![]() | |||||||||||||||||||||||
|
|
Ipinagmamalaki ng rehimen ang dalawang programa nito sa edukasyon. Inilunsad ang mga palabas na programang ito sa huling mga buwan ng panunungkulan ni Gloria Arroyo sa imbing hangaring makuha ang boto ng mga estudyante at kanilang mga magulang. Inilunsad ang Iskolar sa Bawat Mahirap na Pamilya nito lamang Abril. Inumpisahan naman ang Student Assistance Fund for Education for a Strong Republic (SAFE 4 SR) noong maagang bahagi lamang ng taong kasalukuyan. Nakadisenyo ang dalawang programa sa edukasyon para sa mga estudyante sa kolehiyo, na nasa edad para bumoto, lalo na ang SAFE 4 SR na para sa mga nasa ikatlo't ikaapat na taon. Sa ilalim ng Iskolar sa Bawat Mahirap na Pamilya, limang milyon umanong mag-aaral ang magiging iskolar sa loob ng dalawang taon sa alinmang pampublikong kolehiyo o unibersidad, o maaaring pagtapusin ng dalawang-taong kursong teknikal o bokasyunal. Sistemang study-now, pay-later naman ang SAFE 4 SR, na magpapautang ng pondo para sa mga estudyanteng nasa ikatlo't ikaapat na taon upang makabayad sa eskwelahan at sa gayon ay makatapos umano ng pag-aaral. Pabor ang programa ni Arroyo sa mga kapitalistang may-ari ng mga pribadong ekswelahan dahil tiyak pa ring makapagbabayad ng matrikula ang mga estudyanteng benepisyaryo kahit tumaas pa ang mga bayarin. Pero bukod sa kakarampot na bilang ng mga mag-aaral na mabibiyayaan, libu-libo pang estudyante ang mapipilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa bigat na ng mga gastusin. Ang malaking tanong ay kung saan kukunin ni Arroyo ang bilyun-bilyong pisong kakailanganin niya para tustusan ang ambisyosong proyektong ito gayong napakalaki na ng depisit sa badyet ng gubyerno. Ang tumitimo sa isipan ng marami, isa na naman itong engrandeng panlilinlang di lamang para kunin ang boto ng mga estudyante kundi mapahupa rin ang nangngangalit nilang damdamin sa grabeng pagpapabaya ng gubyerno ni Arroyo sa kanilang kagalingan. Kung tutuusin, hungkag ang mga programang ito dahil nararapat lamang na libre ang edukasyon para sa lahat ng mag-aaral. ![]()
| ||||||||
|
[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info] [Publications | Specials | Kultura | Photos] The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau of the Communist Party of the Philippines. Click here to send your feedback. |
|