Sino ang itinuturing na kombatant?
Sino ang itinuturing na kombatant?
Nang inaresto ng BHB si Hen. Victor Obillo at Kapt. Eduardo Montealto, iginiit ng mga upisyal ng GRP at AFP na sila ay mga �non-combatant�, mga di lehitimong target ng armadong tunggalian. Sa gayon umano, ang pag-aresto sa kanila ay labag sa pandaigdigang mga regulasyon sa digma. Kasabay nito, nagmamatigas ang GRP na ang dalawang upisyal ay hindi mga bihag ng digma kundi mga biktima raw ng pagkidnap at nagpostura itong hindi makikipagnegosasyon sa NDFP para sa pagpapalaya sa kanila.
Magkasalungat ang dalawang tindig na ito ng GRP/AFP: Sa isang banda, iginigiit nila sa BHB na kailangan itong sumunod sa mga pandaigdigang regulasyon sa digma, sa partikular, sa usapin ng istriktong pag-iiba sa kombatant at di kombatant. Subalit sa kabilang banda, patuloy itong tumatangging kilalanin ang katayuan ng BHB bilang katunggali sa isang digmaang sibil at nagpupumilit na ituring ang rebolusyonaryong kilusan bilang isang panloob na suliranin ng pulisya, isang �insurgency� na di saklaw ng mga batas ng digma.
Katunayan, sina Obillo at Montealto ay mga kombatant. Ayon sa Protocol I, ang �mga kasapi ng armadong pwersa ng isang panig sa isang tunggalian (liban sa mga tauhang medikal at mga kapelyan o chaplain�) ay mga kombatant, ibig sabihi�y, mayroong karapatang direktang lumahok sa labanan�.
Kung kaya�t tahasang disimpormasyon ang ipinangangalandakan ni Orlando Mercado, Kalihim ng Department of National Defense at iba pang matataas na upisyal ng AFP na sina Obillo at Montealto, na mga upisyal ng 55th ECB, ay hindi mga kombatant at pawang konstruksyon lamang ng mga daan at tulay ang inaasikaso, na tila walang ipinagkaiba sa mga tauhan ng Department of Public Works and Highways.
Sa istruktura ng AFP, ang ECB ay isang combat support unit; ito ay armadong yunit na ang mga gawain ay nakatuon sa mga konstruksyong kinakailangan sa mga operasyon at layuning militar. Kasama ng ECB sa combat support units ng Philippine Army ang Signal (komunikasyon sa radyo) at PALAB (Philippine Army Light Armor Brigade). Ang mga ito ay tuwiran at importanteng bahagi ng mga operasyong pangkombat, di gaya ng service support units (hal., medikal at mga chaplain). Sina Obillo at Montealto na parehong armado ng .45 nang madakip, ay mga kombatant at lehitimong target ng armadong aksyon ng BHB.
![](../../angbayan/images/textend3.gif)
|