![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Lalong tumatampok ang sukdulang iligalidad at imoralidad ng gerang agresyon sa Iraq at pagkakahiwalay sa mamamayan ng mga lider-gubyernong nagtulak at sumuporta rito. Bunga ito ng patung-patong nang patunay na tahasan nilang nilinlang ang kani-kanilang mga mamamayan at ang buong mundo hinggil sa pagkakaroon ng Iraq ng weapons of mass destruction (WMD), ang batayan ng pagsalakay sa bansa. Tumatampok ito ngayon bilang pinakamalaking kasinungalingan ng mga namumuno sa US at United Kingdom mula noong Iskandalong Watergate na nag-obliga sa presidente noon ng US na si Richard Nixon na magbitiw sa katungkulan.
May mga panawagan na para sa impeachment ni US President George W. Bush. Nitong Hunyo, sisimulan na sa kongreso ng US ang imbestigasyon sa malawakang panlilinlang ng kanyang rehimen at ng CIA. Pinagpipistahan na rin ito ng dumarami niyang kalaban sa pulitika. Sa UK, sinimulan na rin sa parlamento ang imbestigasyon sa mga anomalya ng ulat paniktik na ginamit ni Blair. Nahihiwalay na rin sina President Jose Mar�a Aznar ng Spain at Prime Minister John Howard ng Australia. Partikular sa Spain, natalo ang partido ni Aznar sa katatapos lamang na eleksyon para sa parlamento. Hudyat na rin ito ng napipintong pagtatakwil sa kanya ng mamamayan sa susunod na halalan. Unti-unti na ring inaabandona sina Bush, Blair at Howard ng ilan sa kanilang mga upisyal na umiiwas nang madamay sa pagkakalantad ng mga kasinungalingan at lumalakas na pagbatikos sa kanila. Sa US, karamihan sa mga nagbitiw ay katulad nina Press Sec. Ari Fleischer at ilang upisyal ng State Department na direktang sangkot sa paghahabi ng mga kasinungalingan sa midya at sa publiko. Kabilang rin sa mga nagbitiw nang upisyal si Gen. Tommy Franks, kumander ng mga tropang Amerikano na sumalakay sa Iraq. Sa UK, mahigit 70 mula mismo sa partido ni Blair ang kumakalaban na sa kanya. Nagbitiw si Godric Smith, tagapagsalita ni Blair. Una rito, nagbitiw na si Robin Cook, lider ng House of Commons at dating UK Foreign Secretary; Clare Short, International Development Minister; at iba pang upisyal sa gabinete ni Blair. Nagbanta ring magbitiw ang mga hepe ng MI-6 at MI-5, mga pambansang ahensyang paniktik ng UK. Sa Australia, nagbitiw si Andrew Wilke, senior intelligence analyst ng Office of National Assessments (pambansang ahensya sa paniktik). Dumidistansya na rin si Prime Minister John Howard sa sagadsagarang pagsuporta sa gera sa Iraq. Aniya, hindi niya alam na palsipikado ang mga datos nina Bush at Blair at kabilang lamang ang kanyang gubyerno sa mga nalinlang ng US at UK. ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|