![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
"Mula nang itatag ang 9th �Orgullo� Brigade, hibang ito sa pagrekrut ng maraming kabataang Bikolano upang magsundalo." Ito ang pahayag ni Gregorio Ba�ares, tagapagsalita ng National Democratic Front sa rehiyon ng Bikol. Nang buuin ang naturang yunit ng Philippine Army noong nakaraang taon, ang plano ay bumuo ng isang dibisyon ng mga sundalong pawang Bikolano. Ginamit ng bagong yunit ang bansag na �Orgullo� dahil sila raw ang dangal ng Bicol (sa wikang Bikol, ang salitang �orgullo� ay nangangahulugang �dangal�). Ang 9th Brigade ang pangunahing yunit militar na nakatutok sa buong Bikol. Nakabase ito sa Camp Canuto sa Pili, Camarines Sur.
Idinadahilan ng mga upisyal ang kakapusan sa badyet kaya hindi sila makapagrekrut ng sapat na bilang ng tauhan para sa �Orgullo� Brigade. Ngunit higit pa rito, hindi nagtagumpay ang brigada dahil kinamumuhian ito ng mamamayan bunsod ng mahabang rekord ng mga krimen at pang-aabuso sa kanila. Simula�t sapul, nilabanan na ng mamamayan ang ginagawa nitong rekrutment para sa CAFGU at ang pagtatayo nito ng mga detatsment sa iba't ibang lugar. Dagdag dito, hindi lingid sa mamamayan at sa mismong mga elemento ng CAFGU na madalas silang nagiging biktima ng kapalpakan ng AFP at PNP at kanilang mga upisyal. Ilang halimbawa: Noong Pebrero 20 ngayong taon, napatay ng mga pulis sa isang misencounter sa Barangay Mapinya, Masbate City ang isang myembro ng CAFGU at nasugatan ang dalawa pa nang magresponde ang naturang mga elemento ng CAFGU matapos parusahan ng isang yunit ng BHB si Barangay Kapitan Laloy Danao na myembro ng sindikato. Pinalabas na lamang sa midya na nilusob diumano ng BHB ang Kababayan Center na nagresulta sa pagkamatay at pagkasugat ng naturang mga elemento ng CAFGU. Sa isa pang misencounter, napatay ng mga sundalo ng 2nd IB ang dalawang elemento ng CAFGU sa Barangay Bangao, Baleno, Masbate ngunit muling pinalitaw sa midya na napatay ang mga ito nang makasagupa ng BHB. Sa galit ng kasamahan nila sa CAFGU, sabay-sabay silang nagsi-AWOL. Dahil sa mga ito, dumaraming tropa ang tumitiwalag na sa CAFGU at AFP. Ang iba sa kanila ay sumurender sa BHB at mayroon pang tuluyang sumasapi rito. Ayon sa NDF-Bicol, noong ikalawang linggo ng Setyembre, tumiwalag sa 31st IB ang 13 kasapi ng CAFGU sa Barangay Bagong Silang II sa Labo, Camarines Norte. "Tumiwalag sila dahil hindi na nila masikmura ang pang-aabuso ng mga upisyal ng Charlie Company ng 31st IB, at ang madalas na pagkaantala ng kanilang kakarampot na alawans," ayon kay Ba�ares. (Halaw sa Bukas na Liham ng NDF-Bikol sa mga CAFGU at karaniwang sundalo ng 9th Brigade, Setyembre 25, 2003) ![]()
| |||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|