![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Noong Hunyo 26, nagulantang ang kaaway nang ilunsad ng mga Pulang mandirigma ang kagila-gilalas na pagsalakay sa detatsment ng 52nd IB sa Barangay Cagpili, Oras, Eastern Samar. Sampung elemento ng CAFGU at limang sundalo ang napatay at dalawa ang nasugatan. Nakumpiska ang 25 armas: isang M203, pitong M16, limang M14, siyam na Garand, dalawang karbin at isang .45 kal. pistola. Nakasamsam din ng 2,225 bala, mga gamit pangkomunikasyon, mga napsak at uniporme at ibang kagamitang militar at pang-upisina. Ibinabahagi ng sumusunod na artikulo ang matitingkad na katotohanan sa likod ng matagumpay na reyd sa Oras, laluna hinggil sa lawak at lalim ng suportang masa sa armadong pakikibaka. Itinutuwid rin nito ang ipinagkalat ng AFP na mga bulaang kwento. Halaw ito sa mga koresponsal mula sa Eastern Visayas:
Sinamantala ng BHB ang ganitong pag-iisip ng kaaway. Sa binuong plano sa atake, ipinusisyon ang pangunahing base of fire sa kabilang burol bilang dibersyon at pampayong sa mayor na pwersang panalakay at pangalawang base of fire. Ayon sa plano, aagawin muna ang mahinang bahagi ng detatsment sa isang dulo at gagawing ikalawang base of fire, upang hakbang-hakbang na makuha ang mga pusisyon ng kaaway sa gitna at sa kabilang dulo na may pinakamalakas na depensa. Pagsapit ng takdang oras na 4:30 ng umaga, ang katahimikan ay biglang binasag ng naglalakasang mga putok ng mga masinggan at baril ng base of fire #1. Mula pa sa malayo, tumulak ang mga Pulang mandirigma sa base of fire #2 at pwersang pang-assault tungo sa kanilang takdang pusisyon. Mistulang mga bolang apoy ang mga flare na pinalipad ng mga pasistang sundalo upang maaninag ang naglalapitang mga Pulang mandirigma. Ginapang ng mga Pulang mandirigma ang maputik at matarik na burol na kinalalagyan ng detatsment. Dagdag na pahirap ang balakid ng matibay na dobleng bakod na kahoy na nilagyan ng alambre. Kung kaya sa kalaunan, inangat na lang ang bakod upang makagapang ang mga kasama sa ilalim, samantalang dumaan ang karamihan sa hagdan at pasukan ng detatsment. Pagkatapos ng halos walang puknat na putukan, naagaw ng mga Pulang mandirigma ang target na isang dulo ng pusisyon ng kaaway. Agarang pumusisyon ang base of fire #2 upang makonsentrahan ng putok ang gitnang pusisyon ng kaaway na inaatake na ng pwersang pang-assault. Natuklasan ng mga Pulang mandirigma na higit na mas mahusay ang depensa ng detatsment kumpara sa impormasyong hawak nila. Mas marami ang mga bahay�umaabot sa 19, sa halip na 15�at may sistema ng mga running foxhole na nag-uugnay sa mga bahay tungo sa prinsipal na erya ng depensa ng kaaway na nakaharap sa kabilang burol. Gayunpaman, isa-isang pinaglabanan ang bawat bahay, hanggang naagaw pati ang gitnang pusisyon ng kaaway at nakubkob ang natitirang mga sundalo at elemento ng CAFGU sa huling dulo ng pusisyon ng detatsment. Sumuko ang natitirang mga sundalong sugatan at nakontrol ang detatsment pagkatapos ng humigit-kumulang isang oras at 45 minuto. Ginamot ng BHB ang mga nasugatan�sina Mary Jane Canonigo, asawa ng isa sa mga namatay na sundalo, at isang Pfc Nadera.
Nang gamutin naman si Pfc Nadera, taos-puso ang pasasalamat niya sa mga kasama. Bago umatras ang mga gerilya, tiniyak nilang naisakay ang sugatang sundalo sa pumpboat upang agad na maihatid sa ospital. Sinunog ng mga Pulang mandirigma ang detatsment bago sila sumakay sa tatlong pumpboat sa pag-atras. Hindi na sila nasundan ng kaaway. Mapagpasyang papel ng masa. Sa kalakhan ng proseso ng pagsasagawa ng BHB ng taktikal na opensiba, mapagpasya ang papel ng masang magsasaka at yunit milisya. Nagmobilisa ang mga kasapi ng mga organisasyong masa sa Northern at Eastern Samar at aabot sa 97 mga kasapi ng yunit milisya ang lumahok at sumuporta sa taktikal na opensiba sa iba't ibang paraan. Ang mga myembro ng mga organisasyong masa ang nagtiyak na maayos ang daloy ng pagkain, gamit at iba pang suplay para sa malaking bilang ng mga Pulang mandirigma mula sa iba't ibang yunit gerilya na nagtipon para sa taktikal na opensiba. Nakailang araw muna sila sa kanilang pwesto habang hinihintay ang takdang araw ng reyd, subalit hindi man lang sumingaw ang kanilang presensya. Ang masang magsasaka ang nagsilbing mga mata at tainga ng BHB, samantalang nanatiling bulag at bingi ang pasistang militar sa pagkilos ng mga Pulang mandirigma. Direkta namang lumahok ang mga kasapi ng mga yunit milisya sa taktikal na opensiba mula sa paghahanda, aktwal na paglulunsad nito at pag-atras. Sila ang naghatid ng pagkain sa mga kasama hanggang sa atrasan, nagdala ng mga pampasabog at iba pang ordnans, at nag-alaga at nagdala sa mga sugatang kasama pagkatapos ng labanan. Isa sa kanila ang tumulong sa mga Pulang mandirigma sa paggamit ng masinggan, samantalang 10 ang sumuporta sa tim ng mga medikal. Ang iba naman ay nagbura ng mga bakas na iniwan ng mga Pulang mandirigma sa daan. Habang tinutupok ng apoy ang nadurog na kampo ng kaaway, ligtas na binaybay ng mga Pulang mandirigma ang ilog. Dumaan ang mga pumpboat sa ilang baryo, kung saan nagtipon sa tabing-ilog ang masang magsasaka upang batiin ang mga Pulang mandirigma at ipagbunyi ang matagumpay na taktikal na opensiba. Pagkatapos ng alingawngaw ng mga bala, umalingawngaw naman sa kahabaan ng ilog ang pagbubunyi ng mga magsasaka: "Mabuhay ang BHB! Mabuhay ang matagumpay na opensiba!" ![]()
| ||||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|