isinasagawa nito upang isabotahe ang usapang pangkapayapaan. Habang pinaiigting natin ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka, maaari nating hikayatin ang mga pwersang naghahangad ng tunay, pangmatagalan at makatarungang kapayapaan na igiit ang pagpapatuloy ng pormal na usapang pangkapayapaan. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng mga napirmahan nang kasunduan at pagrespeto sa dati nang napagkaisahang balangkas at adyenda ng negosasyon. Kinakailangang ipagpatuloy ang pagpapaigting sa rebolusyonaryong armadong pakikibaka. Mulat na pagplanuhan at ilunsad ang mga regular at espesyal na taktikal na opensiba na maipagwawagi. Kailangang ilunsad ang mga ito sa pinakamaraming posibleng lugar upang mapwersang idispers ng kaaway ang mga pasistang tropa at biguin ang pagtatangka nitong magkonsentra ng pwersa sa isang partikular na lugar sa isang partikular na panahon.
Laging subaybayan, pag-aralan at tasahin ang kalagayan at mga kilos ng kaaway upang matukoy ang mahihinang bahagi nito at iba pang target ng mga taktikal na opensiba.
Maaaring ibilang sa mga target ng BHB ang mga linya at tore ng kuryente at mga instalasyong pangtelekomunikasyon na magdudulot ng kalkuladong pinsala sa malalaking korporasyong umaapi sa mamamayan habang tinitiyak na walang sibilyang mapipinsala. Maaari itong isagawa laluna sa panahon ng malalaking deployment at konsentrasyon ng mga tropa ng AFP sa ilang lugar. Ang maliliit na pangkat ng kaaway na gagamiting pambantay sa mga instalasyong ito ay bulnerableng mga target ng BHB. Patuloy na magpakahusay sa pakikidigmang gerilya hindi lamang upang mapreserba ang ating pwersa, kundi upang makapaglunsad rin ng mga taktikal na opensiba laban sa kaaway. Mahigpit na makipagtulungan sa masa. Patuloy na isulong ang rebolusyong agraryo at buuin at palakasin ang mga rebolusyonaryong organisasyong masa. Kailangan ding labanan ang panghihimasok ng US at paghandaan ang planong tuwirang armadong interbensyon ng mga imperyalistang tropa ng US sa kontra-rebolusyonaryong digma. Kaugnay nito�y kinakailangang palakasin at palawakin ang mga pakikibaka laban sa mga pagsasanay-militar, sa pagpapatibay ng MLSA at sa bulag na pagsasakatuparan ng "digmang kontra-terorismo" ng gubyernong Bush. Mahalaga ring makipagkaisa sa mamamayan ng buong mundo para sa pagwawakas ng armadong interbensyon ng US sa iba�t ibang bansa kabilang ang pagbigo sa planong panggegera sa Iraq. Importante ring makipagkaisa sa mamamayang Amerikano, agresibong ilantad sa kanila ang pagpapahirap sa mamamayang Pilipino ng todong digma ng rehimeng Macapagal-Arroyo at ang malawak na pagtutol sa presensya ng mga tropang Amerikano sa bansa. Ang isang kilusang anti-digmaan sa US na nananawagan para sa pagpapauwi ng mga tropang Amerikano ay makatutulong nang malaki sa pagsisikap na labanan ang digmang agresyon ng US sa bansa. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|