Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  


 

Mga Balita

 Read this article in English

Ambus inilunsad sa Calbayog City

Inambus ng isang iskwad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang trak na sinasakyan ng militar sa Calbayog City nitong Hunyo 4. Kaagad namatay ang isang sundalo na kabilang sa 63rd IB na nakabase sa Urdaneta Village, Lavezares, Northern Samar. Naganap ang ambus bandang alas 7 n.g. sa Tinambacan District, 30 kilometro mula sa sentro ng Calbayog City.

2 sundalo, patay sa engkwentro sa Quezon

Dalawang sundalo ang namatay sa engkwentro sa pagitan ng BHB at composite force ng mga militar nitong Hunyo 6. Naganap ang labanan sa Barangay Ilayang Bagumbongan, Pagbilao, Quezon. Bandang ala-una n.h. naganap ang labanan sa pagitan ng BHB at ng pinagsanib na mga elemento ng 76th IB, 4th Intelligence Security Unit, 4th Military Intelligence Group at 417th PNP Mobile Group na pinamunuan ni Lt. Jarold Jale.

Pulis, sugatan sa labanan sa Bohol

Isang pulis ang nasugatan nang makaengkwentro ng BHB ang nagpa-patrulyang tim ng mga pulis sa Barangay Garcia, San Miguel, Bohol nitong Hunyo 3. Nagsimula ang labanan bandang alas-5 ng hapon.

Despotikong ex-mayor pinarusahan ng BHB sa Camarines Sur

Pinarusahan ng BHB noong May 28 si Leoncio Gan, 64, dating alkalde ng Goa, Camarines Sur. Inambus ng BHB ang sasakyan ni Gan habang papalapit ito sa Goa Central School.

Malaon nang nasa talaan ng mga dapat parusahan si Gan dahil sa kanyang pagiging despotikong warlord at sa maraming utang na dugo sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan. Naging meyor si Gan mula 1988 hanggang 1998 at kilala sa pagiging sagadsaring kontra-rebolusyonaryo.

Hadlangan ang interbensyong militar ng US -- BHB-Dulong Timog Mindanao

Idiniin ni Dencio Madrigal, tagapagsalita ng Valentin Palamine Command (VPC) ng BHB sa Dulong Timog Mindanao, na handa ang rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon na hadlangan ang pagpasok ng mga tropang militar ng US dito.

Sa isang pahayag, mariin ding kinundena ni Madrigal ang mga teroristang atake sa Cotabato City noong Abril na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng mahigit 100 pa. Ani Madrigal, ginagamit ngayon ng gubyerno ang nakababahalang sitwasyon sa rehiyon upang bigyang daan ang pagpapalawig ng interbensyong militar ng US at ang ekstensyon nito sa rehiyon. Noong Mayo 9 ay inilabas din ng Malakanyang ang Memorandum Order No. 61 na nag-uutos ng pagdagdag ng mga tropang militar sa Mindanao.

Kasabay ng paghayag ng kahandaan, nanawagan din ang VPC sa mamamayan ng Dulong Timog Mindanao na hadlangan ang interbensyong militar ng US sa rehiyon.

Tatlong pulis sugatan sa ambus ng BHB sa Sarangani

Tatlong pulis ang nasugatan nang ambusin ng isang pangkat ng BHB ang mga nagpapatrulyang elemento ng 1206th Provincial Mobile Group ng PNP noong Abril 16 sa Maasim, Sarangani. Nangyari ang ambus dakong 6:30 n.u.

Pagsanib ng 264 myembro CPLA sa AFP, tinuligsa ng BHB-Kordilyera

"May kinakandiling teroristang pangkat ang rehimeng Macapagal-Arroyo!" Ito ang ang mariing pahayag ni Ka Martin Montana, tagapagsalita ng Chadli Molintas Command (CMC) ng BHB sa Kordilyera kaugnay ng pormal na pagsanib ng 264 na myembro ng Cordillera People�s Liberation Army (CPLA) sa AFP noong Mayo. Aniya, malaki ang pananagutan ng CPLA sa rebolusyon at mamamayan dahil sa mahabang rekord ng krimen nito tulad ng pagpatay sa mga militanteng lider Igorot.

Ang integrasyon ay kinumpirma ni Defense Sec. Angelo Reyes noong Mayo 24 at pormal na sinimulan ang mga pagsasanay para rito nitong Hunyo 1. Iniutos ito ni Gloria Macapagal-Arroyo noong Setyembre 1, 2001.

May 1,200 pang elemento ng CPLA na bubuuin sa anim na kumpanya ng CAFGU at idedeploy sa anim ding prubinsya sa Kordilyera upang labanan ang BHB.

Pinabulaanan din ng CMC ang ipinagkakalat ng CPLA na naghahangad ito ng pakikipagnegosasyon sa BHB. Anang CMC, itinuturing nito ang CPLA bilang teroristang grupo at ang mga lider nito bilang mga kontra-rebolusyonaryong taksil at mga kriminal na mersenaryo. Kinumpirma naman ng CMC ang pagbalik sa BHB ng ilang myembro ng CPLA dahil sa di masikmurang mga kriminal na aktibidad ng huli.

8 kalansay, nahukay sa North Cotabato

Walong kalansay ang nahukay ng mga residente ng Sityo Natipakan, Barangay Latagan, Matalam, North Cotabato noong Mayo 22 matapos ang halos 18 taong paghahanap. Ang walo ay biktima ng pananalbeyds ng mga pasistang tropa. Kinilala ng kanilang mga pamilya ang walo na sina Esperidion Tableyo, Diosdado Sarsi, Domingo Granatos, Cristituto Tanyan, Jimmy Lobitos, Norman Villavito, Jericho Cabanias at Mitchie Elejo, pawang mga sibilyang sinalbeyds ng dating PC-INP, Civilian Home Defense Forces at AFP. Pinatay ang mga biktima noong Hulyo 14, 1984 pagkatapos ng isang engkwentro sa pagitan ng BHB at militar sa nasabing barangay.

CARP sa Mindanao, inutil sa harap ng komersyalisasyon ng agrikultura

Inilantad ng mismong mga sinasabing benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa Mindanao na mula�t sapul ay inutil ang CARP sa harap ng malawakang komersyalisasyon ng agrikultura sa Mindanao.

Inilantad nila sa Mindanao Caucus on Commercial Farms nitong Hunyo 7 na tinalo ng komersyalisasyon ang pagpapatupad ng CARP sa pamamagitan ng malawakang pagpapalit-gamit ng lupaing agrikultural mula pa 1988, kabilang dito ang mga lupaing naipamahagi na sa ilalim ng CARP.

Upang masaklaw ng mga komersyal na plantasyon ang mga lupaing dapat naipamahagi na sa mga magsasaka sa ilalim ng CARP, gumagawa ang mga may-ari ng plantasyon ang iba�t ibang paraan upang makamit ang pagpapalit-gamit sa naturang mga lupain, pagtransporma sa mga magsasaka tungo sa pagiging manggagawang bukid na lamang, pagpapaloob sa mga magsasaka sa mga "kooperatiba" para ito na lamang ang kinokontrata ng plantasyon at pagbubuo ng mga production profit sharing contract (kontrata para sa hatian ng kita mula sa produksyon).

Sobra-sobrang pag-agrabyado at pagsasamantala ito sa mga magsasaka. Sa kalagayan ng mga manggagawang bukid, mas madali nang napapatalsik ang mga magsasaka mula sa mga plantasyon. Sa pamamagitan ng nailahad na mga kaparaanan, mga 20,000 manggagawang bukid sa mga plantasyon ng saging sa Mindanao na ang napatalsik sa trabaho dulot ng komersyalisasyon ng mga sakahang akala nila�y napasakanila na.

Bilang ng mga welga tumaas nang 11% sa unang 5 buwan

Tumaas nang 11% ang bilang ng welga sa buong bansa mula Enero hanggang Mayo habang 180% naman ang inilaki ng bilang ng mga manggagawang lumalahok dito. Nagbabanta pang mag-walk out sa trabaho ang mahigit 53,000 mula sa 292 empresa dahil sa mga nakabiting usapin sa paggawa. Tumaas din nang 22% ang bilang ng mga strike notice na isinampa sa Department of Labor and Employment sa loob ng pareho ring panahon. Samantala, nanganganib na mawalan ng trabaho ang libu-libong manggagawa dahil sa bantang pagsasara ng 521 komersyal na empresa bunga umano ng kahirapan sa pinansya.

Pambansang araw ng protesta - PPA, mariing tinutulan ng mamamayan

"GMA kalampagin, PPA tanggalin!" Ito ang tema ng aksyong masa sa Kamaynilaan nitong Hunyo 5 na naghudyat sa Pambansang Araw ng Protesta laban sa purchased power adjustment (PPA). Ang pagkilos ay pinangunahan ng koalisyong People Opposed to Warrantless Electricity Rates (POWER) at ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN).

Bandang alas-9:00 n.u., nagtipon ang ilanlibong mamamayan sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City at sinimulan ang protesta sa pamamagitan ng isang motorcade. Binagtas nito ang EDSA; Sangandaan, Caloocan City; Malate, Sta. Mesa at Sampaloc, Maynila; at tumuloy sa Welcome Rotonda, Quezon City. Nakilahok sa pagkilos ang mga doktor at iba pang empleyado ng Philippine Heart Center sa pamamagitan ng isang noise barrage sa bungad ng ospital.

Mula sa Welcome Rotonda, nagmartsa ang mga demonstrador patungong tulay ng Mendiola sa Maynila upang kumprontahin si Macapagal-Arroyo kaugnay ng pitong sentimong pagtaas ng singil sa PPA mula Abril hanggang Mayo. Nauna rito�y binatikos nila ang planong pribatisasyon ng National Transmission Corporation, ang kumpanyang nangangasiwa sa mga linya ng kuryenteng likha ng NAPOCOR.

Ani Lolita Donato, tagapagsalita ng POWER, "ang mahirap kay Presidente Arroyo, ayaw niyang amining bigo ang pribatisasyong aniya�y solusyon (sa mataas na singil sa kuryente) at pinatibay lamang nito ang monopolyong kontrol sa industriya (ng kuryente)".

Sinabi naman ni Renato Reyes, tagapagsalita ng BAYAN, na ngayon ay nailantad na ng militansya ng publiko ang kamuhi-muhing PPA at ang sakunang dala ng pribatisasyon sa serbisyo sa kuryente na ipinatutupad ng rehimeng Macapagal-Arroyo. "Ang susunod na hakbang ay ipagpatuloy ang mga protesta upang ganap na alisin ang PPA sa ating mga bayarin at itatag ang isang maka-Pilipinong industriya ng kuryenteng malaya sa mga monopolyo at dayuhang interes." Idinagdag pa ni Reyes na ipagpapatuloy ng BAYAN ang mga pagkilos laban sa PPA hanggang sa okasyon ng State of the Nation Address ni Macapagal-Arroyo sa Hulyo.

Sa tulay ng Mendiola, inihudyat ng POWER at BAYAN ang sabay-sabay na noise barrage.

Buong maghapon ay bukas ang mga protest center kung saan pinatatakan ng "Paid Under Protest" ang mga bill ng Meralco. Rumurok ang protesta bandang alas-9:00 hanggang alas-10:00 ng gabi nang kusang magpatay ng kuryente ang iba�t ibang komunidad sa Kamaynilaan upang ipakita ang mariing pagtutol sa PPA.

Ang pambansang pagkilos laban sa PPA ay nilahukan din ng mamamayan sa Baguio City, Pampanga, Bulacan, Laguna, Legazpi City, Iloilo City, Davao City at iba pang sentrong urban.

P21B ninakaw ng mga mambabatas � Rep. Andaya

Halos 20% o P21 bilyon ng P104 bilyong procurement budget (badyet para sa pagbili ng mga kagamitan at suplay) ang napunta sa katiwalian at korapsyon ng mga mambabatas, mga upisyal ng gubyerno at mga kontraktor noong isang taon. Inihayag ito kamakailan ni Rep. Rolando Andaya Jr. ng Camarines Sur. Si Andaya ang tagapangulo ng appropriations committee ng kongreso.

Kabilang sa procurement budget ang pork barrel ng mga senador at kongresman. Bawat senador ay may P200 milyon na pondo para sa Priority Development Assistance Fund (dating tinatawag na Countrywide Development Fund) habang P65 milyon naman ang para sa bawat kongresman. Mayroon pang tinatanggap na minimum na P35 milyon ang bawat kongresman para naman sa public works fund. Halos 60% ng badyet para sa mga farm-to-market road ay napupunta rin sa korapsyon.

Ang sinasabing ninakaw na P21 bilyon pondo ay mas malaki kaysa sa badyet na P16.8 bilyon na inilaan ng gubyerno sa mga pampublikong unibersidad at kolehiyo at sa P11.8 bilyon para sa buong Department of Health.

NATO nagpapalawak sa Eastern Europe

Tinanggap ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) noong Mayo 14 ang Russia bilang partner diumano nito sa paglaban sa terorismo, pagkontrol sa armas at international crisis management (pagharap sa internasyunal na krisis). Isang araw matapos nito, pinaghandaan na ng NATO ang ekspansyon sa mga kanugnog na bansa ng Russia.

Ginagawang tuntungan ng US ang NATO upang magpalawak ng impluwensya sa Eastern Europe at makumbinse ang mga bansa ritong lumahok sa inihahandang digma ng US laban sa mga bansang ikinakategoryang "terorista". Kasama ito sa plano ng pagpapalakas at paglalatag ng forward stationed and deployed forces, forward deterrence forces at forward combat and expeditionary forces sa iba�t ibang bansang may pang-ekonomya at pampulitikang interes ang US. Magsisilbi rin ang mga bansang ito bilang kliyente ng US sa ibinebentang mga kagamitang pandigma. Tinatayang makabebenta rito ang Lockheed Martin at Boeing, mga korporasyon ng US sa depensa, ng $8-10 bilyong halaga ng mga eroplanong pandigma at $35 bilyong halaga ng mga sandata.

Samantala, dumating sa Tbilisi, Georgia ang 18 sa 150 tropang US upang magdaos ng pagsasanay sa mga upisyal at sundalong Georgian tulad ng ginagawa sa Pilipinas sa anyo ng Balikatan. Magbibigay din ang US ng mga armas, amunisyon at mga kagamitang pangkomunikasyon, medikal at pangkonstruksyon sa bansa. Sa kasalukuyan, may lumalakas na armadong pakikibaka ang mamamayan sa Georgia.

Nakatakdang magdaos ng espesyal na pagpupulong ang NATO sa Nobyembre sa Prague, Czech Republic, kasama ang 10 pang bansa sa Eastern Europe na nagnanais sumapi sa organisasyon. May 17 iba pang bansa sa Eastern Europe at Central Asia na nagpaplanong sumapi sa alyansa.

Mga syudad at bayan sa Palestine, paulit-ulit na nilulusob ng mga tropang Israeli

Muli na namang nilusob ng mga tropang Israeli ang lunsod ng Ramallah at pinaligiran ang himpilan ng Palestinian Authority nitong Hunyo 10. Hinalughog nila ang syudad at nang-aresto ng 60 pinagsususpetsahang militante. Umatras muli sa paligid ng syudad ang mga Israeli noong Hunyo 12, pero pinanatili nila ang pagkubkob dito. Sa paglusob rito noong Hunyo 6, pinasabog ng mga Israeli ang dalawang gusali sa syudad, bilang ganti umano sa suicide bombing na isinagawa ng isang Palestino isang araw ang nakaraan. Noong Hunyo 9, pinasok ng mga Israeli ang Gaza City at inaresto rito ang lider ng Islamic Jihad sa Gaza Strip.

Noong Mayo 31, nilusob ng mga Israeli ang syudad ng Nablus at ang kalapit na refugee camp ng Balata. Humigit-kumulang 40 tangke at APC ang lumusob sa Balata habang nakikipagdayalogo si Yasser Arafat sa ilang lider ng iba�t ibang bansa kaugnay ng komprehensibong batas tungo sa pagbalangkas ng konstitusyon ng Palestine.

Inaresto ng mga Israeli ang 400 Palestino, kabilang ang isang promineteng lider sa Nablus, mga myembro ng Fatah (organisasyon sa loob ng Palestinian Liberation Organization na pinamumunuan ni Yasser Arafat), walong aktibistang nagtataguyod ng kapayapaan, isang manunulat para sa Petra News Agency ng Jordan at mga babaeng estudyante sa Nablus. Pinasabog ng mga Israeli ang dalawang bahay kung saan may natagpuan sila diumanong mga bomba.

Bago ito, nilusob ng mga tropang Israeli ang lunsod ng Hebron noong Mayo 30. Sakay ang mga nasabing tropa sa tatlong tangke, 20 APC at 20 dyip. Halos gabi-gabi ay nirereyd ng mga tropang Israeli ang mga bahay sa syudad sa paghahanap ng mga milisya, sandata at bomba.

Sinundan ang mga ito ng muling paglusob nitong Hunyo 4 sa syudad ng Qalqilya kung saan naglagay ang mga Israeli ng tsekpoynt at nag-aresto ng pitong pinagsususpetsahang militante sa kalapit na bayan ng El Bireh. Nilusob ding muli ng mga tropang Israeli ang mga bayan ng Jenin at Bethlehem nitong Hunyo 5. Nagsagawa sila ng istraping sa Jenin gamit ang 30 tangke at mga helikopter na Apache at nang-aresto ng mga Palestino rito at sa Bethlehem.

Sa mga nakaraang linggo, halos araw-araw ay may nilulusob ang mga Israeli na mga syudad, bayan at komunidad ng Palestine para mang-aresto ng mga pinagsususpetsahang militante at mang-api sa mga Palestino. ###

 


Previous articleBack to top 

Hunyo 2002
Edisyong Pilipino


Editoryal:
Labanan ang mabilis na nag-iibayong armadong interbensyon ng US sa bansa

Komedya sa Senado at Kongreso
Basic Education Curriculum ng DepEd:
Dagdag na salot sa sistema ng edukasyon

Kolonyal na oryentasyon
Matrikula muling tumaas ngayong pasukan
Kampanya sa niyugan:
Bikol, umaani ng tagumpay

Tulungan sa pagsasaka:
Ang lusong ni Mang Jose

DYnastiya sa Isabela
Mga anti-mamamayang negosyo ni Dy sa Isabela, poprotektahan ng CAFGU
Pananalanta ng pasistang estado
Tugon ng mamamayan sa mga lansakang paglabag sa mga karapatang-tao sa Oriental Mindoro
Mga anti-globalisasyong pagkilos, sumusulong
Mga kilusang masa laban sa mga imperyalistang dikta, lumalakas sa buong daigdig
Palayain ang mga detenidong pulitikal sa buong mundo!
Mga Balita
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.