Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Pananalanta ng Pasistang Estado:
Mga kaso ng pagpatay isinampa laban sa militar

 Read this article in English

Dumadagsa na sa mga upisina ng Joint Monitoring Committee (JMC) ang maraming kaso ng paglabag ng mga pwersa ng gubyerno sa mga probisyon ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL). Tampok sa mga ito ang 51 kaso ng pamamaslang na isinagawa ng mga militar, pulis at paramilitar ng gubyerno.

Unang kaso. Unang-unang nagsampa sa JMC ng kasong pagpaslang si Dee Batnag-Ayroso. Ang asawa niyang si Honorio, kasapi ng Bayan Muna (BM), ay dinukot ng limang pinaghihinalaang elemento ng 71st IB sa Mu�oz, Nueva Ecija noong Pebrero 9, 2002. Kasama niyang dinukot si Johnny Orcino, coordinator ng BM para sa Nueva Ecija. Hanggang ngayon ay nawawala pa ang dalawa.

Mindoro. Sinampahan si Brig. Gen. Jovito Palparan Jr. ng mga kasong murder noong kumander pa siya ng 204th Bde sa Mindoro. Ang nagsampa ay sina Orly Marcellana, Roseann Gumanoy at Edilberto Napoles Sr., mga kamag-anak ng mga biktimang pinatay sa Mindoro sa utos ni Palparan. Si Orly ay asawa ni Eden Marcellana, pangkalahatang kalihim ng KARAPATAN-ST. Si Roseann ay anak ni Eddie Gumanoy, lider-magsasaka ng Southern Tagalog. Sina Marcellana at Gumanoy ay dinukot at pinaslang ng militar noong Abril 2003. Si Edilberto Napoles Sr. naman ay ama ni Edilberto �Choy� Napoles Jr., ang BM coordinator ng Mindoro Oriental na pinaslang noong Marso 2002.

Sinampahan din nina Nympha Magsino at Edilberta Ma�ano ng hiwalay na kasong murder si Col. Fernando Masa, ang pumalit kay Palparan bilang kumander ng 204th Bde. Si Magsino ay hipag ng pinaslang na vice mayor ng Naujan, Mindoro Oriental na si Juvy Magsino. Si Ma�ano ay ina ng coordinator ng Anakpawis sa Mindoro Oriental na si Isaias Ma�ano. Parehong pinaslang ang mga biktima sa kainitan ng kampanyang elektoral ngayong 2004.

Umabot naman sa 36 na kaso ng pagpatay sa Mindoro Oriental ang isinampa ni Girlie Padilla, pansamantalang pangkalahatang kalihim ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP), laban sa militar. Kabilang sa mga ito ang kaso ng pagpaslang kay Leonardo Rodriquez, isang organisador ng mga magsasaka.

Mawab Four Massacre at iba pa. Sampung kaso naman ang isinampa ni Ariel Casilao, pangkalahatang kalihim ng KARAPATAN-Southern Mindanao sa ngalan ng mga biktima ng pamamaslang sa naturang rehiyon. Isa na rito ang kaso laban kay Lt. Col. Edgardo Gonzales, kumander ng 60th IB ng Philippine Army, na itinuturing na responsable sa �Mawab Four Massacre.� Tinukoy siyang pasimuno sa pagsasalbeyds kina Godofredo Guimbaolibot, Roland Jubajib, Engr. Edwin Asion at Mariano Diamante sa Mawab, Compostela Valley. Si Gonzales din ang itinuturing na responsable sa �Laac Massacre� sa Davao del Norte at sa pwersahang pagpapalikas ng mga taumbaryo ng New Bataan, Compostela Valley.

Sumusunod ay ilan pang kasong isinampa ng KARAPATAN-Southern Mindanao:

  • Laban kay Maj. Nixon Fortes�kaugnay ng �Baganga Massacre� sa Davao Oriental noong Agosto 18, 2003. Kabilang sa mga biktima ang tatlong menor-de-edad.

  • Laban kay Col. Alen Capuyan, dating hepe ng Military Intelligence Group (MIG) kaugnay ng �Maco Four Massacre� noong 2003.
    Dumadagsa na sa mga upisina ng Joint Monitoring Committee ang maraming kaso ng paglabag ng mga pwersa ng gubyerno sa mga probisyon
    Apat na kasapi ng Anak ng Bayan�sina Marjorie Reynoso, Lito Doydoy, Jonathan Benro at Ramon Ragare Jr.�ang dinukot at sinalbeyds ng militar sa Maco, Compostela Valley.

  • Laban sa mga elemento ng paramilitar na pumaslang kay Benjaline Hernandez at tatlong iba pa noong Abril 2002 sa Arakan Valley, North Cotabato. Si Hernandez, dating pangulo ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) sa naturang rehiyon, ay upisyal ng KARAPATAN-Southern Mindanao nang siya ay paslangin.

Nagsampa rin ng mga kasong murder laban sa militar ang InPeace (Initiatives for Peace in Mindanao) sa ngalan ng mga biktima ng mga pambobomba sa Davao Domestic Airport at Sasa Wharf noong 2003.

SAMANTALA, sa Quezon, patuloy pa rin ang mga karumal-dumal na paglabag sa karapatang-tao na ang pangunahing target ay mga aktibista at myembro ng mga progresibong partido at organisasyon. Ang

ng CARHRIHL.pinakahuling pangyayari ay noong Hunyo 18 sa Pagbilao, Quezon kung saan pinaslang si Merle Catabay, isang 40 anyos na tagakampanya ng Bayan Muna. Malapitang binaril si Catabay ng dalawang pinaghihinalaang militar sa palengke ng Peninsula Homes Subdivision sa Barangay Bukal. Ayon sa mga nakasaksi, tumakas ang mga salarin sakay ng isang puting van na walang plaka.

Sa panibagong karahasang ito, umabot na sa apat ang mga pinaslang na kasapi ng Bayan Muna sa Pagbilao nitong panahon ng eleksyon. Ang naunang tatlo ay sina Roger Perez, Belen Ysrael at Conrado Katigbak. Ang asawa ni Perez na si Cristina ay nakaligtas sa kamatayan nang silang mag-asawa ay pagbabarilin malapit sa kanilang bahay ilang araw bago ang eleksyon.

Pinagtangkaan din ang buhay ng apat na aktibista sa Pagbilao. May dalawa pang aktibistang dinukot at nawawala pa rin hanggang ngayon.

 


Previous articleBack to topNext article

21 Hunyo 2004
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Lumalalang krisis pangkabuhayan

Hindi mapapanatag ang paghahari ni GMA
Pananalanta ng Pasistang Estado:
Mga kaso ng pagpatay isinampa laban sa militar
Pandaigdigang Araw ng Desaparecidos, ginunita
Panibagong anomalya sa AFP, nabunyag
Kampanyang anti-malarya ng BHB
Ang sakit na malarya
Pagpapabaya ng gubyerno
Mga Ulat Koresponsal:
Mga tagumpay ng BHB sa Eastern Visayas

Matatagumpay na Opensiba ng BHB:
50 armas nasamsam sa mga reyd ng BHB

Matatagumpay na Opensiba ng BHB:
Hepe ng pulisya sa Angat, Bulacan pinarusahan

Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.